Capitulo Dos

51 2 0
                                    

MAAGA akong gumising ngayon dahil may gusto akong puntahan. Palagay ko lang naman eh kailangan ko tong gawin. Gusto ko na talaga makamove- on sa nangyari eh. At sa tingin ko naman makakausad na ako kung gagawin ko to.


Pinilit kong magayos kahit ba parang minamartilyo ang ulo ko. Pero mas nasisiguro kong may mga kupal na isusumpa kuno ang mga alak sa mundo dahil sa tindi ng hang over.


Nagsuot ako ng puting polo at itim na pantalon tsaka ko kinuha ang susi ng aking pinakamamahal na Aston Martin. Pinagipunan ko yan dahil pangarap naming sasakyan yan ni Koleen.


Agik pormahang maglilibing lang ayos ko ah. Sabagay mamamaalam naman talaga ako. Buhay nga lang siya.


Paglabas ko ng kwarto may nakita akong mga kupal na masakit sa mata. Parang mga abno nakaboxers lang tapos patong patong na nakahiga sa sahig. Tibay din naman ng mga to di naiinitan sa pakana nila. Napatawa na laang ako at napailing.


Paniguradong babanatan ako ng mga to pag nagising sila ng ganon ang ayos nila kaya maigi ng umalis habang di pa gising ang mga tumador.




PAGKADATING ko sa harap ng bahay nila agad akong nagdoorbell. Wala ng atrasan to. Maigi ng harapin ang kung anuman dapat harapin.


"Sino ho sila?" rinig kong sabi sa intercom na nasa labas.


"Si Niccolaio ho ito." wala pang isang segundo eh agad na nagbukas ang malaking gate sa aking harap.


Tuloy tuloy ang aking pasok ng makita ko ang magasawang Ferrer na nasa labas ng pinto. Bakas ang pagtataka at pagkabahala sa mukha ng mga ito.


"N-niccolaio, pasok ka iho." anas ng ginang.


Pagkaupong pagkaupo sa salas ay agad na nagtanong ang mga ito kung bakit siya naroon at anong sadya niya.


"Gusto ko lang ho magtanong at maliwanagan. Alam niyo po ba na hindi niya ako sisiputin sa araw ng kasal namin?" agad kong sabi. "Gusto ko na ho kasing matahimik, baka ho pag nasagot niyo ang mga tanong ko ay makahinga na ako ng maluwag."


"Wala kaming ideya iho. Nagulat din talaga ako kung bakit bigla biglaan eh ganon ang nangyari." sinserong sabi ng ginang. Ang asawa nito ay walang imik lang sa tabi at parang may malalim na iniisip.


"Siguro nga ay nagdesisyon siya ng kaniya. Pero iho, wag mo sanang sisihin ang sarili mo. Wala kang kasalanan sa nangyari. Para narin kitang anak iho. At patawarin mo sana kami sa nangyari. Kung nagabayan lang siguro namin siya at nabantayan, hindi sana mangyayari ang gantong gulo." dagdag nito.


"Wag ho kayong humingi ng tawad. Kung ano man po ang nangyari, si Koleen na po ang nagdesisyon non. Siguro nga hindi kami ang para sa isa't isa. At baka ho nakahanap siya ng taong mas minahal niya. Sana lang ho eh maging masaya siya." hinawakan ko ang kamay ng ginang at hinaplos ito. Alam kong nahihirapan din sila sa sitwasyon dahil nagiisa nilang prinsesa si Koleen.


Maya maya ay nagpaalam na ako sa kanila. Mejo gumaan na ang pakiramdam ko sa isiping hindi nila kinunsinte si Koleen.


Hindi pa ako nakakalabas eh biglang nagsalita ang ama ni Koleen.


"Iho, ikaw ba ang kasama ni Koleen ng magpunta siyang Cebu noong isang buwan?"


Nagtataka man ay pinili kong sumagot dahil kita ko ang mukha nito na parang gulong gulo. "Hindi pa po kami nakakapunta ni Koleen sa Cebu, tito. Hindi po natuloy dahil nagkaemergency po ako sa Italy noong isang buwan kaya hindi na po kami tumuloy."


Lalong napakunot ang noo ng tatay ni Koleen.


"Bakit mahal may problema ba?" takang sabi ng ginang.


"Nagpaalam si Koleen na pupunta siyang Cebu at ng tinanong ko siya kung kasama ka ay hindi naman ako sinagot kaya akala ko eh sosorpresahin ka niya. 3 araw din siya doon." nakakunot noong sabi nito.


Pakiramdam niya eh may bumikig sa lalamunan niya at bahagyang nagtagis ang kanyang bagang. Pinigilan niya ang nais na kumawalang emosyon sa muka niya at ngumiti ng mapait sa magasawa.


"Sige ho aalis na ho ako. Salamat po."


Dali dali akong sumakay sa aking kotse at hindi na lumingon pa sa magasawa. Sawa na akong makita ang awa sa muka ng mga taong nakakasalubong ko. Nagmaneho lang ako ng nagmaneho hanggang sa abutin ako ng 7pm sa kalsada.



"BRO, I'm telling you palalayasin kita dito pag uminom ka ni isang patak ng alak. Isusumbong kita kay Mommy talaga!"


Binato ko ng unan ang kapatid ko at tiwanan lang siya. "Para kang sira Niccolo. Sa tingin mo ba maglalasing ako? Mom will gut me open pag nalaman niyang uminom ulit ako. Alam mo bang nakahold ang pera ko sa banko dahil nalaman niyang nakipaginuman ako kena Third."


At tinawanan lang ako ng magaling. Our Mom is very strict when it comes to our health. She always make sure na healthy yung kakainin namin at hindi mga preserved, or mga foods na unhealthy. Lalo naman pag alak at paninigarilyo.


"Kuya remember when you tried smoking in College?" he said while laughing, bigay na bigay pa.


Agad ko siyang sinamaan ng tingin. "Ofcourse idiot! I would never forget that moment. It was the worst moment of my life! Mom finds out! And remember what she did? He didn't gave me allowance for two weeks! Imagine how i pity myself every break kasi wala akong baon at sa private school tayo nagaaral. Geez!"


Tawa lang ng tawa ang baliw. Seryoso, kung sa private school ka napasok at wala kang baon, gugutumin ka lang dahil sa amoy ng pagakin.


Binato lang niya ito ng magazine na nakita niya sa tabi. Pero agad din naman niya itong pinulot at binalik ng ayos sa lalagyan. Lagot sila sa mommy nila kapag nakakita ito ng kalat.


"Where's Guilia by the way? Nasan ang brat na yon?" kanina pa siya dito pero di pa rin niya ito nakikita.


"She's in the garden at the back, painting unidentified objects" sabi nito ng nakangisi.


"Let her hear that and promise you will be beaten." sabi ko habang naglalakad papunta hagdan. "Tell mom and dad, when they arrived, na dito ako tutulog. Wala akong panggas."


"Noted, brother." dinig ko na lang na sigaw ni Niccolo bago ko isara ang pinto ng kwarto ko. Mabuti ng matulog na muna ako ng hindi na ako makapag isip.


Bago pa ako makatulog, pumasok na naman sa isip ko yung sinabi ng tatay ni Koleen. I can't help but wonder why did she go to Cebu even if I already told her that I won't be able to make it.



Did she cheated on me?

Playful DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon