"Hello baby! I'm home!"
Malakas na sambit ni Flann ng makapasok siya ng bahay. Nagtaka at nakunot ang noo niya ng walang sumalubong na Flynn sakanya.Agad siyang naglakad papunta sa sala. Napangiti siya ng makitang nakatulog ito mula sa paglalaro. Dahan-dahan niyang inayos ang pagkakahiga nito at naupo sa tabi nito. Nakangiti niyang hinaplos ang buhok ng bunso.
Tinitigan niya pa ng ilang minuto ang kapatid bago tumayo at napunta sa kusina. Kumuha siya ng tubig at umupo sa tabi ni Flynn. Inilabas niya ang cellphone niya ng marinig niya itong tumunog.
'Akin ka lang tandaan mo yan!'
'Kung hindi kita makukuha, walang makakakuha sayo!'
'Saakin ka lang Flann, bae!'
'Kakailanganin mo din ako'
Ilan lang yan sa nabasa ni Flann na mensahe ni Ryder sakanya. Tila nag-ibang tao na naman ito. Iba na naman ang paraan ng pakikipag-usap nito.Napangiti nalang ng mapait si Flann at itinabi ang cellphone sa bulsa. Baka nga pagnanasa lang ang meron kay Ryder kaya lumalapit ito kay Flann. Napakibit balikat nalang si Flann at tumayo ulit papuntang kusina.
Nakunot ang noo niya ng makitang konti lang ang bawas ng ulam at kanin na sinaing niya kanina.
"Hindi na naman kumain ang batang makulit na 'to!"
Bulong ni Flann. Napadako ang tingin niya sa cellphone ni Flynn na nakabitaw sa mesa.Agad umupo si Flann sa upuan at binuksan ang cellphone. Mas mabuti nang chinecheck niya ang pinapanood ng kapatid baka kasi ano-ano ang mapanood nito.
Puro lang naman pangbatang kanta ang pinapanuod nito at ilang cartoons. Nagulat si Flann ng biglang tumunig ito at tumatawag ang hindi kilalang number.
Nagdalawang isip pa siya kung sasagutin niya ba o hindi. Nagdesisyon siyang sagutin nalang. Kahit nag-aalinlangan.
"Hello?!"
Halos mapamura si Flann ng marinig ang boses."Ito ba si Flynn?"
Tuluyan pa ding hindi sumagot si Flann sa galit. Paano nakuha ng babaeng ito ang number ng kapatid?"Hello?! Kinuha ko nga pala sa kapitbahay niyo ang number mo, baby!"
"Hindi ako sinasagot ni Flann kaya ikaw na tinawagan ko!"
Kaya pala may pilit na tumatawag sakanya kanina."Kamusta ka na baby?"
"Ayaw mong kausap si Mommy?"
"Pakibigay nalang sa kuya mo please!"
Hindi na nakapagtimpi pa at sumagot na si Flann."Ako 'to"
Tipid na sagot ni Flann."Dyos ko! Salamat naman at sumagot ka!"
Tila nagbago ang tono nito. Ang malambing ay naging masungit."Akala ko patay ka na!"
Niyukom ni Flann ang kamay niya. Kahit kailan ay walang pinagbago ang ina nila. Isa pa rin itong malandi at habol lang ay pera.
BINABASA MO ANG
𝐅𝐥𝐚𝐧𝐧'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟐)
Romance[Obsesiòn Amorosa Series #2] Flann is a strong independent teenager. He's taking care of his little brother. He will do everything for him. He will do anything for his good. Kahit na ikapapahamak niya pa basta para lang sa kapatid niya. What if one...