Capítulo Catorce

34 1 0
                                    

Niccolaio's POV



"erp balita namin may kadate ka daw kahapon. sino yon ha? share naman jan para namang di tayo magkapatid sa bituka eh."


parang mga gago. Bigla bigla na lang sila susulpot dito sa resto at magtatanong ng tungkol sa date ko 'daw' kahapon.


"para kayo kamong abno. Dami niyong alam. wala ba kayong mga trabaho at ako ang iniistorbo niyo dito ha? bumalik na nga kayo sa mga pinanggalingan niyo."


"di pre mas importante to kesa sa trabaho namin. mas importante ka don pre wag ka patalo. trabaho lang yon, ikaw mahal namin." sobrang seryoso pa na pagkakasabi ni Thirdy habang abang na abang naman yung 5 sa sasabihin ko


"Mga unggoy. bahala kayo jan." lalabas na sana ako sa opisina pero hinarang nila ako at pinilit umupo sa sofa


"aba pre nagdrive kami papunta dito para lang makichismis di kami papayag na walang masagap." pagpipilit pa ni Marc


"at kasalanan ko pa? bat di niyo tanungin na lang kaya yang tatlo, sila kasama ko kahapon eh. Di sana di kayo nagsayang ng gas." turo ko sa tatlong kasama ko kahapon na prenteng nakahiga lang sa may carpeted floor ng opisina ko. "tsaka diba may video na sinend yang abnong Lews na yan kaya bat niyo pa ako tinatanong?"


"wala lang brad gusto lang namin mambulabog" nakangisi pang sabi ni Zach na para bang nakakatuwa yon


"don kayo mambulabog sa mga trabaho niyo wag sakin dahil busy ako." tinulak ko pa sila palabas hanggang sa parking kaya napilitan na silang magsilayas. "alis na."


"pero brad seryosong usapan, ngayon ka lang namin nakitang tumawa at ngumiti ng ganon kaya support ka namin dito brad!" biglang sabi ni Marc


sa totoo lang naman kasi, kay Tia lang talaga ako tumawa ng ganto. Seryoso kasing tao si Koleen kaya never kaming nagasaran at naglokohan. Di ko alam pano kami nagtagal ganong stiff kami pareho. Nagtatawanan kami, oo pero hindi tulad kay Tia na sobrang light ng atmosphere na parang pwedeng pwede ko siyang biruin o pagtripan anytime.


"erp wag ka masyado magisip sa nakalipas na. Pagtuunan mo ng pansin yung kasalukuyan mo. andito lang kami brad. inuman tayo pag gusto mo ng kausap. basta sagot mo lahat."


okay na sana yung unang sinabi ni Thirdy eh, bat ba dinugtungan pa.


"seryoso brad, isang kita pa lang namin, alam namin na mas malaya ka ngayon kesa don sa nakaraan. kaya kung ano man ang desisyon mo brad kasama mo kami."


"luh manghuhula pala tong tropa nating si Baron eh." biglang sabat ni Zach


"oo nahulaan ko na ngang di ka sasagutin ng crush mo eh."


"aba't! di kita bati! hmp!" parang tangang biglang pumasok si Zach sa kotse niya. Palibhasa totoong di siya trip ng crush niya kaya apektado si brad lol


"osiya alis na talaga kami erp! basta tandaan mo, puso!" sabi pa ni Thirdy bago umalis.


tumango na lang ako kahit di ko gets yung sinabi niya.


tumambay muna ako ng ilang minuto sa labas at nagisip isip bago ako pumasok ulit sa resto at bumalik sa kusina. Nagluluto kasi ako ng bigla nalang dumating yung 6 at hinatak ako papunta sa opisina ko sa taas.


Its already lunch time when i heard my phone rang. Tapos na din naman ako sa last order kaya sinagot ko muna yung tawag.


"hello Tia."


Playful DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon