[Obsesiòn Amorosa Series #2] Flann is a strong independent teenager. He's taking care of his little brother. He will do everything for him. He will do anything for his good. Kahit na ikapapahamak niya pa basta para lang sa kapatid niya.
What if one...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
EP: FIN RYDEL ALISTAIR
"Hmmm.." Nagising si Ryder ng biglang umungol si Flann at mas isiniksik pa nito ang sarili niya kay Ryder.
Napangiti naman si Ryder at yinakap pa ito ng mas mahigpit. Dalawang buwang buntis na din si Flann. Mas nagiging protective si Ryder na mas malala pa sa noon. Bawat ungol at ungos lang ni Flann ay magigising siya. Pati ang mga galaw nito ay alam niya. Kahit pagod na pagod ay ididilat ang mata kapag alam niyang gising na ang asawa niya. Lalo na ngayong mas nagiging clingy si Flann sakanya na pabor naman sa gusto nito.
Mas gusto niya pa ngang, ganito si Flann na kahit saan siya ay nandun din ito. Nakayakap, nakakarga at nakahiga sakanya. Gustong-gusto din nito ng kiss na lalong nagpapasaya kay Ryder. Feeling niya tumama siya ng lotto ng paulit-ulit. Una, magkakaanak na sila ni Flann. Pangalawa, hindi humihiwalay sakanya si Flann na gustong-gusto niya. At pangatlo, adik na adik si Flann sa mga halik niya na talagang gustong-gusto niya. Kahit nga sa pagligo ay magkasabay sila at ayos na din yon para mabantayan at maalagaan niya si Flann. Pero hindi mapipigilang pag-initan sila ng katawan kay ginagawa din nila ang bagay ng yon paulit-ulit. Hindi naman daw makakasama basta nag-iingat. Syempre si Flann gustong-gusto niroromansa siya at si Ryder naman ay ngiting asong at ngiting tagumpay.
Inilagay ni Ryder ang nakaharang na buhok ni Flann sa mukha sa likod ng tenga nito at hinalikan sa noo. Masaya na din siya dahil nagkaayos sila ng ama niya. Nakulong pala si Fiero sa ibang bansa noong nag-abroad ito para magtrabaho. Pinagbintangan itong nagnakaw ng pera sa kumpanya. Hindi man lang siya nakasulat kay Flann. At tungkol naman sa ina ni Flann, hindi na nila ito mahagilap pa. Hindi na din nila ito hinanap dahil kung gusto nito ng kapatawaran, siya mismo ang lalapit.
Tinutoo ni Ryder ang pangako niyang magiging spoil si Flann sakanya. Lahat ng gustong kainin ni Flann ay siya ang magluluto kahit pagod na pagod ay hindi siya pumapayag na hindi siya ang naghahanda sa kakainin ni Flann. Si Flynn naman ay wala na sa puder nila. Nakay Fiero na ito pero madalas itong dumalaw dito kasama ni Fiero.
Yinakap pa ni Ryder ng mas mahigpit si Flann at dinama ang init ng yakap nito bago ipikit ang mata at matulog ulit.
Agad napamulat ng mata si Ryder ng may maramdaman siyang humahalik sa mukha niya.
Agad siyang napangiti nang makita si Flann na nakangiti at pinupuno ng halik ang mukha niya.
"Ang gwapo-gwapo naman ng asawa ko!" Masayang sabi ni Flann. Hindi na napigilan ni Ryder ang sarili at mabilis itong kinabig at hinalikan. Tumugon naman sa halik si Flann.
"Gutom ka na ba? Anong gusto mong kainin?" Nakangiting tanong ni Ryder habang nakayakap siya kay Flann na nakahiga sa dibdib niya pagkatapos ng halik.
"Ayoko nang kumain love! Ang taba ko na!" Nakangusong reklamo nito kay Ryder na nagpatawa sakanya ng husto.
"Mas magandang mataba ka! Para malusog ka at ang baby natin!"