"R-ryder?"
Nanginginig na bulong ni Flann habang naka-tingin kay Ryder."M-magpapaliwanag ako love. P-please l-let me explain?.."
Imbis na sumagot ito may isinubo ito at mabilis na tinawid ang pagitan nila ni Flann. Pwersahan niya itong hinalikan. Naramdaman nalang ni Flann na parang inililipat na kung ano si Ryder sa bibig niya. Sa tindi ng paraan ng paghalik dito at higpit ng hawak, hindi nakapalag si Flann hanggang sa malunok niya ito.Hingal na hingal at naghahabol ng hininga si Flann ng bitawan siya ni Ryder. Hindi naman makagalaw ang lalaki na nakahiga sa nasaksihan.
Napaiktad ito sa gulat ng tumingin sakanya si Ryder. Mabilis itong tumayo at tumakbo paalis pero hindi pa man ito nakakalagapas kay Ryder ng hawakan ni Ryder ang buhok nito pabalik at suntukin.
"Ryder!"
Gulat naman na singhal ni Flann. Hindi niya pinansin si Flann at sumampa sa lalaki at sinuktok ulit."P-pare, m-magpapali- ARRGHH!"
Hindi pinatapos ni Ryder ang sasabihin nito ng suntukin niya ito ulit."R-ryder please stop!"
Pinipigilan siya ni Flann habang hinahatak niya ang braso ni Ryder pero ipiniglas lang ni Ryder ang kamay niya na naging sanhi ng pagkasubsob ni Flann sa sahig."Papatayin kita!"
Galit na galit na sigaw ni Ryder habang walang sawang sinusuntok ang lalaki."L-love! Mapapatay mo si-"
Bigla nalang nahilo si Flann at napa-upo sa sahig. Unti-unti niya ding hindi maramdaman ang kanyang mga kamay at paa."P-pare! P-pakinggan mo muna ako!"
Hindi siya pinakinggan ni Ryder sa halip ay sinakal niya ito."How dare you to touch my love?!"
Galit na galit na sigaw nito habang pahigpit na pahigpit ang pagsakal sa leeg."I will kill you!"
Unti-unting tumayo si Ryder habang hawak-hawak sa leeg ang lalaki. Pilit naman nagpupumiglas ang lalaki para makawala sa sakal ni Ryder pero masyadong malakas si Ryder."Sir! Tama na yan sir! Mapapatay mo siya!"
Sigaw ni Christoffer habang pinipilit niyang alisin ang pagkakasakal sa lalaki pero parang walang naririnig si Ryder sa sobrang galit."Sir! Si Sir Flann!"
Natauhan naman si Ryder ng banggitin ang pangalan ni Flann. Agad niyang binitawan ang lalaki at tumingin kay Flann.Ang lalaki naman ay napaubo at naghabol ng hininga.
Hindi naman nagaksaya ng oras si Ryder. Agad niyang pinuntahan ang Flann na nahihirapan huminga at tila init na init.
"L-love.."
Nahihirapang bulong nito.Agad hinubad ni Ryder ang coat niya at kinarga si Flann. Agad niya itong pinasuot kay Flann ang coat niya at inayos ang pagkakakarga dito.
"Kunin mo yung mga gamit ng asawa ko at dalin mo yan. Alam mo na kung saan.."
Seryosong saad ni Ryder at mabilis na dinala ang walang malay niyang asawa palabas.
BINABASA MO ANG
𝐅𝐥𝐚𝐧𝐧'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟐)
Romance[Obsesiòn Amorosa Series #2] Flann is a strong independent teenager. He's taking care of his little brother. He will do everything for him. He will do anything for his good. Kahit na ikapapahamak niya pa basta para lang sa kapatid niya. What if one...