Chapter 8. Cold body

86 4 0
                                    

Chapter 8. Cold body

Ire's POV

I am on my way to the library. I have to do some research on certain things. Malapit na ako sa library ng biglang nag vibrate ang phone ko. I took my phone from my pocket. I saw one notification from the screen, it's a text message from an unknown number. I click the message to open it.

"I have an information about the girl you're looking for. Meet me outside the school" yan ang laman ng text message. Sino kaya ito? At anong impormasyon ang meron siya tungkol sakanya? Akmang tatawagan ko na sana ang numero ng biglang may bumangga sakin. I curse through my breath. Tinignan ko kung sino ang taong bumangga sakin ngunit hindi ko siya makita dahil nakatakip ang buhok niya sa mukha niya. Magsasalita na sana ako ng bigla niyang inangat ang mukha niya because I am taller than her. Yes, her. It's a girl. Nang makita ko na ang mukha niya, gusto kong umatras pero hindi ko nagawa.

"Trasher" she calls my name. The sound of my name coming from her lips is so familiar. I stare at her face intently. She look troubled, hurt and scared. Why is she scared? She also seems tired, as if she's running.

"Aeon?" I said.

Aeon's POV

"Aeon?" banggit ni Ire sa pangalan ko.

"What are you doing here?" he asks, worry is written all over his face.

"Are you okay?" tanong pa niya. Hindi ako nagsasalita. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa mga tanong niya. Akmang aalis na sana ako ng bigla niyang hinawakan ang braso ko.

"Wait, where are you going?" tanong niya.

"Sa dining hall?" I said more like a statement and a question. It's already 7 pm and sigurado akong bukas na ang dining hall. Tumingin naman siya sa relo niya at ng napagtanto niyang alas syete na ay bigla niyang binitawan ang braso ko. I felt something weird when our skin lost contact to each other.

"I have to go" sabi ko nalang ng bigla siyang natahimik. It feels awkward so I just break the silence.

Naglakad na ako papuntang dining hall at naglakad na rin siya kung san man siya pupunta. I took a glance kung sang direksyon siya patungo at napakunot noo nalang ako ng makita kong sa gubat ang direksyong tinatahak niya. Mag papatuloy na sana ako sa paglalakad ng makita ko siyang tumakbo using his vampire speed and from there, we go our separate ways.

Halos puno na ang dining hall ng makarating ako roon. Naghanap ako ng bakanteng upuan at kung minamalas ka nga naman sa tapat pa nung mga kagrupo ni Ire ang kaisa isang bakanteng upuan. Talking about bad luck? I don't have a choice. Naglakad nalang ako papunta sa upuan. Napansin naman nila ang pag upo ko kaya sinundan nila ako ng tingin. Nang mapansin nilang nakataas ang kilay ko habang tinitingnan sila ay umiwas sila ng tingin.

"Asan nga pala si Ire?" tanong ng isa sakanila. I think his name is Arius. Arius Phillips, the friendly one. He looks nice but I know better. He has raven hair and a green eyes. He has a fierce jawline and a strong and proud nose, actually all of them.

"Malay ko. Baka nambabae na naman" sagot ni Colton, yung mukhang tanga? The twin brother of Clay. They look identical with their dirty blond curly hair and hazel eyes and thick brows, the only difference is that Colton has deep dimples in both cheeks that makes him cute.

Nagsimula na akong kumain at hindi ko nalang sila pinansin ngunit dahil katapat ko lang sila ay hindi ko maiwasang marinig ang pinag uusapan nila.

"Teka pang ilang babae na ba ni Ire yan ngayon kung sakali?" tanong naman ni Adrion, Adrion Rohan, the playboy, yeah you're guessing it right, yung lalaking sumipol noong unang araw ko rito. He has blond hair, gray eyes, thick eyebrows and lashes, full lips, and sharp jaw.

Empire High University: University of monstersWhere stories live. Discover now