CHAPTER 18

157 10 0
                                    

CHAPTER 18

Victims

NAKATULOG NA ANG mga bata nang mahimbing kaya nama'y lumabas ako sa kuwarto. Naratnan ko sa labas ng pintuan si Mr. Griffith na ngiting-ngiting nakatingin sa 'kin. Tinaasan ko ito ng kilay. Oh ano na-fall ka? 'Di joke lang. I wouldn't want anyone to fall for me. It will be a nightmare to me if it ever happens.

"You have a nice voice, huh?" He said with a hint of amusement in his eyes while smirking.

I lifted an eyebrow. "Yeah, why? Ma-i-inlove ka na ba?"

"Hindi rin... kasi matagal na akong hulog 'di mo lang maalala."

Actually, to be honest, okay... I admit that I'm a bit of slow. Simula pagkabata may mga tumatawag sa akin na slow daw ako at may iba naman na sobrang inosente ko raw. Ngunit kahit anong sabihin nila na inosente ako mas pumapanig ako roon sa slow ako. Katulad lamang ngayon na hindi ko maintindihan pinagsasabi niya.

Nilampasan ko na lang ito at nagpatuloy sa paglalakad. Maglilinis na lang ako.

"Bakit ba ang sungit-sungit mo sa akin?" Tanong niyang nakasunod sa akin.

"Hindi ah ganito lang talaga ako 'no."

"Pero 'di bali kahit magsungit ka pa ang ganda mo pa rin. Huwag mo nga lang sanang lagian."

Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kaniya. "At bakit naman?"

"'Cause you always turn me on kapag nagsusungit ka sa 'kin."

What the?! "Earl Chaz Griffith!" Nanggigigil kong sigaw sa kaniya.

"Namumuro ka na ah. Kanina ka pa. Naiinis ako!" I stomped my feet. "Kanina ay iyong pagsubo mo sa 'kin, iyong pag-iwan ko sa 'yo sa hospital, iyong boses ko, ngayon naman itong pagsusungit ko. Papansin ka rin, e. Aminin mo nga pinagnanasaan mo 'ko 'no?" Pangbibintang ko sa kaniya habang tinuturo-turo siya sa mukha. Ayan tuloy napapa-rap ako nang wala sa oras.

Hindi ko lang namalayan na sobrang lapit na pala namin sa isa't-isa. Tangina ngayong kaharap ko siya at ilang pulgada lang ang pagitan namin... ngayon ko lang nabigyan ng pansin ang tangkad niya. Sobrang tangkad niya pala na napapatingala ako sa kaniya. I felt so small.

"Hmm should I be honest? If yes then my answer is yes. Basically, the root word of pagnasa is nasa and nasa in english is desire. And desire is a strong feeling of wanting to have something."

Tumaas ang kilay ko. "And then?" Why is he explaining?

"I've been desiring you for long."

What the heck is he saying?!

He chuckled. "Kailangan pa pala kitang galitin para mabanggit mo ang buong pangalan ko. Mr. Griffith ka nang Mr. Griffith, e. Bakit 'di mo na lang akong gawing mister mo?" He winked.

What the fuck. "You know what? This is so nonsense. Just go home. Gabi na oh."

"Concern ka?"

Sinamaan ko siya ng tingin. Nakakukulo talaga ng ulo 'tong lalaking ito.

"Just kidding." Tumawa siya. "Ito na po madam, uuwi na. By the way, pumasok ka bukas. I'll wait for you."

"Ayaw ko nga. Who are you to command me?"

"Your future husband." Halakhak nito. Kanina pa 'to tawa nang tawa ah. Mapasukan sana ng insekto bibig niya.

"Sige ayaw mo? Kakaladkarin na lang kita papunta roon. Micah told me that you're already okay. Pwede ka na raw magtrabaho wala ka namang ginagawa rito raw."

Let Me Be Your Cure (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon