Comienzo de la caída

141 3 0
                                    

"Ayaaan na siyaaaa!"

"Ang gwapo mo kuya. Grabe nasaan na yung kapatid kong uhugin?"

"Hindi ko inexpect na darating yung araw na ganito, na mawawalay kana samin."

"Dati hinahabol lang kita sa garden natin kasi ayaw mong maligo pero heto ka ngayon."

"Ang swerte naman niya."

"Grabe ang gwapo talaga niya."

"Magkano kaya ang nagastos nila para dito?"

Sari saring komento ang narinig ko habang papalabas ako ng sasakyan. May positibo, at may ilan din namang negatibo.

Ngunit napailing na lang dahil nangingibabaw ang boses ng aking Ama na akala mo'y katapusan ko na. Agad naman din akong napatawa ng makita kong pinagtatawanan siya ng aking Ina.

Heto na. Ang simula ng pagbuo ng sarili kong pamilya. Na kasing saya ng kinalakihan ko. Ang simula ng panibagong kabanata ng aking buhay, kasama ang aking mahal.

Hindi mawala wala ang ngiti saking mga labi habang inaantay ko ang aking mahal upang kami ay mabasbasan na ng Panginoon na naging gabay namin sa aming relasyon. At upang mapunta kami sa kinatatayuan namin ngayon.

Lagpas 30 minuto na ang nakakalipas ngunit wala pa din ang aking sinta. Hindi ako nababahala dahil malaki ang tiwala kong darating siya.

"Kuya..." napa ayos ako ng tayo ng maulinigan ko ang aking bunsong kapatid na di ko namalayang nasa tabi ko na pala. At ang nakita ko'y mga matang puno ng awa.

"Wag ka ngang tumingin sakin ng ganyan bunso. Darating siya, tiwala akong darating siya. Mahal ako non eh." sabi ko sa kanya habang nakatanaw sa may pintuan ng simbahan at lubos na nagdarasal na sana dumating na ang mahal ko.

"Kuya... Hindi na siya darating kuya."

Agad akong napalingon sa kanya at nung nakita ko ang mga mata niyang hilam ng luha, agad na nagunahan ang pagpatak ng luha ko pero agad ko rin itong pinunasan.

Agad akong napatayo ng makarinig ako ng ingay na nanggagaling sa labas ng simbahan. Nagtatakbo ako palabas kahit na di ko alam kung anong dadatnan ko don. Ngunit agad ding napahinto ng maulinigan ko ang sinabi ng Ama ng sinta ko.

"..Pasensya na talaga Mr. and Mrs. Rinaldi. Hindi ko inaasahan na ganto ang mangyayari."

"Pasensya?! Napahiya ang pamilya ko tapos pasensya lang ang sasabihin niyo?! Anong karapatan niyong gawin to sa pamilya namin ha?! Ano?!"

Ang kaninang masaya kong pamilya ay tila nagdadalamhati. Ang aking Ina na kanina'y walang tigil ang pagiyak ngunit may ngiti, ngayo'y puno ng luha ang mga mata at sakit. Ang mga kapatid kong kanina'y tuwang tuwa ngayon ay nagngangalit.

Gusto kong magwala, gusto kong magmura, gusto kong manakit. Sa sobrang daming emosyon ang bumubugso saking puso hindi ko na alam ang tamang gawin. Lumuhod ako sa harap ng ina ng aking minamahal.

At nagmakaawa. Dahil alam kong alam nila kung nasaan siya.

Wala akong pakielam kung muka na akong kawawa at tanga. Basta bumalik lang sakin ang mapapangasawa ko.

Namayani ang katahimikan ng may dumating na kotse, ang bridal car ng mahal ko. Nanatili akong nakaluhod at nakatungo. Umaasang darating ang mahal ko at bigla akong babatukan. At sasabihing, 'tanga ka ba? Antagal kong nagayos para sa kasal natin tas mag aabno abno ka lang jan sa labas. Hala lakad!'. Pero wala, ang driver ang lumabas sa kotse at agad na nagsalita.

"Sir, si Ma'am po tumakbo, hinabol ko ho pero may sumundo sa kaniyang lalaking nakakotse."

Agad na nagkagulo at napuno ng galit ang aking ama dahil sa pangiinjan ng aking soon-to-be-bride sana. Ngunit nanatili akong tahimik. Masakit,oo. Pero naiintindihan ko na lahat.

Biglang may namutawing munting tawa saking bibig. Hanggang sa lumakas ito ng lumakas at naging halakhak. Hindi ako tumigil kahit na alam kong nakatingin sila sakin ng puno ng awa at pagtataka. Maliban sa isa, maliban sa aking Ina na nakatanaw sakin na puno ng pangunawa at pagintindi ngunit mas nangingibabaw ang sakit. Tiningnan ko sila isa isa at ngumiti. Ngiting puno ng sakit, puno ng pagod at pighati. Matang punong puno ng luha.

"Salamat po sa lahat ng dumalo sa araw na inasahan nating lahat ng magiging masaya. Tama nga sila, wag kang aasa kung ayaw mong masaktan ng sobra. Akala ko kasi okay na eh. Eto na oh. Siya na lang ang kulang. Pero wala eh, nagawa pa rin niya akong iwan. Dad, wag na nating ipilit ang wala na. Nangyari na ang lahat. Sira na ang dapat ay maligaya." Tumingin ako sa mga mata ng Ama ng aking mahal. "Salamat po sa lahat. Pasensya na pero hindi ko pa po kayang magpatawad at umunawa."

Agad akong tumayo, puno man ng luha ang mata, agad akong tumingin sa mga mata ng aking Ina. Nakakaunawa siyang tumango at ngumiti kahit na nasasaktan siya para sakin. Agad kong tinungo ang aking sasakyan at nagdrive papunta sa aking bahay.

Dito sana kami bubuo ng pamilya, dito sana kami magkakasiyahan kasama ang aming mga supling. Pero sinira niya ang lahat.

Lalaki ako, oo. Pero alam kong hindi paglalasing ang solusyon sa sakit na to. Kaya agad kong tinungo ang aking kwarto at agad na humiga sa kama. Pagod na pagod na ako. Magpapahinga muna ako bago ko harapin ang bukas, ng mag isa.

Karma ko ba to mula sa nakaraan?

Playful DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon