Capítulo Uno

85 2 2
                                    

*Goodmorning love! Wakey wakeyyy! Time to work your ass off. Para sa future family. See u love. Iloveyou!*

2 weeks have passed pero andito pa din ako sa kama ko nakahiga. Tinititigan ang litrato ng babaeng naging buhay ko sa loob ng 8 taon. Hell muka akong tanga. Nakatitig sa litrato niya, hilam ng luha ang mga mata at pinapaulit ulit pakinggan ang mga video clips at voice clips na pinadadala niya at ginagawa naming dalawa.

Andami kong tanong syempre. Anong nangyari? Saan ako nagkulang para maghanap siya ng iba? At ang famous line ng mga broken hearted, Am I not enough? Alam ko kasing may rason siya eh. Kung bakit niya ako hindi sinipot sa mismong araw ng kasal namin. Pilit ang sarili na iniintindi kung bakit.

*knock knock*

Bahagya akong napabangon sa katok na narinig ko mula sa pinto ng kwarto. Pinilit ko ang sarili na tumayo at buksan ang pintuan. Bumungad sakin ang malungkot na muka ng aking pamilya.

Hindi ako lumabas ng bahay. Ngayon lang din sila pumunta dito. Kaya ng makita ko ang mga muka nila ay hindi ko napigilan ang maging emosyonal.

Ang ewan lang. Wala eh ang sakit padin kasi.

"Ma.." agad akong yumakap sa aking Ina. Lalo akong napaiyak eh.

"anak, tahan na. God has better plans for you. Everything will be okay anak. Be strong." alo niya sakin.

Agad kong pinahid ang aking luha at sabay sabay kaming pumunta sa sala. Alam kong gusto nila akong kamustahin at gusto nilang magtanong kung anong nangyare. Pero matagal na namayani ang katahimikan pag kaupo namin.

Maya maya ay nagprisinta ang aking mga kapatid na pumunta sa kusina para kumuha ng pagkain. I know they are giving us time to talk.

"anak kamusta?" tanong ng aking ama habang nakatingin sakin. "nandito lang kami anak, wag mong kalimutan yon."

Wala akong choice kundi sumagot. Kahit ang gusto ko lang ay humiga at paniwalain ang sarili ko na panaginip lang ang lahat at maya maya eh makikita ko agad at makakasama ang aking asawa. Pero alam kong kailangan ko din to. Kailangan ko ng makakausap, ng karamay.

"sa totoo lang Pa hindi ko rin po alam eh. We were okay. We even had a celebration na kami lang dalawa. Para daw sa pamamaalam namin sa pagiging mag jowa lang." mapait akong napangiti ng maalala ang pangyayari na yon. "Tinawagan pa niya ako the night before the wedding. Whispering sweet nothings on the phone hanggang sa makatulog kami pareho. I didnt expect this coming Pa. Kaya sobrang sakit!"

Puno ng hinanakit na pag amin ko sa aking pamilya. Wala na hindi ko na kaya eh. I cried kahit ang ewan tingnan. Dalawang linggo. Ako lang magisa. I isolated myself from everything and everyone. Kasi akala ko kaya kong magisa. Akala ko matatag ako. Pero hindi pala. Kailangan ko din pala ng tungkod para matutong tumayo ulit.

"anak every person experience struggles hindi lang sa life pati na din about sa love. Maybe its God's way para sabihin sayo na you made the wrong choice. Or pwede ring its not the right time yet. Hindi natin masasabi anak. Just be strong anak. Andito lang kami palagi para sayo. You can always pretend and wear your happy mask while freely roaming around and interacting with others." ngumiti siya sakin at bahagyang tinapik ang balikat ko.

"Pero pag balik mo sa sakin, you can show me, us, na nasasaktan ka. Na napapagod ka. Because we will always understand you. We will be your shoulder to cry on. I will open my arms to you and hug you tight and make you feel how loved you are by us pag dumating sa point na feeling mo magisa kana lang. Talk to God, he knows more what is best for you. Listen to your heart anak, we will be right beside you, fighting."

Playful DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon