Ayesha Pov
"OH, KAILAN—ka nagpagupit iho? Parang kahapon lang ay ang haba ng iyong buhok?"
Saka lang ako natauhan sa pagkakatulala nang marinig ko ang boses ni Dr. Ramos, ang tsimoso doktor na pinagkamalan kaming magkasintahan ni Raizel. Kasalukuyan nakatayo ang doktor sa gilid ng pinto na parang kadadating lang
"Ngayon lang ako nagpagupit, tanda." sagot ni Raizel sa doktor pero sa mata ko nakatingin
Nakakaloka ngumiti naman ang Doktor nang mapansin na sa akin nakatingin si Raizel
"Iha, grabe ang effort ng boyfriend mo, oh? Nagpagupit pa siya ng buhok para lang sa'yo. Ano? Itatanggi mo pa ba sa akin na hindi mo jowa itong napakagwapo nilalang na ito?" ngi-ngiti sabi ng Doktor at pabiro pa na binunggo ang balikat ko
I rolled my eyes "Bakit po ba kayo nandito, Doctor Ramos?"
Nakangisi pa na pinakita sa akin ng Doctor na ito ang white coat na suot bago magsalita
"Can't you see? Doctor lang naman po ako sa Hospital na ito at ang BOYFRIEND MO ang pasyente ko."
"Hindi mo na ako pasyente, tanda. Maya-maya lang discharge na ako." nakasimangot na sabad naman ng lobo si Raizel
"Gusto ko lang magpaalam sa inyo magkasintahan baka maalala niyo ang gwapong doktor kagaya ko."
Wala sa oras na napairap naman kami ni Raizel sa sinabi ng mahangin na Doktor na ito
~~~~~••••~~~~~~
"BAKA MAGAGABIHAN—ako ng uwi kaya don't forget to lock the door ah? Kung gutom ka, kumuha ka lang ng pagkain sa ref may mga binili ulam na nandoon. Huwag na huwag kang lalabas ng bahay baka mapa-away kana naman tulad sa ginawa mo noon sa kalbong lalaki at bawal mo rin gamitin iyan super power mo lalo na kapag wala ako." naging mala-nanay na bilin ko kay Raizel, na ngayon ay nakahiga sa sofa at nilalaro pa ang throw pillow sa kamay
"Kaarawan ba talaga ang iyong pupuntahan, alipin? o baka burol?" Tanong niya saka bumaling sa suot ko itim na bestida suot-suot ko
Kasaluyan kaming nasa apartment ko at abala na sinusuot ko ang red heels sa sofa kung saan din na nakahiga si Raizel
"Kaarawan ng bruha kong kapatid sa ama kaya ito ang maganda suotin para naman masira ang araw niya ngayon." nakangiti ko sabi saka tumayo at humarap sa kanya " 'Sya! Bye na!"
Hinawakan naman niya ang kamay ko para pigilan ako kaya nagtataka napabaling ako sa nagpapa-cute na Raizel na halatang ayaw pa yata akong pa-alisan ng mokong
"Aalis kana, eh kaka-discharged ko palang ah? Paano kung bigla nalang ma-trigger ang allergie ko? tapos hindi ko pa alam ang gagawin ko kasi wala ka..." may panguso-nguso pa na sabi ng Lobo. pero infairness ah, hangkyut niya!
"Don't worry, my little wolf. DON'T EAT SEAFOOD OR SARDINES lang po para hindi ka uli mahospital okay?" I said
"Paano kung mainip ako? sino kakausapin ko, eh wala ka?"
Napairap ako "Nandiyan ang laptop, manood ka—"
"Paano kung bigla mawalan ng kuryente?"
"Matulog ka."
"Paano kung pasukan ako ng magnanakaw o masamang tao dito sa bahay?" tanong niya habang hawak parin ang kamay ko na parang ayaw ng pakawalan
"Raizel, may kapangyarihan ka diba? kaya mo sila."
"Diba sabi mo, bawal ko gamitin ang kapangyarihan ko?"
Hindi ko maiwasan mainis sa maraming dahilan ng lobo ito para lang hindi ako makaalis "Pwede mo gamitin kung nasa loob ka ng bahay!"
BINABASA MO ANG
My Legendary Innocent Prince
FantasiNapalunok ako ng itulak niya ako sa pader, hindi ko maaninag ang mukha niya ng mga oras na ito pero alam kong ito na naman siya... Ang lalaki blurred ang mukha sa panaginip ko "S-sino ka ba?!" Natatakot kong sigaw "bakit ka lagi dumadalaw sa panagin...