EP; REVENGE
"Kaya mo ba?"
Nag-aalalang tanong ni Ryder kay Flann habang nakaalalay ito sa pagbaba ng hagdan."Kaya ko love!"
Sagot nalang ni Flann. Dalawang araw mula nung nagkaayos sila at pinagsamatalahan siya ni Ryder, medyo nakakalakad na nang maayos si Flann. Pero todo alalay pa din si Ryder sakanya. Ayaw nga siyang palakarin nito at patayuin man lang."Sigurado ka? Baka lalo lang sumakit yan!"
Kita ang alala sa mukha ni Ryder habang nakaalalay sa bewan ni Flann.Tinitigan ito ni Flann. "Sabi ko nga kaya mo!"
Nagkakamot na ulong sabi ni Ryder pero hindi pa din inaalis ang pagkaalalay dito."Dahan-dahan lang! Ayaw mo kasing magpabuhat nalang!"
"Kaya ko nga love e! Ang lakas ko kaya!"
Nakangiting sigaw ni Flann habang pinakita pa nito ang braso niyang wala namang kamasel-masel."Ang kulit-kulit mo talaga!"
Singhal ni Ryder at walang kahirap-hirap na binuhat si Flann pababa ng hagdan.Walang nagawa si Flann kundi tumawa lang ng tumawa lalo na mang halik-halikan siya ni Ryder sa leeg at tiyan nito.
"Ito gusto mo ba 'to?"
"E ito?"
"Eto pakwan! Kainin mo love para lumakas ka agad!"
"Wag ka munang uminom ng sprite maaga pa!"
Pinagmamasdan lang ni Flann na pagsilbihan siya ni Ryder. Aligagang-aligaga ito sa kakalagay ng pagkain sa plato niya. Punong-puno na ito pero hindi pa din tumitigil.
"Love? Ang dami naman nyan!"
Natatawang sabi ni Flann dito."Mas maganda. Para tumaba ka naman! Tsaka lumakas ka agad!"
Ngumiti si Flann dito."My love?"
"Hmmm?"
"Mahal mo 'ko?"
Tanong ni Flann na nagpatingin kay Ryder."Tinatanong mo pa? Syempre naman! Mahal na mahal kita!"
Nakangiti at taos pusong sabi ni Ryder."Paano ba yan.."
"Mahal din kita!"
Biglang namula ang pisngi ni Ryder ng marinig ang sagot ni Flann. Napahinto din ito sa pagsubo ng pagkain kay Flann."Namumula ka ba love?"
Natatawang tanong ni Flann dito. Biglang nag-alis ng tingin si Ryder sakanya at ibinaling ang tingin sa pagkain niya."H-hindi ah!"
"Talaga ba? Kinikilig ka ata e!"
Natatawang sabi ni Flann."Oo kinikilig ako! Gusto mo pakiligin din kita?.."
"Sa kama?"
Namula ang buong mukha ni Flann sa binulong ni Ryder."Napaka-hilig mo talaga! Ewan ko sayo!"
Naiinis na singhal ni Flann at hinampas ng mahina ang braso ni Ryder. Hindi pa din naalis ang pula ng mukha niya.
BINABASA MO ANG
𝐅𝐥𝐚𝐧𝐧'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟐)
Romansa[Obsesiòn Amorosa Series #2] Flann is a strong independent teenager. He's taking care of his little brother. He will do everything for him. He will do anything for his good. Kahit na ikapapahamak niya pa basta para lang sa kapatid niya. What if one...