Ayesha Pov
"Manahimik ka nga diyan! Ano'ng iiwan na pinagsasabi mo diyan? Baka isipin ko diyan na may gusto ka sa akin ah!" sabi ko saka hinablot sa kamay ng Gwapong ito ang Invitation Card na hawak
"No, please don't... Thank you nalang."
Napakunot ako "Ano'ng sabi mo?"
"Baka kapag nagustuhan kita. FVCK! My life would probably turn into a horror film." He said saka umarte pa na nangingilabot
I glared at him "Ano'ng horror film? Gusto mo ba makatikim ng sapak ah?"
"No, no, no po." sabi niya saka natatawa humilag pa sa kamay ko na handa manapak "Ikaw naman, hindi kana mabiro. Joke lang, it wouldn't be horror film but a comedy."
Napangiti ako sa narinig "Kasi pinapasaya ko ang araw mo? Susss! Patay na patay kana pala sa akin ahh?"
"No! Mali pala ako, hehe. A comedy-horror pala." bawi niya at humalakhak pa ang Mokong "HAHAHA may ganun bang genre?"
"Aba't—" napapaypay ako sa inis sa lobong ito pero kasabay no'n ay napatigil ako lalo na ng may marealize "Aba, aba, aba. Teka nga, mister... Marunong ka palang mag-english? Akala ko ba ay hindi ka marunong ah?! Ako ba ay pinagloloko mo, lalaki?!"
"Natutunan ko ito sa laptop mo kaya nga nakasakay ako kanina sa taxi dahil sinearch ko ang some of information na hindi ko alam. Tulad ng Airplaine, Car, Taxi at iba pa... Kasabay din no'n ay ang pagtuto ko sa salitang ingles—teka nga binibini, ang lakas na yata ng iyong loob na sapakin at sigawan ang iyong sariling panginoon? Saan ka kumuha ng lakas ng loob para kumapal ang kalyo mo sa mukha?"
Alanganin na napangiti naman ako lalo na ng makita ko ang nakasimangot niyang mukha
Ohmy! Ayan na naman siya, daig pa niya ang may Multiple Personality Disorder. Paiba-iba ang mood, kaya ngayon... Nakasimangot na naman siya!
"Ahh...eh...ahmm..." kinakabahan ko sabi habang iniiwasan na mapatingin sa nanlilisik niyang mata "Ahh...ehh..."
Nagpalinga-linga ako sa paligid para humanap ng dahilan—hanggang sa makita ko ang TV
"Ahh, Gustomongmanoodpanginoon?" walang-hinga ko sabi
Imbes na sagutin niya ang tanong ko ay lalo lamang siya lumapit sa akin at iniharap ang couch na inuupuan ko sa kanya saka inilapit ang seryoso niyang mukha sa mukha ko. Matiim niya ako tinignan na para may sinisiyasat sa mukha ko
Shemay! End of my life ko na po ba, lord? Huwag naman po sana...
"Ninakaw mo ba ang kalahati ng aking kapangyarihan, alipin?"
Wala sa oras na napakurap-kurap ako sa walang sense niyang tanong "Huh?"
Lalong nanlisik ang mga mata niya at matalim ako tinignan "Noon oras na magte-teleport sana ako papunta sayo dahil sa pangangati ng katawan ko sa ipinakain mo sa sardinas sa akin. Ngunit hindi ko magteleport ng mga oras na iyon, sinubukan ko na rin kontrolin ang mga bagay sa iyong bahay pero para akong inutil na wala ng kapangyarihan. At sa mga oras na iyon ay pakiramdam ko wala na ang kapangyarihan aking taglay, dahil sa unti-unti nanlalamig ang mainit kong palad kaya sumakay ako ng Taxi para puntahan ka sa iyong paaralan kanina. Pero ang ikinata-taka ko ay noon oras na nakalapit na ako sayo ay bigla nag-liyab sa init ang akin palad, hanggang sa naramdaman ko uli ang muling pagdaloy ng aking kapangyarihan sa katawan... Umamin ka, babae. Ninakaw mo ba ang kalahati ng aking kapangyarihan?"
BINABASA MO ANG
My Legendary Innocent Prince
FantasyNapalunok ako ng itulak niya ako sa pader, hindi ko maaninag ang mukha niya ng mga oras na ito pero alam kong ito na naman siya... Ang lalaki blurred ang mukha sa panaginip ko "S-sino ka ba?!" Natatakot kong sigaw "bakit ka lagi dumadalaw sa panagin...