Fix-Marriage
Ayesha Pov
"Si Papa, Ate. Si Papa ang kasama ko." Pang-uulit ni Jafet sa sinabi niya
Napatigil ako at napatitig kay Jafet na abala sa pagma-maneho. Grabe, wala pa itong disi-otso pero ang lakas na ng loob magmaneho, wala naman lisensya. At ang malala ay ang Kotse ni Papa ang gamit-gamit nito
"Si Papa ang nasa Hospital. I know, you know it ate. Nagpapanggap ka lang ng walang alam kahit alam mo naman." Dagdag niya habang nasa daan ang atensyon "Critical na ang condition ni Papa, hindi mo man lang ba siya dadalawin ate? Kausapin mo man lang siya..."
And again, kasasabi ko lang kanina na hindi kasalanan ni Jafet ang mabuo dahil si Papa ang may kasalanan dito. Kahit kasal na siya noon kay Mommy ko ay nagba-babae pa rin siya at iyon ang hindi katanggap-tanggap para sa akin.
"Wala kaming dapat pag-usapan." seryoso ko sagot saka tumingin sa daan
"Pero marami siya gusto ikwento sayo, miss na miss kana niya ate. Bakit ba ayaw mo siyang makita?"
Napayukom ako ng kamao "You.Don't.Know."
As usual, tumahimik naman siya tulad ng dati. Walang kibo na nakapunta kami sa bahay ni Papa
NAPABUNTONG—hininga muna ako bago pumasok sa loob kasama si Jafet, agad na sumalubong naman sa amin ang naka-hilerang katulong at Buttler dito sa Mansion ni Papa. Halatang nagulat pa sila nang makita nila ako pero agad din naman nila ako binati, dare-daretso lang kami pumunta sa kwarto ni Jafet na hindi pinapansin ang mga chimay
It's been a ten years since noon huli ko nasilayan ang bahay ni Papa pero still wala pa din pinagbago. Mapait na napangiti ako dahil sa nadaanan ko ang dati kong kwarto noon bata ako, pero alam ko na ay hindi ko na pamag-ari ito dahil si Leisha na ang may ari sa kwarto ko noon. Ang Ate ni Jafet na anak sa unang asawa ng nanay ni Jafet
Pagkapasok sa kwarto ni Jafet ay agad na kinuha ng akin kamay ang bag ni Jafet saka doon pinagpa-pasok ang Jersey, Tshirt, Short, Polo at iba pa. Kukuha din sana ako ng—
"What the fuck ate! Bakit pati boxer at brief ko?!"
Ngi-ngiti ko siyang tinignan "Lubus-lubusin ko na din ang kabaitan mo, My good samaritan."
Pabagsak na umupo naman siya sa kama "FINE! Kunin mo na lahat ng gusto mo diyan, pero kapag nakita ko iyan boyfriend mo mamaya at hindi pasado sa standard ko. Babawiin ko ang mga iyan ah?"
"Excuse me, hindi ko po siya boyfrien—"
"Ano mo? Kaibigan? As in Friends with Benefits?"
Napabuntong hininga ako "Hindi, may atraso lang ako sa kanya. Kasalanan ko kasi, kung bakit siya nasa hospital ngayon kaya bumabawi ako sa pagkakamali ko."
Malungkot na napangiti ako dahil sa naalala ko ang itsura ni Raizel na kung gaano siya nahihirapan na mangamot, at ang pamumula rin nito kanina. Kasalanan ko iyon, kung bakit kasi hindi ko muna inalam na bawal pala siya sa sardinas! Iyan tuloy, nako-konsensya na ako...
BINABASA MO ANG
My Legendary Innocent Prince
FantasyNapalunok ako ng itulak niya ako sa pader, hindi ko maaninag ang mukha niya ng mga oras na ito pero alam kong ito na naman siya... Ang lalaki blurred ang mukha sa panaginip ko "S-sino ka ba?!" Natatakot kong sigaw "bakit ka lagi dumadalaw sa panagin...