Sampo:🐺GWAPO LOBO🐺

69 13 0
                                    

Ayesha Pov

"M-my mom came from rich family which is Vallerio Family kaya siguro mataas ang pride nito." umiiyak ko kwento saka hinawakan ang pisngi ni Raizel "Naging abala sa trabaho si Mama matapos nila maghiwalay ni Papa noon, kaya laging sila lola ang kasama ko sa bahay, Until... One day,,, I heard my lola talking to my Papa in sala's na binabalak nila ako ipakasal sa anak ng mayaman angkan. So, kaya ba pinalaki nila ako para pakinabangan rin nila ako paglaki? Para ipakasal nila ako sa kapwa nila mayaman? Kaya nagrebelde ako at nag-layas. Just to spite my Parents."

Napasinghap-singhap na ako sa tindi ng pag-iyak lalo na kapag naalala ko ang madilim kong nakaraan

"A-alam...mo, sa edad na sixteen ay natuto ako mag-rent ng bahay at mabuhay magisa, sumakay ng jeep... Kumain sa murang karinderya at hindi sa mamahalin Restaurant... B-bumili sa palengke at hindi sa Kilalang Mall... Maligo sa gripo at hindi sa gatas... Umiyak mag-isa na walang nagpapatahan. Sa murang edad ko noon ay natuto akong humarap sa tunay na mundo. Mundo na walang kamay na magtatayo sa akin kapag ako nadapa, at walang kamay na yayakap sa akin sa tuwing nilalamig ako... W-wala din kamay na magpupunas sa mga luha ko sa umiiyak ako. Dahil ito ang tunay na mundo, na walang permanente. Lahat ay aalis at aalis din, tulad ng bituin. Some will die and some will born. May aalis at may d-darating."

"Hindi ka ba hinahanap ng mga magulang mo noon?" tanong niya saka nilagay ang mga buhok ko na nagkalat sa mukha sa akin gilid ng tenga

Ngumiti naman "Hinanap. Pero hindi nila alam kung nasaan ako nakatira maliban sa kapatid ko si Jafet na siya lang ang may alam. Siguro ay nagsawa na sila sa kakahanap sa akin at kakapilit kaya hindi na nila ako hinanap pa. Kaya ang buong akala ng lahat ang nag-iisa babae apo ng Vallerio Family ay namatay na."

Kahit minsan ay hindi siya nagsalita, nakikinig lang siya habang nagku-kwento ako. Wala ako narinig ng kahit ano negatibo salita sa kanya. Kasi sa tuwing ang paksa ay ang buhay ko, lagi ipinapamukha sa akin ng iba tao na wala akong kwenta anak o masama akong anak dahil nga sa nagrerebelde ako. Kaya ito palang ang unang beses ko na may umunawa sa akin

Kaya pakiramdam ko ngayon ay may tao ka ako kasama
Na kakampi ko sa lahat ng bagay, na may taong nagpapahalaga na sa akin, na kay tao uunawa na sa akin, na magmamahal at po-protekta. Kahit maliit lang na bagay na pakikinig ni Raizel sa akin, ay hindi ko maiwasan maiyak... Dahil sa para bang ipinaramdam niya sa akin na kahit papaano ay importante pa rin ako.

"Hey! Bat ka na naman umiiyak?" nag-aalala niyang tanong

Hindi ako umimik, umiiyak lang na pinunasan ko ang unlimited kong luha na patuloy pa rin ang paghagos

"S-so, that's why I made up my m-mind na...na..." napasinok-sinok ako sa tindi ng iyak "Na... Kapag ikinasal ako sa lalaking mahal ko ay...*hik*... Ipinapangako ko n-na...*hik* na magiging mabuti ako asawa at mapagmahal na...na...na ina s-sa mga anak, unlike my parents."

Kaya umiiyak na sinusubsob ko uli ang mukha sa dibdib ni Raizel. Hinayaan naman niya ako umiyak doon

"Okay kana ba?" tanong niya nang namayani na ang katahimikan

Namumugto ang mga mata na tinignan ko siya saka nakanguso na tumangi, ngayon nasa itaas niya ako ay kitang-kita ko ang maamo niyang mukha. Sayang! Bakit kasi asong-lobo ka pa!

He reach out a hand and tucked my hair behind my ear—AT iyon ang eksakto nakita ng Doctor nang buksan ang pinto ng room

O_________________o

Ako na nasa itaas ni Raizel
At Raizel na nasa ibaba

Kaya mabilis na umalis ako sa ibabaw ni Raizel habang si Raizel ay agad din umupo

My Legendary Innocent PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon