CHAPTER 26

161 9 0
                                    

CHAPTER 26

Zwynner

NAGPAHANDA si lolo nang malaking handaan sa labas ng bahay ngunit nasa loob pa rin naman; kumbaga nasa compound. Lahat ay tumulong sa pag-aayos at pagluluto ng kakainin. Halos mapuno na nga ang mesa sa dami ng pagkaing ipinahanda niya.

Habang kumakain kami ay todo alaga sa 'kin ang mga kuya pati na rin si Harley, ang batang koala, ay nakikisali. Hindi na nga makalapit sa akin si Chaz dahil pinapalibutan nila ako. Matinding pagtatampo na naman ang haharapin ko pagkatapos ng lahat ng ito.

"Baby, ito pa." Kuya Atticus added a meat on my plate. 

Nakisali na rin si kuya Aiden sa paglalagay ng pagkain sa plato ko. Napapangiwi na lang ako sa kanilang ginagawa. Halos mapuno na nga ng pagkain ang plato ko, e. Paano ko 'to uubusin?

"Ate pretty, eat mine."

"Hoy bubwit manahimik ka," si kuya Atticus.

Hindi siya pinakinggan ng bata at sinubuan pa ako ng pagkain.

"Yum yum?" asked Harley.

Nginitian ko na lang ito. Parang ako pa ang bata rito ah.

"Baby?" Pagkuha ni Chaz ng atensyon ko na siyang naging dahilan ng paglingon sa kaniya ng mga taong naririto.

Pilit na itinatago ng lolo at nina tita Dasha, Rizz at Ashrin ang pagngiti.

"Uhm, can I excuse Ashanti po?" Paghingi niya ng permiso kay lolo.

"Of course... of course, you can. Take your time," abot langit na ngiti ni lolo.

Tumayo ako sa kinauupuan ko. Habang papalapit sa kinatatayuan ni Chaz ay sumilay sa aking mga mata ang mga nakakunot na tingin nina kuya Aiden at kuya Atticus kay Chaz.

"Can we talk for a second?" he asked me.

Tumango ako.

Hawak-hawak ang aking kamay ay hinila niya ako palayo sa kanila. Niyakap niya ako nang nasa medyo malayuan na kami, nakikita pa rin naman nila kami pero hindi nga lang naririnig.

He rested his face on my neck and smelled it. "Baby, I'm damn jealous but I can't do anything. I respect them 'cause they are your family."

Hinaplos ko siya sa kaniyang buhok. Nagpapalambing na naman ang maskuladong baby.

Ang alam ko... lambing ang katapat ng pagtatampo.

"Akala ko ba si Aiden lang ang pagseselosan ko, bakit may isa pa? Who was that?"

"Sino'ng tinutukoy mo?" nagtataka kong tanong.

"Iyong palaging nakangiting katabi mo?"

"Kuya Atticus?" Siya lang naman kasi ang palangiti sa kanila tapos sweet din. Maliban kay Kyle na palangiti rin, pero hindi ko siya katabi kanina kaya si kuya Atticus siguro ang tinutukoy niya.

"So, Atticus his name."

Natawa ako sa tinuran niya. "Come on, don't be jealous. You're such a baby."

"Baby mo?"

"Hmm... pag-iisipan ko. Come on, they're waiting for us."

"Call me baby then we'll go back there."

"Baby, then," I said.

"God. Can't we just stay like this?" He nuzzled my neck.

Nakikiliti akong tumawa. "Ikaw nga may gusto nito, e. Halika na, kanina pa rito nakatingin sina lolo."

Let Me Be Your Cure (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon