Chapter 18

15.3K 443 73
                                    

"Goodbye class

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Goodbye class. Take your break"
Pinagmasdan lang ni Flann lumabas lahat ng kaklase niya. Kanina pa siya nagtitimpi dahil sa katabi niya na walang ginawa kundi mag-pa-cute at magpaganda sa lahat ng lalaki sa loob ng room nila. Sa kamalas-malasan naman ni Flann dahil sakanya pa ito natabi dahil iyon nalang ang bakanteng upuan kung saan dating nakaupo si Maxim.

Huminga ng malalim si Flann at tumayo na nang sila nalang dalawa ang natira sa loob. Agad niyang kinuha ang bag at isinukbit sa balikat niya at naglakad papunta sa pintuan ng room. Pero hindi pa siya nakakalabas ng harangin siya ni Tiffanny.

"Im so swerte talaga!"
Maarte nilang singhal habang nilalaro-laro ang mahaba nitong buhok. Hapit na hapit din ang suot nitong blouse at sobrang ikli ng palda niya sa dapat na haba nito.

"Akalain mo yon?! We're classmates! Thats great!"
Napa-irap nalang si Flann dahil dito.

"Am I sexy Flann?"
Tinignan lang siya ni Flann ng may pagkainip.

"Am I beautiful?"
Sunod na tanong pa nito.

"Magagandahan na kaya sakin si Ryder?"
Muntik nang matawa si Flann sa sinabi nito.

"Pwede ba wag ka nang humarang dyan! Aalis na ako pwede ba?"
Naiinis at nauubos na ang pasensya ni Flann dahil sa babaeng kaharap niya.

"Oppsie! Not now m-"
Hindi natapos ang sasabihin ni Tifanny ng tumunog ang phone ni Flann na nasa bulsa nito.

Hindi na pinansin ni Flann si Tifanny at inilabas ang phone niya. Napangiti siya ng makita ang caller.

'My Love'

Na siya mismo ang naglagay. At ang wallpaper niyang si Ryder habang karga-karga si Flynn.

"Wow! How can you afford that phone?!"
Tila parang gulat na gulat na singhal ni Tifanny habang nakatingin sa phone ni Flann.

"Alam mo bang its 200,000 thousand pesos?!"
Nagulat naman si Flann sa presyo ng phone niya. Hindi niya naman alam kung magkano ito dahil ibinigay lang sakanya ni Ryder ito. Ang sabi pa ni Ryder mura lang iyon nung ayaw pa itong tanggapin ni Flann.

"My god! It's my-"
Hindi nakaiwas si Flann ng subukang abutin ni Tifanny ang phone niya pero bago pa man mahawakan ni Tifanny ang phone ay may tumapik ng kamay nito.

"Ouch!"
Maarteng sigaw nito habang hawak ang parte na tinapik ni Ryder. Nagulat nalang si Flann ng bigla itong sumulpot kung saan at malakas na tinapik ang kamay ni Tifanny.

"Oh hi! Ryder?!"
Malanding singhal nito at hindi pinansin ang pulang-pulang parte na tinapik ni Ryder.

"Hindi ko ini-expect na makikita kita dito!"
Malanding sagot nito habang iaayos ang buhok niya at pinagduduldulan sa harap ni Ryder ang dibdib niya.

"Am I sexy?"
Pinasadahan siya ng tingin ni Ryder mula ulo hanggang paa.

"You're disgusting!"
Nakasimangot naman si Tifanny sa sinagot ni Ryder.

𝐅𝐥𝐚𝐧𝐧'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟐)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon