Ikaanim na kabanata

88 17 0
                                    

My taxi wolf

Ayesha Pov

Pasado alas-otso na ako nakarating ng iskwela, hindi ko maiwasan magtaka dahil sa mga studyante na nasa Entrance ng Campus na may hawak pa ng iba't ibang disenyo ng banner at may light stick pa na hawak-hawak na alam mong may hinihintay na artista

May mga taga-ibang school din ang nasa labas ng Campus at may mga banner din na hawak, pero lalo ako nagtaka dahil sa may mga reporter din sa ibat ibang network ang nasa labas ng Campus namin

May Kpop bang darating? O baka may Idol star na parating?

Nang makapasok sa loob ng Campus ay kapansin-pansin ang pagiging abala ng mga studyante sa pag-ayos ng dekorasyon, ng mga props at ang pag-lugar sa mga camera dito sa hallway

May drama bang gagawin ang department ng Art and design?

"Huy, anong nangyayari? May program ba o may magte-taping dito sa hallway?" bungad ko kila Julie nang makarating na sa Classroom "May booth bang balak gawin? Malayo pa naman ang valentines ah?"

"Yan, late ka na naman kasi kaya wala kana naman alam." naiiling na sabi ni Julie habang nakatingin sa cellphone "Pasalamat ka, ay itong Campus ang napili para gamitin kaya walang klase, kundi ay yari ka na naman kay Mrs. Torres."

"Anong gagamitin? Ano ba ang nangyayari sa labas? Bakit ba ang dami inaayos na Camera sa hallway? May konsehal bang darating? O baka may drama gagawin ang mga Art and design?" Kunot-noo kong tanong

May mga nadaanan kasi ako sa labas ng mga lalaki nag-aayos ng camera at may mga kulay itim din ni payong na halatang may magte-taping

"Hindi ka nagbabasa sa Campus Forum noh?" tanong ni Wency at tinapunan ako ng tingin bago muling tumingin sa cellphone "Ang St.Descartes Academy po kasi ang napili bes, you know that? NAPILI!!!! KYAHHH!!!"

Napatakip ako ng tenga sa nakaka-basag na eardrums na tili ni Wency, maging ang iilan kong kaklase ay napalingon na rin kay Wency wagas kung makatili

"Kung linawin niyo ho kaya, hindi po ako si Dracula na kayang magbasa ng isip." nakasimangot ko sabi at umupo

"Yan ang napapala ng hindi nagbabasa ng Campus Forum, ang eskwela po natin ang napili ng Super Star na si Queen Eizeiah para sa commercial na gagawin. Hindi mo ba alam?" nagtataka tanong ni Julie

Umiling naman ako dahil sa wala nga talaga ako alam sa mga kaganapan

"Kalat sa Campus Forum natin, sa Website din ng Campus at sa mga news kagabi. Na ang Campus natin ang pinili ishu-shoot ng napakaganda Super Star na si Queen, naging top-trending din iyon. Tapos hindi mo alam?! Besh! Iyon totoo, taga-planeta ka ba?" hindi makapaniwala sabi ni Wency

"Paano ko naman pag-aaksayahin ng oras ang pagbabasa sa Campus Forum? Kung may isang asong lobo ang nag-istorbo sa buhay ko." naiinis kong bulong lalo na ng maalala ang itsura niya

"Ano?" duet ni Wency at Julie

"Ah? Wala, wala. May aso kasing tahol ng tahol kagabi sa bahay namin kaya hindi na ako nakabasa pa ng mga kaganapan sa Forum."

Syempre, hindi ko sasabihin ang tunay na dahilan na may lobo akong kasama sa bahay dahil baka pagtawanan lang nila ako at sabihan na nababaliw na

My Legendary Innocent PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon