"Shhhh.. Wag ka ng umiyak"
Bulong ni Ryder habang nakayakap si Flann sakanya. Nandito sila ngayon sa van. Kaaalis lang nila sa dating bahay nila Flann. Si Flynn naman ay na kay aling Ising pa din."A-ang sakit! Ang sakit-sakit!"
Humahagulgol na singhal ni Flann habang nakasubsob sa dibdib ni Ryder.Hinayaan lang ni Ryder umiyak ito sa dibdib niya hanggang tumigil ito.
"Sabi ko naman sayo wag ka ng umiyak e!"
Natatawang sabi ni Ryder habang pinupunasan ang mga luha ni Flann sa pisngi niya."Tignan mo tuloy! Namamaga mata mo!"
Pagkatapos niyang punasan ang luha nito, hinalikan niya ito sa kanyang mata at noo."Saan na kami pupunta ngayon?"
Bulong ni Flann."Sakin! Saakin nalang kayo!"
Biglang napatingin si Flann kay Ryder."Ayoko bae. Masyado ka ng madaming natulong. Maghahanap nalang agad ako ng apartment.."
"No. I will not allow you to do that. You'll will stay at my house. That's final"
Seryosong singhal ni Ryder."Pero bae hin-"
"No more buts. Para na din maalagaan nating mabuti si Flynn. Tsaka pag nag-aaral tayo, pwede natin siyang iwanan kila mommy"
Natahimik naman si Flann sa sinabi nito. Tama siya, kailangang maalagaang mabuti si Flynn. Nagkasakit siya dahil hindi ito kumakain kapag wala siya. Kung mag-isa na naman niya itong iiwan. Baka magkasakit na naman ang bunso kapag nangyari iyon. Pero, masyadong nakakahiya sa pamilyang Alistair."Dont think to much my bae. Kung iniisip mong magiging pabigat kayo sakin, samin ng pamilya ko? You are wrong"
Nakangiting sabi sakanya ni Ryder habang hawak ang pisngi nito."Welcome na welcome ka sa bahay ko, sa bahay nila mommy. Hindi ka na iba saamin"
"Ang totoo nga hinihintay nalang nila tayong magpakasal e"
Tila naman nabingi si Flann sa binulong ni Ryder at hindi niya narinig iyon."Ano yon?"
Nagtatakang tanong ni Flann dito."Wala bae. Sabi ko ayos pang na tumira kayo sakin ni Flynn. Mas okay pa nga yon e! Ligtas kayong pareho tapos nasa tabi pa kita!"
Namula naman ang mukha ni Flann sa sinabi nito. Hindi niya mapigilang mapangiti dahil duon. Lalo siyang nahuhulog dito habang tumatagal. Lalo niya itong nakikilala. Lalo niya itong minamahal."Maraming salamat bae. Mahal na mahal kita.."
Bulong ni Flann tsaka siniil ng halik si Ryder. Ilang segundo lang ay sumagot na sa halik si Ryder."Mahal din kita bae. Simula ngayon, wala nang pwedeng manakit sayo. Wala ng mag-papaiyak sayo. Tandaan mo yan.."
Bulong din ni Ryder pagkatapos ng mainit nilang halik. Siniil niya ulit ito ng halik pagkatapos."Sir! Dahan-dahan lang po! Nandito pa po ako!"
Napatigil sila sa paghalik ng magsalita ang driver ni Ryder. Hindi mapigilang matawa at mahiya ni Flann."Gusto mo bang matanggal sa trabaho? Christoffer?"
Naka-poker face na tanong ni Ryder dito."H-hindi po sir! Joke lang po yon!"
Tila kinakabahang singhal ng driver nito."Good!"
"Wow! Kuya pogi! Ang laki naman ng bahay mo!"
Manghang-mangha na singhal ni Flynn habang nakatingin sa bahay ni Ryder. Simula kanina ay hindi ito bumaba sa pakakakarga kay Ryder. Hindi naman nagreklamo si Ryder tila nag-eenjoy pa siya sa kulit ng kapatid."Yes baby boy! Simula ngayon, dito na kayo titira ng kuya Flann mo! Gusto mo ba yon?"
Napangiti si Flann habang minamasdan ang dalawa. Para silang mag-ama."Ayos na ayos po kuya pogi! May playground po ba kayo?"
Nakangusong tanong nito kay Ryder."Wala baby boy!"
Napasimangot naman si Flynn dahil duon."Pero bukas na bukas din! Magpapagawa tayo!"
"Talaga kuya pogi?!"
"Syempre! Magpapagawa tayo bukas na bukas din!"
Humagikgik naman si Flynn dahil duon."Thank you kuya pogi!"
Malambing na sabi ni Flynn at hinalikan sa pisngi si Ryder."Ang sarap naman nun baby boy!"
Humagikgik nalang silang tatlo at naglakad papasok ng bahay ni Ryder.Hindi maiwasang mamangha ni Flann sa ganda at laki ng bahay ni Ryder. Hindi mapagkakailang maganda ito. Mukhang mamahalin ang mga gamit. Isa lang ang kulang dito. Tila walang kabuhay-buhay ang bahay. Napakadilim din ng bahay hindi nasisinagan ng araw dahil sa malalaking kurtinang nakaharang sa liwanag na pumapasok. Malungkot ang bahay.
"Pasensya na kung madilim ang bahay ko. Hindi kase ako masyadong umuuwi dito. Lagi akong kila mommy"
Ngumiti si Flann at tumango dito."Simula ngayon sasaya na ang bahay ko bae. Nandito na kayo e!"
Hindi maiwasang matawa ni Flann sa sinabi nito."Talaga?"
"Uhmmm"
"Bukas na bukas bae, papasayahin pa natin lalo ang bahay mo!"
Ngumiti lang si Ryder sakanya at lumapit dito."Bahay natin"
Bulong ni Ryder bago niya hapitin sa bewang si Flann at siilin ito ng halik."Kuya may swimming pool!"
Agad silang napalayo at napatigil sa halikan ng sumigaw si Flynn."May swimming pool pala ang bahay ni kuya pogi! Gusto kong mag-swimming kuys pogi! Pwede po ba?"
"Pwedeng-pwede"
Napatingin sila sa isat-isa at sabay na tumawa.
BINABASA MO ANG
𝐅𝐥𝐚𝐧𝐧'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟐)
Romance[Obsesiòn Amorosa Series #2] Flann is a strong independent teenager. He's taking care of his little brother. He will do everything for him. He will do anything for his good. Kahit na ikapapahamak niya pa basta para lang sa kapatid niya. What if one...