CHAPTER 27

150 8 0
                                    

CHAPTER 27

Cuddle

LOLO CONVINCED US to stay for the night. He also convinced kuya Yuan and daddy Wilton with his wife Alaia and his son Dwyn to stay but they rejected it in a good way.

Bago sila umuwi sinabi sa 'kin ni daddy na bumisita lang daw ako sa kanila. Ibinigay niya sa akin ang address ng bahay nila at ang contact number niya. Siguro dahil malaki na ako kaya nag-aalinlangan silang pauwiin ako sa kanila. Lalo na't may sarili na akong bahay at trabaho.

Alam niyo ba iyong feeling na ang weird? Sobrang weird talaga na tawagin silang daddy at kuya knowing na totoo talaga ito. Shit, I can't still believe it. My gosh.

I plan to go at daddy's house naman pero hindi muna sa araw na ito. Baka bukas o sa makalawa, I'll really visit him.

Binuksan ko ang pinto ng kuwarto ko at papasok sana kasabay ni Chaz ngunit pinigilan kami ng mga pinsan ko.

"Op op! Ano 'yan magkatabi kayong matutulog?" Hindi makapaniwalang si kuya Atticus.

"Ate pretty, that's bad. Sabi ni mommy mag-asawa lang po ang nagtatabing matulog. Hindi naman kayo mag-asawa 'di ba?" asked Harley who was looking so hopeful.

"Paano kung sabihin kong matagal na kaming kasal?" nagbibirong si Chaz.

"What?!" Ang magkakasabay na reaksyon nina kuya Atticus, Kyle at Harley habang tahimik lamang sina kuya Aiden at Brandon. Ngunit kahit na tahimik naman ang dalawang iyon ay nakikita ko pa rin sa ekspresyon nila ang galit at pagtitimpi. Igting ang panga ni kuya Aiden habang ang noo'y nakakunot. Ganiyan na ganiyan ang reaksyon niya noon pa man kapag nakikita ako nitong may kasamang lalaki at kapag sinusuway ko siya. 

"He's just joking boys." I assured them.

"Hoy pare sa 'kin ka na lang tumabi. Kakayanin ko pa'ng sa akin ka tumabi kaysa sa baby namin ka tumabing matulog," ani kuya Atticus.

"What's the matter with it? Nagkatabi na kaming matulog," inosenteng saad ni Chaz.

Napanganga silang lahat sa narinig.

Ang seseryoso nilang lahat pero heto ako't hindi mapigilan ang pagtawa. Napaka nonsense kasi ng pinag-uusapan nila.

Maiyak-iyak si Harley na tumingin sa 'kin. Itong bata na 'to kung makaakto'y parang matanda na. Tapos sina kuya nama'y galit na galit ang mga mukha.

Yumuko ako upang pantayan si Harley. "Hey, wanna sleep with us?"

"Baby?!" si Chaz na halos magreklamo na.

"Why? Is it not okay, Chaz?" Naglalambing ang boses na tanong ko sa kaniya. Unti-unti'y lumambot ang mga mata nito at tumango. Now, that's my maskuladong baby.

Bago kami pumasok sa kuwarto'y hinigit muna ni kuya Atticus si Harley at may ibinulong dito. Masigasig naman na nakinig sa kaniya ang bata at todo tango pa ito.

Kuya Atticus talaga, siraulo.

Nahiga kaming tatlo sa kama. Hindi pumayag si Harley na hindi mapunta sa gitna. Nilagyan niya ng mga unan ang kaniyang kaliwang gilid kung saan ay doon nakahiga si Chaz. Mukhang pinaghihiwalay talaga kami. Pinabayaan ko na lang siya. Nagmana nga ang batang ito sa mga tito nitong mga siraulo.

"Sleep na, Harley," saad ko.

He stubbornly shook his head. "No. I won't sleep para hindi siya makalapit sa 'yo. Babantayan kita ate pretty."

"I can hear you, kid." Said Chaz with a lazy tone.

"Whatever." Harley rolled his eyes.

Ilang minuto ang lumipas at ang batang nagsabi ng hindi raw matutulog at babantayan daw ako'y natutulog na ngayon nang mahimbing. Humihilik pa nga. He's really still a baby.

Let Me Be Your Cure (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon