Chapter 9

20.6K 575 36
                                    

"Hi ate Belle!"Nakangiting bungad ni Flann kay Belle ng marating siya sa resto

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hi ate Belle!"
Nakangiting bungad ni Flann kay Belle ng marating siya sa resto. Dumiretso siya agad dito pagkatapos niya sa eskwela. Tinawagan niya muna si Flynn at kinamusta ito. Nang malamang ayos lang ang kapatid ay umalis na agad at nagtungo dito.

"Hi Flann!"

"Parang ang saya mo ngayon!"
Hindi talaga maalis ang ngiti ni Flann dahil sa sinabi ni Ryder sakanya. Hindi niya alam kung nahuhulog na ba siyang talaga o hindi. Sumusunod lang siya sa agos nito.

"Hindi naman ate Belle. Medyo malungkot ako ngayon"
Bulong ni Flann kasabay ng pagpunas niya sa counter.

"Bakit naman?"

"Hindi ko makita ang matalik kong kaibigan"

"Naaksidente raw siya kahapon, nabasa ko sa internet. Pero wala namang bangkay na narecover.."
Napabuntong hininga nalang si Flann. Isang araw niya palang hindi nakikita si Max ay miss na miss niya na ito. Tila ba hindi kumpleto ang araw niya pag hindi niya makita ang maganda at nakakahawang ngiti ni Max. Ang pangungulit. Kadaldalan, kaingayan at kalambingan nito.

"Hindi ba siya yung nasa balita kaninang umaga sa TV?"

"Maxim Enriquez ba?"
Tumango naman si Flann sakanya at tinuloy ang pagtratrabaho.

"Tingin ko Flann hindi aksidente iyon.."
Napatingin naman si Flann sa sinabi nito.

"Paano mo nasabi ate?"

"Eto tignan mo!"
Inabot sakanya ni Belle ang cellphone nito. Nagulat si Flann ng makita ang mga litrato. Ito ang account ni Trevor sa IG. Puro mukha lang ni Maxim ang nakikita niya. Isa pang nakakuha nang pansin niya ang kahong itim na naglalaman ng dalawang singsing.

"They are husbands.."
Hindi na bago si Flann duon. Pinagpatuloy niya ang pagtingin sa mga litrato.

"Ang nakakapagtaka, dineactivate ni Mr. Smith ang account niya kaninang umaga lang!"

"Buti nalang na-screencapture ko! Fan kaya ako nila!"

"Isipin mo Flann ha! Kung maaksidente man si Max, hindi ba dapat nasa ospital na ito ngayon kasama si Trevor?"
Tama siya. Tama si Belle. Dapat nasa ospital na ngayon si Max. Pero nasaan siya.

"Pero ang sabi mo nga, wala siya sa kahit saang ospital diba?"

"At nasa opisina lang si Mr. Smith na parang walang nangayari sa husband niya.."
Napaisip si Flann. Bakit nga ba walang ginagawang hakbang si Trevor? Di kaya'y hiwalay na sila? Ano bga bang nangyayari? Halos hindi na alam ni Flann. Nalilito na siya sa nangyayari.

"Ipinagpapasadyos ko nalang ang kaligtasan niya ate.."
Nakangiting singhal ni Flann at ibinalik ang cellphone ni Belle.

Nagsimula na itong magtrabaho kagaya ng naka-ugalian. Nakangiti pa rin siyang humaharap sa mga kostomer. Hindi niya inaalis ang ngiti kahit pagod na pagod na siya. Kailangan niyang mag-ipon para sa kapatid. Kahit hindi na siya ang makapagtapos basta maitaguyod niya lang ang kapatid ay ayos na siya.

𝐅𝐥𝐚𝐧𝐧'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟐)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon