Capítulo Treinta y Dos

24 0 0
                                    

Niccolaio's POV


"Chef Rinaldi, ano pong masasabi niyo sa balitang kumakalat na ikaw daw ang ama ng anak ni Ms. Koleen?"

"Mr. Rinaldi, totoo bang hiwalay na kayo ng girlfriend mo na si Ms. Tia Lorraine? Kelan po kayo naghiwalay?"

"Mr. Rinaldi, anong masasabi mo sa balitang pinaglaruan at ginamit mo lang daw si Ms. Tia Lorraine para sa kasikatan?"

"Mr. Rinaldi, matutuloy na ba ang kasal niyo ni Ms. Koleen Ferrer?"


Kulang na lang ay takpan ko ang tenga ko para makapagtimpi sa mga batikos ng reporters na nandito ngayon sa resto. Hindi ko alam kung bakit may balitang ganon na biglang pumutok sa media. Kanina ko lang kasi nalaman yung mga balita nung nakababa na ako sa parking ng resto at papasok na sa loob. Agad akong hinarang ng mga reporters na nagaabang sakin sa may entrance.


This is not good. We cant open the resto hanggat may gantong balita. Makakaabala sila sa mga customers.


I decided to close the resto until further notice. I am not certain when will this be over. Ang mahalaga sakin ay maging ayos ang lahat at hindi madawit ang pangalan ni Taine sa gulong ito. Buti na lang at maaga pa kaya nasabihan ko agad ang mga empleyado ko na wag munang pumasok. Suswelduhan ko parin naman sila.


I tried calling Taine pero nakapatay ang cellphone nito. Now I am worried kung nakarating na dito ang balita na puro kasinungalingan naman.


That night when I found out about Koleen, haloa di ko ito makilala. She looks so thin and pale. Nagiba rin ito ng kulay ng buhok at nagpagupit ng maikli kaya nagiba ang itsura.


I got scared and I panicked when I saw her clutching her baby bump. Kaya dinala ko ito agad sa ospital. Nung magising ito at naging maayos ang kalagayan, humingi ito ng tawad sa pangiiwan at pagsisinungaling. Wala na sakin yun.


She asked for my help kasi 8 months na itong buntis at malapit ng manganak. When I asked her about the father ay hindi ito nakaimik. Kaya hindi ko na lang tinanong. It's impossible that it's me because nothing happened between us. And so I helped her. Minsan tumatawag ito habang nasa resto ako kaya pinupuntahan ko. Sa hotel lang kasi ito nagiistay dahil dito niya daw sa Pilipinas gusto manganak. Sa New York pala ito nagpunta nung di ito sumipot sa kasal namin at dun naglagi.


I am really glad that Taine understands me. Minsan kasi pag tumatawag si Koleen ay may ginagawa ako. Kaya wala akong choice kundi iwanan muna yung ginagawa ko. Ang ending ay kung kelan tapos na ang trabaho sa kitchen ay tsaka ko ito ginagawa. Minsan inaabot na ako ng gabi sa sobrang dami ng gagawin.



Tumawag ako kay Niccolo para magpasundo dahil sa back door ko planong dumaan, kaso hindi naman ito sumasagot, kahit si Guils ay di rin sinasagot ang tawag ko. Kaya ang tinawagan ko na lang ay si Zach, buti na lang at sumagot ito agad.


"Zach pasundo."

"Aba paps alam kong tropa kita at alam mo ding tropa kita pero hindi ako driver aba mahal ang oras ko."

"Gago basta sunduin mo muna ako andito ako sa resto, lumampas ka ng isang block sa backdoor ako dadaan eh. Dyan muna ako sa inyo."

"Paps mahal kita pero mas mahal ko ang buhay ko. Pasensya na paps. Galit kasi sayo si Zandeng baka ako ang patayin nun pag dinala kita dito sa bahay."

"Ah.. alam mo na pala."

"Wag mo muna isipin yung balita paps. Kilala kita, alam kong mahal mo si Tia. Ayusin niyo muna relasyon niyo."

Playful DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon