PROLOGUE

733 30 11
                                    

PROLOGUE

"ARE you okay now?" she asked while handing me a glass of water. My hand then reached for it.

"Maybe?" Shrugging, I said with uncertainty. "I don't really know," I monotonously added. "By the way, thanks for the water."

She beamed at me and said, "The least I can do."

Naramdaman ko ang pagbuntong hininga niya at ang pag-upo nito sa tabi ko. "Mahal mo talaga sila 'no?" Tanong niyang nakatingin sa aming harapan.

Binaling ko naman ang aking paningin sa kung saan siya nakatingin. "Yeah," I agreed. "Sila ang natatanging rason kung bakit kinakaya ko pa'ng mabuhay. Let's say, sa kanila ako kumukuha ng lakas."

"So hindi ako kasali? Hmp," nagtatampo niyang aniya.

Of course you're one of them but I'd not rather say it.

We were sitting on the balcony of the house whilst looking at the kids who were dominating the whole playground with their laughters. Hindi ko namalayang napapangiti na pala ako habang pinapanood silang nagsasaya at sa pakikinig sa kanilang mga tawanan. Ngunit sa isang segundo lamang ay napalitan din ng lungkot ang munting sayang aking naramdaman.

Alam kong sa likod ng kanilang mga naggagandahang ngiti ay ang nakaraang kailanma'y 'di nila makakalimutan. They made me realize that kids can be as strong as adults. Like how can they be able to smile brightly after what happened to them na kahit ako'y hindi ko magawa?

Minsan napapatanong na lang din ako. How can life be so cruel to them? Ambabata pa nila para maranasan ang ganoong mga pangyayari. Children should be taken care of. They should be loved not the other way around.

I'm honestly one of these kids. I know how they feel. I know that some of them are only faking their smiles like how I do. I know their pain.

That's why I wanna take care of them. Love them, like how it should be.

Huminga ako nang malalim 'tsaka tumayo sa kinauupuan. Inubos ko muna ang natitirang tubig sa basong hawak. Ayaw kong magtagal pa rito dahil sa naiiyak na naman ako. I guess napalalim na naman ang mga pinag-iisip ko. Ayaw kong makita na naman nila akong umiiyak, just for this day. "Sa labas muna ako ha." Paalam ko sa kaniya 'tsaka naglakad papalabas.

Nilingunan niya ako't tinanguan. "'Wag magpapagabi. Ingat ka," ang sabi niya bago ako tuluyang nakalabas.

Kailangan kong maagapan ang mga namumuong mga luha na ito.

I DON'T know where my feets are taking me. I just know that I want a peaceful place where I can relax my mind.

After minutes of walking, I stopped when I sensed that I'm finally at the place that I'm looking for. I enhaled the fresh air coming from the trees surrounding the park. They were gracefully dancing with the wind as the birds sing their songs.

Umupo ako sa isang bench at pinanood ang paligid na tila isang obra maestra na napakagandang tingnan at panoorin. May pamilyang nagpipicnic, mga magkakaibigan na masasayang nagkukuwentuhan, magjowang naglalampungan, at saka mga batang masayang naglalaro.

I suddenly remembered something. I was once wearing that kind of smile too. A genuine smile. A smile as bright as the sky. I sighed, I'm not really this sentimental not until the day I changed. Well, I didn't change just because I wanted to. It just happened.

Nagtagal pa muna ako ng ilang oras bago ko napagpasiyahang umuwi. Wala sa sarili akong naglakad kaya't hindi ko namalayan ang papasalubong sa 'kin na dalaga na pakiwari ko'y wala rin sa sa sarili nang magkabanggaan kaming dalawa.

"Paumanhin po. Paumanhin po." Nakayuko niyang paghingi ng paumanhin 'tsaka ito nagpatuloy sa paglalakad.

PAPASOK na sana ako ng bahay nang marinig ko ang ingay sa loob. Hindi pa ba sila pagod sa kakalaro?

I smiled when they started calling out for me. "Mama! Mommy! Mamang! Mang!" ang iba't-ibang pagtawag nila sa akin. I spread both my arms widely, inviting them for a hug. Isa-isa nila akong dinambahan ng yakap hanggang sa matumba kami sa sahig dahil sa bigat nila.

Naghalakhakan kami nang mauwi ang simpleng pagyayakapan sa pagkikilitian. Ngunit mabilis din itong natigil nang tawagin kami ni Micah sa hapag kainan. "Tama na muna iyan. Kain muna tayo."

Pagkarinig ng pagkain ay dali-dali silang nagsi-unahang tumayo at tumakbo sa hapag kainan.

"Kids, dahan dahan lang okay?" natatawang saad ni Micah habang ako nama'y napapailing.

They all are too adorable. If only I could change the past, then we could all be happy without having fear in our hearts.

Let Me Be Your Cure (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon