CHAPTER 7

201 16 6
                                    

CHAPTER 7

Visitors

I WENT to the boys and sat beside them. Nagsialisan na ang iba sapagkat inaantok na silang lahat; ngunit heto pa rin itong tatlong bebeng ito na ayaw pang matulog.

Hindi matapos-tapos ang panonood nila ng mga pelikula. They're now currently watching an unknown movie na never kong magugustuhan, it's an action movie with some brutal scenes. Movie marathon pa nga ang peg nilang tatlo 'cause they turned off the lights in the living room. Tapos may pa-popcorn pa silang nalalaman.

Dahil sa si kuya Brandon ang nasa pinakagilid ng sofa, sa kaniya ako tumabi. I poked him at his shoulders to make him look at me. "Kuya, can I ask you something?"

He nodded. "Yeah, what is it?"

Nilapit ko ang katawan sa kaniya't patagong bumulong, "Kuya may nakaaway ba kayo? Or may umaway lang talaga kay kuya Aiden tapos hindi siya nanalo? Or is it..." Unti-unti kong inangat ang tingin kay kuya Brandon. I felt like I know na! "Inaway siya ng girlfriend niya?" gulat kong tanong sa aking natanto. But wait, does kuya Aiden has girlfriend? Come to think of it, never pa siyang nagpakilala ng babae sa pamilya.

Kita ko ang pagkunot ng noo ni kuya Brandon, halatang naguguluhan sa lahat ng sinasabi ko. Baka hindi rin siguro alam ni kuya na may girlfriend si kuya Aiden 'no.

I didn't know that kuya Aiden can be this secretive. By the way, how come a huge guy be this cute when confused? "Baby what are you talking about? Anong nakaaway at anong girlfriend ang pinagsasabi mo?" confused, kuya Brandon asked.

"E kasi kuya, tignan mo nga mukha ni kuya Aiden." Binaling ko ang tingin kay kuya Aiden na siyang nasa kabilang sofa, seryoso at naka-kunot ang mga noong nanonood ng palabas sa malaking telebisyon. "Kanina pa siya mukhang badtrip, hindi ko naman alam ang dahilan kung bakit siya badtrip. Kung pwede lang magdikit ang mga kilay, magdidikit na talaga ang kay kuya, tsk tsk tsk."

"Huwag mo ng pansinin si Aiden. Sabihin na lang nating may nakita siyang ikinabadtrip niya?" baling niya sa akin ngunit hindi ko alam kung namamalikmata ba ako or what pero may nakita akong munting ngiting sumilay sa kaniyang mga labi.

Nevermind, namamalikmata lang siguro talaga ako. Bakit naman siya ngingiti? Anong nakangingiti roon e wala naman.

Bakit kaya galit si kuya Aiden? Hm, kung wala siyang nakaaway at hindi siya inaway ng girlfriend niya, kung mayro'n man. What if... ako iyong dahilan kung bakit siya galit ngayon? "Hala kuya pa'no kung ako pala? I mean sa 'kin siya galit. Kasi ako iyong huling nakausap niya," kinakabahan kong tanong kay kuya Brandon.

He chuckled after hearing what I said. Omo, how can he laugh when I am this serious? Anong nakatatawa sa sinabi ko?

Nakangisi itong umiling-iling saka ako pinat sa ulo. "That's not going to happen, baby. Never," he smiled.

Saka lang umaliwalas ang aking mukha. Ayaw ko talagang may nagagalit sa 'kin o ako 'yong dahilan kung bakit sila malungkot maliban na lang kung wala akong ginawang masama sa taong iyon.

Dapat masaya lang kasi nga masayahin ako.

"Nakatatampo na kayo ha," nakasimangot na sabi ni kuya Atticus sa amin. Sabay kaming natawa ni kuya Brandon nang makita ang pagmumukha nito. Mukhang pato si kuya Atticus sa haba ng mga labi nito, dala ng kakasimangot niya. Trying hard magpapacute.

While laughing with kuya, my eyes caught a glimpse on kuya Aiden na ganoon pa rin ang mukha. Napabuntong hininga na lang ako. What can I do with this guy?

WALKING again inside the campus whilst greeting everyone I can see, be it a human or a snake. Lol, just kidding. Bakit naman ako makikipag-usap sa isang ahas, baka matuklaw lang ako.

Everyone were all busy doing their stuffs. May mga natataranta pa, siguro'y hindi pa tapos iyong mga naka-assign sa kanila. Ngayong araw kasi magaganap ang intramurals namin and any minutes now magsisimula na ang program.

Kung nagtataka kayo kung bakit pa-chill chill lang ako rito samantalang ang iba'y halos kapusin na ng hininga sa sobrang pagmamadali. It's all because I forced my group mates yesterday to finish our tasks. I suggested that no one will go home until it's finished. Pinaka-ayaw ko ang hindi pagtapos ng gawain na malapit na ang deadline tapos kinabukasan no'n hindi ko alam ang gagawin kasi kailangang magmadali. Ayaw ko ng minamadali ako.

Gabi na rin nang makauwi ako kahapon kaya napagalitan ng mga kuya. But it's still worth it 'cause here I am now, chillin'.

"Friend!" Muntik na akong makipaghalikan sa sahig nang may biglang umakbay sa akin. Buti sana kung normal siyang umakbay pero ito sobra na. Sinamaan ko siya ng tingin ngunit hindi niya ito binigyan ng pansin. "Excited na akooo!" tili nito.

Napabuntong hininga ako. Naku talagang babaetang 'to. If I know excited lang itong makakita ng guwapo.

Ngayon kasi 'yong araw na pinakahihintay niya. Maliban sa mga palaro at mga booth ay pwede pa ang mga outsiders ngayon na pumasok sa paaralan namin. Minsan mga taga-ibang school ang pumupunta rito kaya nae-excite 'tong maka-diyos na ito. Aniya'y marami raw ang guwapo mula sa ibang paaralan.

Sabi ko naman sa kaniyang may mga guwapo naman dito sa campus namin pero wala talaga, hindi maiba ang pananaw niya. Mas bet niya ang taga-ibang school.

Maya-maya'y nagsimula na rin ang program at marami na ring nagsisipasukan na mga outsiders. Kilig na kilig naman 'tong nasa tabi ko, halos mangisay na sa kilig. Diyos ko po.

KAPIT NA KAPIT siya sa aking mga braso habang patingin-tingin sa paligid, naghahanap na naman ng mga guwapo.

Naglalakad kami ngayon sa hallway, papunta sana sa photo booth nang may marinig kaming tilian sa may hindi kalayuan sa amin. Sabay kaming napabaling sa kinaroroonan ng ingay. Sobra kasi iyong tilian nila, akala mo naman nakakita ng mga artista o baka naman may artista talagang dumalo rito? Sobrang espesyal naman ng paaralang ito kung gano'n.

Sa gitna ng kumpulan ng mga estudyante, nakita ko ang grupo ng mga naggagandahang nilalang. Napatingin ako sa taas. Lord, ang unfair naman. No'ng nagpaulan ka ba ng kagandahan at kaguwapuhan sa kanila mo lang tinapat?

If I'm not mistaken galing ang mga taong ito sa school nila kuya. It means, they are a group of college students.

At hindi nga ako nagkamali nang marinig ko ang malakas na boses ni kuya Atticus na tinatawag ang pangalan ko. Ano pa ba'ng aasahan ko sa maingay na 'yan?

Awkward akong napatingin at ngumiti sa mga taong nakatingin sa akin ngayon.

Well, I can say that we're all blessed with different kind of beauties. Natyempuhan lang na nagsama-sama silang lahat na biniyayaan ng gandang hindi kapani-paniwala.

Let Me Be Your Cure (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon