Ikalawang Kabanata

152 21 0
                                    

Gwapong Siraulo...

Ayesha Pov

Pagkarating sa bahay na inu-upahan ko ay bumungad sa akin ang napakadilim na loob ng bahay kaya padabog na binuksan ko ang switch ng ilaw saka dare-daretso pumunta sa kwarto

Pagkapasok sa kwarto ay ibinato ko nalang kung saan ang bag ko bago pabagsak ang sarili na humiga sa malambot kong kama

Wala na ako pake kung naka-uniporme pa ako...

Wala na ako pake kung naka-sapatos pa ako...

Ayoko pang magpalit dahil sa naiinis at naiiyak ako sa nanay kong walang salita

Lagi nalang siyang busy! She always break her promise like she always did before. Hindi na ako magtataka kung bakit sila naghiwalay ni papa dahil pareho silang lagi abala sa walang kwentang kumpanya!

Pera nalang ang lagi nasa isip niya. Pera, pera, pera! For her, Money can buy everything. Money is everything. Wala na bang bagay sa mga mata niya na hihigit sa pera?! Sa mga mata niya, I'm just the daughter of a business woman na kilala lang niya kapag may kailangan siya!

Oo, alam kong para sa future ko din ang ginagawa niya pero hindi niya man lang ba naisip na okay lang sa akin na mag-ulam ng tubig o asin basta kasama ko lang siya?!

I dont want anything! I'm not interested in her company, ang gusto ko lang ay makasama siya...

Gigil na pinunasan ko ang luha ko na kumawala sa mga mata ko

Halos isang oras ako nagkulong sa kwarto para ibuhos ang lahat ng iyak at inis ko sa nanay kong pabaya bago ko naisipan lumabas dahil nakaramdam na ako ng gutom.

DARE-DARETSO —ako pumunta sa kusina saka binuksan ang ilaw bago kumuha ng instant noodle na madalas kong ginagawang hapunan sa gabi

Umupo ako sa harap ng lamesa at tinignan ang wall clock na nandito sa kusina

9:48 na pala ng gabi...

Habang hinihintay na lumambot ang noodles sa mainit na tubig ay hindi ko maiwasan na magisip-isip sa mga nangyayari sa buhay ko

Kung magbikti nalang kaya ako?

Para naman maramdaman ng nanay at tatay ko ang pagsisisi dahil sa nawalan sila ng anak na never nilang iningatan?
Anak na hindi nila binigyan ng konteng oras o panahon dahil sa lagi pera ang nasa isip nila

Pero...

Kapag nagbikti  naman ako ay hindi naman na ako makakahinga

Napatigil ako sa pagiisip ng bigla na lamang namatay ang ilaw dito sa kusina kasabay non ay ang pag-ihip ng malakas na hangin kahit sarado naman ang mga bintana

Nagsitaasan ang balahibo ko sa katawan ng makita ko ang nakapamuting nakaupo sa dulo ng lamesa kaharap ko. Pero sa panandalian ng pagkurap ng mata ko ay bigla na lamang itong nawala na parang bula

My Legendary Innocent PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon