CHAPTER 11

180 15 1
                                    

CHAPTER 11

Godlike

A BITTER smile formed on my lips after remembering all those memories, those happy moments with them, and those smiles we gave each other. And when I was just a little girl with all the smiles. Not to mention na ang tanga ko pala noon. Too innocent.

Tears escaped from my eyes. I didn't notice that I was crying not until I saw my face on the mirror, looking like a lost lamb in the forest. Yet I just let my tears fall and cried without making a noise.

It hurts. It so damn hurt when memories just suddenly popped in your head and the fact that you were so happy in those moments makes you want to go back. But the worst thing is you can't do anything but to let it go. 'Cause memories won't bring back the old you. It's just lingering in your mind and in your heart, and unless you let go, it won't be gone.

I STAYED in my room for a moment after crying, calming myself before I go out.

I'm planning to go out of the house without anyone noticing me. Sa ganito lang din naman ako magaling. Ang magtago at umalis nang walang paalam.

And it looked like god was with me sapagkat walang ni isa akong nakasalubong sa kanila nang ako'y papalabas ng bahay.

I sighed out of relief when I finally made it out.

Nakatayo sa labas ng malaking gate, I took a last glance of the house. I'm sorry lolo. I don't think I can stay for too long. Pakiramdam ko'y pinapatay ako ng mga alaalang dapat ay matagal ng nabura sa aking isipan.

MAIINGAY na boses kabayo ang naratnan ko sa bahay nang makauwi na ako.

Napatigil silang tatlo sa pag-uusap nang makita akong naglalakad papasok ng bahay na laylay ang mga balikat.

"Bakla! What happened sa 'yo?" Nagmamadaling lumapit sa 'kin si Maxi. Hinawakan ako nito sa magkabilang pisngi't pinakatitigan sa mga mata. "My gosh, who made you cry?!" he hysterically asked.

"Who? Gusto mo jumbagin namin? Saan na 'yang etech na iyan nang mapuntahan namin?" sabat ng isa pang si Imma.

"Sino'ng nagpaiyak sa 'yo, Praise?! Hindi kita inalagaan para lang paiyakin ng kung sinuman!" Micah added.

Wala sa intensyon kong naipikit ang mga mata dahil sa sobrang ingay nila. Sa tingin ko'y mabibingi ako ng wala sa oras sa lakas ng kanilang mga boses. Uh, no, let me rephrase it... mabibingi ako sa lakas ng kanilang mga tili. Talo pa ang babae at speaker kung makatili. Ang lapit na nga nila, kung makatili pa wagas. Hindi na naawa sa precious ears ko.

"Don't mind me. It's nothing. By the way where's my babies?" I asked.

"Nasa training room."

"Ayaw mo talagang sagutin?" pagpipilit nilang tanong.

Ngiti ang isinagot ko sa kanila. I'm too tired to speak.

"Well, ganyan ka naman palagi. Ano pa ba'ng bago? Basta 'pag kailangan mo na ng help nandito lang aketch... ay kami pala. Okay?" said Maxi.

I nodded.

"Hmmm... wala man lang bang welcome d'yan Praise?" pag-iiba nila ng usapan.

I looked at them with a questioning look. Welcome?

"What the?" hindi makapaniwalang saad ni Imma.

"Nakalimutan na niyan," tumatawang sabi ni Micah.

"Hoy, saan na welcome mo? Dumating na kami mula ibang planeta dzuh," Maxi said.

Ahhh naalala ko na. Galing pala itong dalawa na 'to sa ibang bansa. Pero 'di ba kapag nangibang-bansa ka mayroong kunting glow up na mangyayari sa 'yo? Bakit glow down ang nangyari sa dalawang 'to?

"You're welcome," I said.

Napanganga ang mga ito habang nakatingin sa akin. What? I shrugged my shoulders at iniwan ko silang nakanganga pa rin.

I STOOD just outside our own training room, watching my babies having fun. This, watching them having fun, is enough for me. Enough to gain some strength kasi pagod na ako. Palagi naman akong pagod, tinitiis ko lang.

Ang laki ng sama ng loob ko sa mundo. Palagi akong napapatanong kung bakit nangyari sa 'kin ang bagay na iyon. Kung bakit napakabrutal sa 'min ng mundo. We just wanted to live a simple life with an innocent mind.

I smiled and waved my hands at my babies when I caught them looking at me.

My phone vibrated out of the blue, indicating that I just received a text message. I took my phone out from my pocket and read the message. The message was sent by Jane, informing me that a fellow police officer from other station will be reassigned to our station starting tomorrow. Nagtext siya sa akin para alam ko raw and that the others were already informed too.

I truly appreciate my colleagues kasi kahit hindi ako close sa kanila, kahit hindi ko sila pinapansin, ini-inform pa rin nila ako sa lahat. They always make an effort to talk to me. Ako lang talaga iyong problema. I can't seem to bring myself to talk to anyone. Nasanay na akong hindi nakikipag-usap sa iba. And I find it less stressful kasi hindi ko na kailangang mag-isip ng kung anong sasabihin ko, ngumiti habang nagsasalita at hindi ko kailangang i-please ang taong iyon.

I am aloof when I'm at work and when I'm outside. I also lack of communication. Nagpapasalamat talaga ako na mababait ang mga katrabaho ko. Palagi nila akong iniintindi.

Nawalan na kasi ako ng gana pang makipaghalubilo sa iba. After that incident happened, I started to hate people especially men. I started to hate everything. Hindi na ako makausap. I lost myself. I lost everything. At sa tingin ko wala na talaga akong pag-asa.

SITTING on my seat, busy doing my works, I heard my colleagues laughing. They're at it again. Masasayahin silang mga tao ngunit pagdating naman sa trabaho'y sobrang se-seryoso lalo na kapag may operasyon na kaming kailangang gawin. 

Itinigil ko muna ang ginagawa and stretched my back. May itatanong pa pala ako kay lieutenant, nakalimutan ko. Tumayo ako sa pagkakaupo't nagsimulang lumakad papuntang hagdan.

Mararaanan ko pa ang mga katrabaho kong nagtatawanan pero wala akong choice. Walang ibang daanan papuntang taas, e. Nagpatuloy ako sa paglalakad kahit na ramdam ko ang mga titig na nakasunod sa akin.

But just when I was about to step on the stair, someone touched me on my shoulder.

"'Waaaaggggg!" dinig kong magkakasabay na sigaw ng mga kasamahan ko. Pero huli na---

Huli na nang marinig ko ang huni ng malakas na pagkakalagpak ng isang bagay... o mas mabuting sabihin na isang tao... sa sahig.

"What the---" a man grunted.

Quickly, I turned my gaze on that someone. But I didn't expect to see a godlike beauty in front of me, lying on the floor with his hand supporting him. I got starstruck for a moment. Oh no, how come he's slayin' that look?

He slowly stood up. Pinagpag niya ang damit at tumingin sa akin. The moment he looked me at the eyes, I felt like my world has stopped for a moment. Is this what they're calling a slow motion?

He must be thankful for having this kind of beauty. Like hell, who wouldn't? That perfect eyebrows, eyes that pierces to the soul, that pointed nose, that perfectly angled jaws, firm muscles and I bet he also has chiseled chest. And oh, that broad shoulders is what really caught me.

Oh god! I shook my head to snap out of what I'm thinking. Gosh what's happening to me? This never happened to me.

I can't believe I just checked out a man! Oh god, I need a goddamn check up right now. I must be crazy.

Let Me Be Your Cure (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon