Chapter 15

17.4K 488 3
                                    

"Hmmmm

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hmmmm.."
Ungol ni Ryder habang naka-pikit ang mga mata niya. Napangiti siya ng may maliliit na kamay na yumakap sakanya.

Dahan-dahan niyang iminulat ang mata. Nasilayan niya ang mapayapa at cute na mukha ni Flynn.

Napangiti siya rito. Dahan-dahan niyang hinalikan ang noo nito.

Isasara na sana ang mata niya ng makitang wala sa kabilang parte ng kama si Flann. Dahan-dahan niyang tinanggal ang pagkakayakap ni Flynn at mabilis na tumayo.

Nakahinga siya ng maluwag ng makita si Flann na nakatalikod habang nagluluto.

Nakangiti siya naglakad ng dahan-dahan.

"Good morning bae!"
Masiglang bati niya rito habang nakayakap sa likod nito at hinalikan sa leeg.

"Good morning din bae! Gutom ka na ba? Sandali nalang 'to!"
Tanong ni Flann sakanya. Sa halip na sumagot, hindi pinakawalan ni Ryder si Flann sa mga yakap niya.

"Ang saya dahil gumising ako na may Flann akong nakita"
Bulong pa ni Ryder tsaka hinalikan ang leeg ni Flann.

"Nambola ka na naman"
Natatawang sabi ni Flann habang nagluluto.

"No. Hindi kita binobola"
Hindi nalang sumagot si Flann at nagpatuloy sa pagluto. Hindi din umalis sa likod niya si Ryder. Nakayakap lang ito sakanya.

"Good morning kuya! Good morning kuya pogi!"
Agad silang napatingin kay Flynn. Kinukusot-kusot pa nito ang mga mata niya.

"Good morning baby! Gutom ka na ba?"
Umiling si Flynn. Agad naman itong nagpakarga kay Ryder.

"Morning baby boy!"
Bati sakanya ni Ryder at hinalikan ito sa pisngi. Ngumiti naman si Flynn sakanya at hinalikan din siya sa pisngi.

"Bakit si kuya pogi mo may kiss?! E ako wala?!"
Pabirong singhal ni Flann.

"Syempre kuya meron ka din!"
Inilapit ni Ryder si Flynn kay Flann. Agad naman hinalikan ni Flynn si Flann sa pisngi. Nakangiti din namang hinalikan ni Flynn si Flann sa pisngi din nito.

"Ako bae? Wala ba akong kiss?"
Nakangusong tanong ni Ryder kay Flann.

"Wala matanda ka na!"
Natatawang singhal ni Flann na napasimangot kay Ryder.

"Baby boy? Ayaw ako bigyan ng kuya mo ng kiss! Mind to help me?"
Parang batang nagsusumamong sabi ni Ryder kay Flynn. Ngumiti naman si Flynn at nagthumbs-up pa.

"Kuya! Give kuya pogi a kiss! Look oh! He needs it!"
Napangiti naman si Ryder dahil duon. Umikot si Flann at tumingin sa kanila. Nakangisi naman at tinataas-taas ni Ryder ang dalawang kilay niya.

"Kuya! Its just a kiss! Mag-boyfriend naman kayo ni kuya pogi diba?"

"Oo nga!"
Panggagatong pa ni Ryder dito.

𝐅𝐥𝐚𝐧𝐧'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟐)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon