Chapter 2. Walking trouble

179 13 0
                                    

Chapter 2. Walking trouble

Ire's POV

"Who are you"? I asked the girl in front of me. Napakunot noo nalang ako nang bigla siyang ngumiti, isang madilim na ngiti. Tumingin siya sakin na animo'y sinusuri ang buong pagkatao ko, ang mga tingin niya. Posible kayang... hindi, masyadong imposible. Napatingin siya sa likod ko, nakaramdam ako nang mga presensya. Nakaakyat narin pala ang mga kaybigan ko. Nagulat nalang ako nang bigla siyang umatras at tumalon pababa nang balkonahe. Naglakad ako para tignan siya sa baba ganun din ang mga kasama ko, nakita ko siyang bumagsak at gumulong saka tumayo at naglakad sa kung saan. Pano niya nagawa yun? Hindi ba siya tao? Pero imposible. I can't smell any fear or any evil inside her kaya posibleng tao siya, pero pano niya nagawang bumaba nang ganun kaswabe like she is a damn ninja? Her moves, her aura, her eyes, it's nothing like a human. Who the hell are you? Why do I have this feeling that you're going to be a hindrance? Better not dahil hindi kita hahayaang mabuhay kung sakali. Iwinaksi ko nalang ang mga bagay na tungkol sakanya. I don't give a damn but something is not right. She looks like someone, she looks exactly like her but that's impossible. She's long gone. Who the hell is she?

"She's hot" komento ni Adrion. Siya yung huminto kanina nang nakita niya yung babae at bigla nalang siyang sumipol. Hot? Hot my ass. Wala pa nga siya sa kalahati nang mga babae ko. I just rolled my eyes at them at lumabas na nang dorm. Habang naglalakad patuloy parin nilang pinag uusapan yung babae kanina.

"She's damn, hot dude. Her tits are big and that ass, sh*t. I forgot to mention that I love the curve of her body. I can't wait to touch and feel her" puri pa ni Adrion. Ano bang meron sa babaeng yun? Ni hindi nga ako naaattract sakanya eh.

"Didn't you notice?" biglang tanong ni Clay. Clay is the silent type of person. Bihira mo lang siyang maririnig magsalita pero pag bumuka ang bibig niya siguradong mapapaisip ka sa sasabihin niya. Napahinto naman kaming lahat sa paglalakad at napatingin kaming lahat sakanya.

"She looks familiar. She's like her" sabi niya sabay tingin sakin. I glance at him with a blank face.

"Everything about her, except for one thing" sabi niya na nakatingin lang sa harapan na animo'y wala siyang kausap. Ganyan talaga si Clay pag nakikipag usap.

"What one thing?" tanong naman ni Colton.

"Her eyes" sagot naman ni Clay. Clay and Colton are twins but they are total opposites. If Clay is the silent type si Colton naman ang pinakamadaldal pero kung si Clay ay may sense lahat nang sinasabi si Colton naman ay walang sense kausap, puro kabulastugan ang nasa utak.

"Anong meron sa mata niya? Hindi ba siya nakakakita? Bulag ba siya?" tanong ulit ni Colton. See? Ang sarap niyang saksakin hanggang sa mawalan na siya nang hininga. Napa roll eyes nalang kaming lahat sakanya.

"It's cold. Ang lamig nang mga mata niya" ani Clay at naglakad patungong labas nang dorm. Oo, napansin ko rin yun kanina. Wala kang mababakas na emosyon sa mga mata niya at mahirap din siyang basahin. I can read minds and I can compel too pero hindi ko mabasa kung anong nasa isip niya. Sino ba talaga siya?

"Anong malamig ang mga mata niya? Teka hindi ko kayo maintindihan. Bakit? Nanggaling ba sa fridge ang mga mata niya?" walang alam na tanong ni Colton.

"Shut up Colton. Wag ka nalang magsalita kung puro naman kabobohan ang nasa utak mo!" singhal ni Arius. Hindi naman na nakapagsalita si Colton. Arius is the serious and cold type of person gaya ko pero mabait yan. Natawa naman si Clay nang bahagya nang biglang tumahimik si Colton.

"Pero may hindi ako maintindihan" Arius asked curiously. Napatingin naman kami saglit sakanya bago naglakad ulit.

"If she's a human how did she get in here? Is she even a human?" dagdag pa nito. Ito rin ang naramdaman at napansin ko kanina. Hindi ko mawari kung tao ba siya o hindi. Who is she? What kind of monster is she?

Empire High University: University of monstersWhere stories live. Discover now