Capítulo Veintiocho

18 0 0
                                    

Tia Lorraine's POV


*1 NEW MESSAGE

from Nicco💖

good morning love! I'll see you later😘

Kinikilig na bumangon na ako para maligo. Today is my birthday woot woot! Time to partyyyy! Choz

After maligo, I decided to wear a black sleeveless crop top, knee length mustard flared skirt and black sandals. Naglagay lang ako ng sunscreen, mascara and nude lipstick for my make up para natural lang pero fresh pa din.

After kong magayos ay bumaba na ako sa living room para don na lang intayin si Nicco.

"Aba at saan naman ang punta mo babae at ayos na ayos ka?" bungad ni Kuya Ali na nakapameywang pa.

"may date kami ni Nicco, bakit?" nakaingos na sagot ko

"at sinong may sabi na pwede kang makipagdate?"

"pinayagan kaya ako ni papa." nagmake face pa ako para asarin siya. "Wala ka lang nakakadate eh, busted kasi, bleh."

"Aba't--"

Inambaan ako ni kuya ng hampas kaya agad akong tumakbo kay Ate Lia, na kakapasok lang ng bahay, at nagtago sa likod nito.

"Ate si kuya oh sasaktan ako." sumbong ko

Sinamaan naman ako ng tingin ni Kuya. Tuloy tuloy lang din naman si Ate sa sofa at di kami pinansin. Sanay na kasi sila sa madalas naming pagasaran ni Kuya. Minsan nga ay magkakampi pa kaming girls kaya walang nagagawa si Iuya kundi magpatalo na lang.

"Tumigil na kayong dalawa ah. Lalong nasakit ang ulo ko sa inyo."

"Bakit ate anyare?" tanong ko

Lumapit din naman si Kuya Ali para kamustahin si Ate Lia. Sobrang rare kasi talaga na nandito si Ate sa bahay ng mga gantong oras. Quarter to 10am pa lang, eh 9am ang pasok sa office.

"Okay lang ako, masama lang ang pakiramdam ko. Magpapahinga lang muna ako tapos babalik din ako sa office."

"Magpahinga kana lang muna ngayon Ate, bukas kana pumasok pag okay na pakiramdam mo." Kuya said firmly

"Hindi pwede. Marami pa akong kailangang gawin sa office, I need to go back later. Iinom na lang ako ng gamot at matutulog muna. For sure okay na ako mamaya." giit ni Ate

"No, you're staying until you get enought rest. You've been working hard for so many years already, Ate. Hindi naman siguro magagalit ang boss mo kung magsisick leave ka kahit ilang araw lang."

Wala ng nagawa si Ate kundi pumayag, dahil kung hindi, baka magalit pa si Kuya. Syempre sobrang protective talaga si Kuya saming girls kaya, whatever Kuya says, kailangan naming sundin, parang si Papa lang yon eh.

Inalalayan na ni Kuya si Ate papunta sa kwarto nito. Nagprisinta naman akong magbuhat ng gamit ni Ate.

Maya maya ay nagtext na si Nicco na nasa labas na daw siya ng bahay kaya nagpaalam na ako kena Kuya na aalis na. Nagtagal pa ako ng konti dahil ayaw agad akong paalisin ni Kuya, ininterview pa ako kung san kami pupunta ni Nicco. Buti na lang at inawat ni Ate kaya nakalabas na ako ng bahay. Wala sina Mama at Papa nasa Café, and nakapagpaalam naman na si Nicco kagabi.

"hello" bati ko pagkapasok sa passenger side

"how's your sleep love?"

"uhm okay naman, mahimbing naman akong nakatulog. How about you?"

Playful DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon