Siyam:🐺Tirintas🐺

80 17 0
                                    

~~•3rd Person Pov•~~

Gustuhin man magteleport ni Raizel para hanapin si Ayesha ngunit hindi niya magawa dahil para bang wala na ang kapangyarihan niya sa katawan ng mga oras na iyon. Pinakiramdaman niya ang sarili pero sadyang kahit anong senyales ay hindi niya na maramdaman pa ang kapangyarihan na tumatalaytay sa palad

"Paano nangyari ito?!" nanggigik na tanong niya sa sarili

Imbes na isipin niya ang nawawalang kapangyarihan ay mas pinili niyang hanapin si Ayesha sa loob ng Hospital dahil alam niya nasa babae ang kasagutan hinahanap niya. Hindi maiwasan magtaka ni Raizel nang sa kanya ang halos atensyon ng mga rito sa Hospital. Napapatigil kung hindi naman ay napapatula ang bawat tao na nakakasalubong niya dito sa Hospital. Karamihan ay sa kanyang mukha nakatitig ang mga tao na tulad rin na ginawa titig ni Ayesha noon unang beses sila magkita

"Shet! Ang gwapo naman ng pasyente iyan!"

"Model ba siya o Artista? Kyahh!"

"Picture-an mo besh, dalii! Nang mapost natin sa IG!"

"OhmyG! He's look my Prinsipe!"

"Bro, ang gwapo mo naman. Naol~"

Rinig niyang nakakarindi tili at sabi ng mga tao madaanan niya na lalo niyang ikina-irita dahil sa mga nakakabingi nilang tili

"Nasaan na ba ang akin alipin?!" hindi maiwasan maghimutok na bulong ni Raizel

Napabaling ang atensyon niya sa babae naglalakad sa corridor, kung saan nakatingin ang halos lalaki sa babae na halatang nagagandahan. Nang mapansin ni Raizel na matatapilok ang babae ay patakbo itong lumapit sa babae para tulungan. Matatapilok na sana ang babae sa taas ng heels kaya agad niyang sinalo ang baywang ng babae para hindi dumaretso ang puwitan sa sahig

NAPALUNOK SI LEISHA—nang bumungad sa kanya ang isang napakagwapo nilalang na ngayon hawak ang kanyang baywang. Seryoso ang mukha ng lalaki na lalong dumagdag sa bad look face niya!

"Okay ka lang ba, binibini?"

Wala sa oras na napakagat ng labi siya nang marinig ang baritono boses ng lalaki kaya ngi-ngiting tumango siya. Inilalayan naman siya ng lalaki tumayo. Nang makatayo na siya ng balanse ay nakangiting humarap siya sa gwapong lalaki sumalo sa kanya, alam niya ang ngiti iyon ay walang lalaki hindi maakit sa mala-killer smile niya pero ngayon, nagkakamali siya dahil sinulyapan lang siya ng lalaki at hindi man lang siya nginitian

Nagpapalinga-linga sa paligid ang lalaki na parang may hinahanap, halatang hindi tumalab sa gwapo lalaki ang nakaka-akit niyang ngiti. Hanggang sa naalala ni Leisha ang sinabi ni Ayesha sa kanya bago siya umalis ng bahay

"Mahanap mo na sana ang lalaki hindi maakit sa ganda mo!" naalala niyang sigaw ni Ayesha kanina

'Siya na ba ito?' tanong ni Leisha sa sarili habang nakatitig sa gwapong lalaki na parang may hinahanap

"Osige, binibini. Aalis na ako, may hinahanap ak—"

Aalis na sana ang lalaki ay mabuti mabilis na hinawakan ni Leisha ang kamay nito kaya nakakunot ang noo napalingon sa kanya ang lalaki

My Legendary Innocent PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon