Chapter 14. Memories

48 4 0
                                    

Chapter 14. Memories

Aeon's POV

After our intense lunch in the canteen, napagdesisyonan nung tatlo na pumunta ng mall habang ako naman ay pumunta nalang sa pad. Pinipilit nila ako kanina ngunit ayoko talagang sumama at kelangan ko ring makausap si T. I need to talk to him about the psychiatrist na pinapahanap ko sakanya. I have to see a doctor before I lose my sanity. Ng makarating ako sa pad agad akong nagpalit. I put my uniform in the hamper, saka ako naglakad palabas ng kwarto at nagpuntang balcony. Kinalikot ko ang teleponong hawak ko saka ko tinawagan si T. Mga ilang ring lang ay sinagot na niya ang tawag ko.

"Hey, A" bungad niya sakin.

"My request. Is it done?" hindi na ako nagpaligoy ligoy pa. Sinabi ko agad kung anong pakay ko sakanya.

"Yes. I already book an appointment with her and it's tonight. Alam ko namang sa gabi ka lang pwedeng lumabas eh" sagot niya sakin.

"Her?" I asked, my forehead creasing.

"Yes, she's a well known psychiatrist. She's good in her field even though she's only 24" saad niya.

"Okay. Where will I meet her?" tanong ko sakanya.

"I already sent her the address so you don't have to worry" T really knows me. Alam niya kung anong tumatakbo sa utak ko.

"Thanks T" simpleng sagot ko tsaka ko pinatay ang tawag. Napatanaw ako sa compound ng school. I scanned my eyes as if searching for something. Then my eyes landed on him. Trasher. He's doing a hand to hand combat with one of his friends. I think it's that stupid guy, Colton. They are both good, but Trasher is better. He's faster and the attacks he makes are powerful. I watched him closely. There's something wrong with him. I can see it in his every move. He's uneasy and frantic. Lumaki nalang ng bahagya ang mata ko ng bigla niyang sinugod si Colton, akmang itatarak na sana niya sa mata ni Colton ang hunting dagger na hawak niya ng sabay sabay na sumigaw ang mga kaybigan niya na nanonood pala sakanila.

"Trasher!" sigaw ng tatlo saka sila napatayo. Gulat sila sa nangyari at ganun din ang reaksyon ng kanyang kaybigan na si Colton, dahil kung hindi nila ito napigilan ay naitarak na ni Trasher ang hawak niya sa mata ng kanyang kaybigan.

"What the hell man, do you have a plan on killing me?" galit na sigaw ni Colton sakanya. Nabitawan naman ni Trasher ang dagger na hawak niya ng mapagtanto kung ano ang ginawa niya. He faced Colton with a sorry look.

"I-i-i'm sorry man" sabi niya saka niya iniwan ang mga kaybigan.

"What's wrong with him?" tanong ni Adrion.

"Are you okay?" tanong naman ng kambal ni Colton na si Clay sakanya.

"I'm fine, man. Nag aalala ako diyan kay Ire. Simula nung dumating yung ugok na yun, nagkaganyan na siya" sagot niya rito. Napakunot noo nalang ako sa sinabi niya. Dumating? Sino? As if sensing my thought. Nakita kong napalingon ang isa sa magkakaibigan sa direksyon ko. Si Clay. Diretso ang titig niya sa akin. Hindi ko mawari kung anong emosyon ang kinukubli ng mga titig niya. Ilang segundo lang ang lumipas ay siya rin ang nagbawi ng tingin. Saka siya naunang naglakad palayo. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng mga titig na iyon. I can't read his eyes nor his mind. Abomination. I think they're keeping something. Kelangan kong malaman kung ano iyon, no matter what.

Kinagabihan, pagkatapos naming kumain sa may dining hall with Dark, Thalia and the new girl Holly, dumiretso na ako sa pad namin ni Dark. As usual, hinintay ko munang lumalim ang gabi bago ako lumabas ng school. Sinulyapan ko ang kamang katabi ko. Mukhang tulog na si Dark, hindi ko makita ang mukha niya dahil sa kabila siya nakaharap. She's facing the wall, her back on me. Time check, 2:05 in the morning. Madaling araw na, kailangan ko ng umalis dahil kailangan ko ring makabalik ng maaga. Sinulyapan ko si Dark sa huling pagkakataon saka ako naglakad patungong balkonahe. Maliwanag ang buong paligid hindi lang dahil sa mga light post na katabi ng mga bench sa paligid kundi dahil din sa bilog na bilog at malaking buwan. Hindi ko man lang napansin na full moon pala ngayon. Mas delikado ang gubat ngayon kaya kelangan kong magdoble ingat. Sana lang I wouldn't run into one of those rogues in the forest. Nilibot ko muna ang paningin ko sa buong paligid para maniguro. When I saw that there are no guards and officials that roam around the campus, tumalon na ako mula balcon pababa. Mabilis ang mga kilos ko ngunit maingat pa rin ako. Dapat walang makahuli o makakita man lang sakin, I have to be discreet.

Empire High University: University of monstersWhere stories live. Discover now