Ikatlong Kabanata

142 19 0
                                    

Demonyong Kabayo

Ayesha Pov

"Saan na 'yon mga sugat mo? Bakit wala na? Anong ginawa mo?" Nagtataka kong tanong at tinignan ang katawan niya, From head to toe "Ang bilis naman yatang humilom?"

"Gutom ako."

Dahil nga sa mas matangkad siya sa akin ay kinakailangan ko pang tumingala para makita ang nakasimangot niyang mukha, ni hindi man lang pinansin ang tanong ko.

"Walang pagkain dito bukod sa instant noodles at delata lang, alam kong hindi ka kumakain ng ganon pero wala eh. Kung gusto mo lumipat kana lang sa kabilang bahay." Sabi ko at nilapit ang mukha ko para bumulong "Balita ko maraming pagkain doon."

Matalim na tinignan naman niya ako pero maya-maya ay rinig ko kumalam ang tiyan niya na halatang gutom na gutom na, kaya may naisip akong ideya para makaalis sa lobong ito

"Meron pagkain sa labas, doon sa bayan. Gusto mo bang sumama? doon nalang tayo kumain sa bayan." nakangiti ko saad

Matalim uli na tinignan niya ako

"Gusto mo bang pumunta pa tayo doon para kumain lang? Ayoko! Tamad akong lumabas, ikaw nalang ang bumili—"

"May crispy chicken doon, Masarap na lechon kawali, sinigang na baboy, dinuguan baboy, may paksiw na isda, may malinamnam na adobo—"

Napatigil ako sa pagsasalita nang marinig ko uli na kumalam ang tiyan niya na halatang lalong nagutom sa mga putahe sinabi ko kaya napangiti ako na ikinaiwas naman niya ng tingin na halatang nahiya sa pagkalam ng walang hiya niyang tiyan

"Siguraduhin mo lang na naroroon lahat ng klaseng pagkain na iyong binanggit kung hindi, ay hindi ako magka-kamaling patayin ka." Banta niya at tinignan ako "Sasama na ako."

     MAY NAKAKALOKANG–ngiti sa labi ko na lumabas kami ng bahay dahil sa isang plano ko, madali lang naman palang ma-uto ang asong lobo ito! HAKHAK!

"H-hoy! teka lang! Ila-lock ko muna itong pinto baka mapasukan ng magnanakaw." Pigil ko sa kanya dahil sa tuloy-tuloy siyang lumabas ng gate

Huminto naman siya at lumingon "Dahilan mo kung ganun, alipin."

"Tsk! alipin? Maka-alipin ito ah? Kung hindi ka lang aso lobo na nagkatawan tao, ikaw ang aalipinin ko diyan e. Pasalamat ka may power ka, kung wala lang, yari ka sa akin." naiinis kong bulong habang nila-lock ang pinto

"May sinasabi ka ba, aking alipin—"

"AY KABAYO!"

Halos mapahiga ako sa gulat dahil sa bigla ay nasa tabi ko na ito na parang kanina lang ay nasa gate

"Ahh... eh.. wala po, PANGINOON." labas sa ilong ko tawag sa kanya saka ubod ng plastik na ngumiti

Baka mamaya ako pa ang gawin hapunan ng lobong ito kapag nagalit, kaya More Pasensya dapat ayesha... Baka mapatay ka nito lobong ito kapag pinatulan mo o pina-init mo ng ulo

Nakangisi tumalikod naman siya na ikinasimangot ko kaya sa sobrang asar ay habang nakatalikod siya, ay 'hindi pinapatama sa katawan niya' na pinagsusuntok ko at pinag-sisipa ko ang nakatalikod na siya. Nang bigla siyang humarap

"Ano ang iyong ginagawa?" Kunot-noo niyang tanong nang maabutan niya ang paa ko na pasipa sa likuran niya

"Ah, eh... Wala, nag-eexercise lang kasi ako." Sabi ko at nagkunwari na nagpaunat-unat sa harapan niya "Nage-ehersiyo lang ako hehe~"

"Sa umaga ang page-ehersiyo at hindi sa gabi, huwag tanga binibini. Utak ang pinapagana at hindi ginagawang disenyo lamang." May ngisi niya sabi saka tumalikod uli

My Legendary Innocent PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon