Ikalimang Kabanata

87 18 0
                                    

Makapangyarihan kahon

Ayesha Pov

"Alipin!"

"A.LI.PIN!!!"

"ALIPIN!!!"

Halos mapatayo ako sa pagkakahiga ko dahil sa narinig kong sigaw, kaya kahit inaantok pa ay iminulat ko na ang akin mga mata

Bumungad sa akin ang gwapong nakasimangot na mukha ng asong lobo ito o tamang sabihin si Raizel

"Ano ba iyon? Bakit ka ba nanggigising diyan ah?" inaantok kong tanong

Nakaupo ito sa kama at nakahalukipkip na nakaharap sa akin na nakahiga sa sahig

"Gutom na ako." nakasimangot niyang sabi

Inaantok at tulo-laway pa na tumingin ako sa wallclock dito sa kwarto

Late na ba ako?

Wala sa oras na namilog ang mga mata ko nang makita ko ang oras kung gaano na nga ako ka-late sa klase

7:20 am na! At ang start ng klase ay 7:30! Shemayyyy!!!!

Mabilis ako napatayo dahil sa late na naman ako

"SHIT! LATE NA NAMAN AKO SA FIRST SUBJECT KO!"

Hindi ko na pinansin ang asong lobo na nakasimangot sa gutom at hindi ko na rin iniligpit pa ang kumot at unan na nagkalat sa sahig dahil wala na akong oras para ayusin pa ang mga iyon

Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ng banyo ay agad na kinuha ng kamay ko ang spare ng toothbrush at nilagyan ng toothpaste, natapon-tapon pa ang ibang toothpaste dahil sa kamamadali

Nang matapos magsipilyo ay hindi ko na hinubad pa ang damit ko dahil lalo lang akong male-late kung maliligo pa ako ng buong katawan. Ulo nalang ang ililigo para mabilis

Inilislis ko na ang damit ko sa braso saka itinutok sa gripo dito sa lababo ang akin ulo at shinampoo

Halos matumba ako sa gulat sa biglang pagbukas ng pinto dito sa banyo at kahit hindi ko ito nakikita ngayon dahil sa nakapikit ang akin mata habang shinashampoo ang buhok ko ay alam kong si Raizel ang nagbukas ng pinto

Siya lang naman kasi ang kasama ko sa apartment dahil sa nagbakasyon ang nag-iisa kong kasama noon sa apartment na si Shakira

"Ganyan na ba ang makabagong-pamamaraan ng mga Mortal na tao ngayon upang maligo? Tanging ulo lang inyong nililigo at hindi na ibinababad sa tubig ang inyong katawan? Ganyan na ba ang makabagong-ligo?" Base sa boses na ginamit ni Raizel ay nakangiwi ito ngayon habang nakatingin sa akin

Hindi ko nalang siya pinansin kasi nga late na ako!

Pinihit ko na ang gripo dito sa lababo para banlawan sana ang buhok ko pero walang lumalabas na naman na tubig

NA NAMAN?!

"Shit! Wala na naman tubig?! Nagbabayad naman ako ng tubig ah?! Bakit wala na naman?! Buset!!! Irereklamo ko na talaga ang water district na iyan!!!" nakapikit ko sigaw dahil sa napuwing na ang mata ko sa shampoo "Raizel, pakikuha nga diyan sa tabi ng toilet bowl ang isang timba tubig na nandyan. Dalian mo! Napuwing na ako dito sa shampoo o! Shet!"

My Legendary Innocent PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon