Chapter 13. New girl

63 4 0
                                    

Chapter 13. New girl

Aeon's POV

"Aaahhhh!" napabalikwas nalang ako sa kinauupuan ko. Panaginip. Panaginip ngunit parang totoo. That dream again. Mag iilang linggo na akong nananaginip, at ilang linggo naring laging iyon ang laman ng panaginip ko. Ano bang meron sa panaginip kong yun?

Mabuti nalang at nasa sulok na parte ako ng library at malayo sa mga estudyanteng nagbabasa at sa librarian dahil kung hindi kanina pa ako nasita. Nasapo ko nalang ang mukha ko, basang basa na pala ako sa pawis. Kailangan ko na ata talagang magpatingin sa doctor.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng jacket ko tsaka ako nagtype.

"Get me an appointment with a psychiatrist" diretsong sabi ko saka ko sinend kay T. Napatingin ako sa oras at alas onse na pala, tanghalian na, at pagkaisip na pagkaisip ko ng salitang tanghalian ay bigla nalang tumunog ang tiyan ko, ngayon ko lang naramdaman ang gutom ko, hindi na rin kasi ako makakain ng maayos dahil sa nangyayari sakin.

Nilagay ko sa loob ng bag ang libro at papel na nasa mesa tsaka ko ito sinukbit sa isang balikat ko at naglakad ako palabas ng library at tumungo na sa canteen. Ng makapasok ako sa canteen ay marami na rin ang estudyanteng kumakain, dumiretso nako sa counter para pumila at mag order, mabuti nalang at hindi ito kahabaan. Nag order lang ako ng fries, large burger, medium na ice cream at spaghetti. Ng makapag order nako, naghanap ako ng mauupuan, sakto namang nalingunan ko ang mesa malapit sa may glass wall. Naglakad ako papunta roon at nilapag ko ang tray na hawak ko tsaka ako umupo at nagsimula ng kumain.

"What the hell" narinig kong sigaw ng isang babae. Napalingon nalang ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si Cally na galit na galit and she looks like a mess. Puno ng pagkain ang ulo niya, mukhang natapunan ata.

"Look at me!" galit nanamang sigaw niya sa isang babae. Hindi ko makita ang babaeng pinaahiya niya dahil nakatalikod ito sakin, but the girl has a really light blond hair, yun lang kasi ang nakaagaw ng pansin sakin.

"I'm sorry" rinig kong sabi ng babae. Her voice is soft, angelic.

"Anong nangyayari dito?" tanong naman ng kadarating na si Thalia.

"Tignan mo kung anong ginawa sakin ng babaeng yan" sigaw nanaman ni Cally sakanya saka siya dinuro. Nakakairita ang boses niya.

"I'm really sorry, I didn't mean it, may pumatid kasi sakin eh" paumanhin ulit ng babae.

"So? I don't care. Kung hindi ka ba naman kasi tanga eh di sana hindi ka napatid" maarteng sagot niya.

"Hindi ko naman kayang basahin ng sabay sabay ang utak ng lahat ng tao dito para malaman kung papatirin ako o hindi" narinig kong sagot ng isa. I raised my eyebrow in amusement. This is fun. Nakita kong nagbubulungan ang mga estudyante habang pinaanood sila.

"What did you say?" hindi makapaniwalang tanong ni Cally.

"Hindi naman kasi niya sinasadya Cally" sagot naman ni Thalia saka siya tumingin sa isa. "Nakita mo ba kung sino ang pumatid sayo?" tanong niya.

"Hindi eh" sagot naman nito.

"Are you f*cking serious?" galit nanaman nitong sigaw. "O baka naman wala talagang pumatid sayo at sinadya mo yun" dagdag pa niya habang pinupunasan ang nagkalat na pagkain sa ulo at mukha niya. Sumubo ako ng isang fries habang pinapanood sila.

"Ano namang makukuha ko sa pagbuhos sayo ng pagkain. Hindi naman ako tanga para gustuhin kong masinghalan" sagot nanaman niya. Bravo, sabi ko nalang sa utak ko. Nakita kong mas lalong namula si Cally sa galit and I can feel the heat radiating through her body. Looks like she's losing it.

Empire High University: University of monstersWhere stories live. Discover now