Hangal na ilaw
Ayesha Pov
HINIHINGAL—na binitawan ko na ang kamay ng asong lobo, nasa harap kami ng mga nagtitinda ng TV na secondhand, 24/7 na nakabukas ang TV Shop na ito.
"Oh, mga suki. Bili na kayong TV, mura lang." sabi ng muslim na lalaki tindero "Meron kaming LED dito."
Napatingin naman ang lobo sa mga TV naka-display na may kanya-kanyang patalastas
"H-hoy! Saan ka na naman pupunta?" Tanong ko at sinundan siya na ngayo'y nanonood sa TV na ibinebenta
Ang penikula ay FPJ, sa barilan scene ang palabas ng TV
"Ano kuya, nagustuhan mo ba?" ngi-ngiti tanong ng tindero sa lobo
Pero nanlaki ang mga mata ko nang bigla kinwelyuhan ng Asong lobong ito ang tinderong lalaki
"Napakasama mo, ilabas mo ang mga tao pinagsasabungan mo diyan sa loob ng kahon!" Sigaw ng asong lobo at itinuro ang TV
"Kahon? hindi iyan kahon, ser." magalang na sabi ng tindero na kwelyo-kwelyo ng asong lobo
"Hindi sila manok, para gawin sabungan sa loob ng kahon!" nanggigil na sabi ng asong lobo kaya mabilis na lumapit ako sa kanila
"Hindi iyan kahon, TV iyan." sabi ko sa lobo at tinanggal ang kamay niya sa kwelyo ng tindero
Tinanggal naman ng lobo ang kamay niya nakahawak sa tindero
"TV?" inosenteng tanong ng asong lobo
"Telebisyon, kung saan pwede manood ng mga gusto mong palabas. Makabagong Teknolohiya ito para sa amin mga mortal." paliwanag ko at humarap sa tindero "Sorry po, kuya."
"May sira ba ang ulo niyang kasama mo? at hindi alam ang TV, ginawa ba naman kahon ang Tv, Grabe ang suot ng kasama mo! Takas mental ba iyan?" galit na tanong ng tindero "Anong akala niya sa akin? ikukulong ko ang mga tao diyan? paano naman sila magkakasya?"
"Sorry ho talaga." sabi ko at hinila ang lobo palabas ng bentahan ng TV
Nang makalayo ay puno ng pagtitimpi na humarap ako sa baliw na lobong ito
"Sa susunod, huwag na huwag mo na uli gagawin iyon, dahil ako ang napapahamak sa mga ginagawa mo." Naiinis kong sermon
Napakurap-kurap naman siya sa sinabi ko "Ano ba ang mga ginawa ko?"
Napabuga ako ng hangin sabay sabi "WALA!"
Nanlisik ang mga mata niya "Sinisigawan mo ba ang iyong panginoon?"
Napahinto ako sa sinabi niya at biglang kinabahan dahil baka sa isang pitik lang ay mapatay na niya ako
"H-hindi po, panginoon." natatakot kong sabi
Ngumisi siya na lalo niyang ikinagwapo, S-shet!
WALA NG— customer nang makarating kami sa karinderya ni Manang Wilma
"Oh, ayesha? Gabi na ah? Ngayon ka palang ba kakain, iha?" Kunot-noo tanong ni Manang sa akin "Wala ka bang klase bukas?"
Imbes na sagutin ang tanong niya ay tinignan ko muna ang lobo
"Umupo ka muna doon." Turo ko sa dulong lamesa
Inosenteng sumunod naman ito kaya lumapit na ako kay Manang saka tinignan ang mga ulam sa harap
"May klase ho ako, bukas." sagot ko habang tinitignan ang mga ulam "Isang, one and half rice po tapos isang order na dinuguan, sinigang, limang legs ng manok at isang litrong coke."
BINABASA MO ANG
My Legendary Innocent Prince
FantasíaNapalunok ako ng itulak niya ako sa pader, hindi ko maaninag ang mukha niya ng mga oras na ito pero alam kong ito na naman siya... Ang lalaki blurred ang mukha sa panaginip ko "S-sino ka ba?!" Natatakot kong sigaw "bakit ka lagi dumadalaw sa panagin...