Ikapitong Kabanata

71 18 0
                                    

Jafet.

Ayesha Pov

"Ohmygosh! Ang gwapo niya, KYAHH!!!"

"Iyan ba ang leading-man ni Queen? Wala na bang Audition?"

"Siya na yata ang gwapong leading man, kyahhh!"

"Artista ba iyan? Shit! Angwafuuu!"

"Nakacostume na siya teh, as a leading man. Notice me senpai!"

Tili ng mga studyante kay Raizel na kabababa lang ng taxi. Nagpalinga-linga sa paligid ang lobo na halatang ako ang hinahanap nito. Kaya napatakip ako ng mukha dahil napalingon siya sa gawi ko

"Shet, hindi niya ako pwedeng mahanap. Kailangan ko ng umalis dito." bulong ko habang takip ang mukha

Ihahakbang ko na sana ang mga paa ko para umalis, nang hawakan ni Julie ang kamay ko

"AYESHA, SAAN KA PUPUNTA? DI MO BA NAKIKITA? MAY GWAPO OH! KYAHHH!!!" pigil ni Julie sa akin "AYESHA STEVENSON, ANG GWAPO NIYA SHEEEETTTT!"

Sarap ingud-ngod ang bibig ng Julie na ito sa samento, dahil sa napatingin na sa akin ang asong-lobo, nang marinig ang pangalan ko na binanggit ng bruhang Julie ito

Mabilis na tumalikod ako para hindi niya ako makita, pero alam kong huli na ang lahat...

"Ayesha, shet! Palapit siya sa gawi ko, mukha nanotice niya ang beauty ko—ARAY! Bat ka ba nambabatok wency?!"

"Gaga! Ako ang napansin ni Prince Charming duh, ayan na siya ohhh... Palapit na sa akin, ohmy, I cannot~"

Habang nakatalikod ako, ay rinig ko ang malalakas na tili ng mga studyante sa paligid ko, na maging ang iba kong kaklase ay napapatili na rin. Parang papalapit na sa gawi ko ang gwapong lobo dahil mas lalong lumalakas ang tili ng mga studyante

"Ayan na siya, palapit na siya besh sa beauty ko..." kinikilig na bulong ni Wency kay Julie

Mariin na napapikit ako, huwag naman sana... Huwag naman sana lumapit ang lobo sa akin, nakakahiya shet! Ayoko pang maging laman ng usapan ng Campus Forum

"PERA."

Nanindig ang mga balahibo dahil sa narinig ko na ito, na parang nakatayo na ito sa likuran ko. Kaya kagat-labi humarap ako sa kanya na nakataas pa ang kilay na nakatingin sa akin

"Anong sabi mo?" kinakabahan kong tanong at hindi na rin mapakali, dahil sa biglaan paghinto ng mga tili galing sa mga studyante

Naging tahimik ang paligid na parang pinapakinggan at pinapanood kami ng mga Studyante

"Pera!" Iritado sagot uli ng gwapo lobo at inilahad pa ang kamay niya sa harapan ko

"Boyfriend ba niya ang gwapong lalaki?"

"Ang swerte naman ng babae iyan, may mala-prinsipe siyang boyfriend."

My Legendary Innocent PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon