Capítulo Treinta

25 0 0
                                    

Tia Lorraine's POV


"Lorraine nakuha ko na yung gown mo. Kunin mo na lang sa studio don ko nilagay." bungad ni Kuya Ali pagkababa ko sa dining para magbreakfast.


Its already February and mamaya na gaganapin yung Reunion namin. I woke up early kasi kukunin ko nga dapat yung gown kaso nakuha na pala ni Kuya so baka manonood lang ako ng movies today.


Grabe yung sarap sa feeling ng pahinga ko. Tipong wala kang iniisip na appointments for tomorrow or mga contents. Busog na busog sa pahinga ang utak ko.


Pero syempre nakakamiss din naman magvlog kaya minsan pag sinisipag ako naglalive ako sa IG para naman malaman ng mi familia na buhay pa ako at humihinga. Tsaka kailangan din kasi ng mata ko ng pahinga, kaya iwas talaga ako kahit socmed. Lagi din naman kami magkasama ni Nicco kaya no need for phone. Either pupunta ako sa resto or si Nicco pupunta sa bahay. Kulang na nga lang dumuty ako sa resto sa dalas kong nandon. Katropa ko na nga din yung mga waiter don.


"Naks how sweet of you naman Kuya. Sana araw araw." pangaasar ko


Sinimangutan lang naman ako nito at di pinansin. Busy kasi ito sa pagkain ng Choco Banana Loaf na gawa ni Mama. Fave niya yun eh, well, naming lahat naman. Kaya sinaluhan ko na si Kuya sa hapag. Maya maya habang kumakain kami biglang pumasok si Ate Lia sa dining na parang namumutla.


"hala ate okay ka lang?" worried na tanong namin


"I'm fine. I just need to rest." pero halata sa boses nito na nanghihina na


"Lagi ng sumasama ang pakiramdam mo Ate." seryosong sabi ni Kuya


"Wala to. Kailangan ko lang magpahinga, nagsunod sunod kasi ang work."


"Wag ka na kayang sumama sa Reunion? Magpahinga kana lang dito sa bahay." ani Kuya Ali


Namumutla na kasi talaga si Ate Lia. Hindi na nga ito nakasagot kay Kuya. Basta winagayway lang nito ang kamay tanda na sasama parin ito mamaya at hindi magpapahinga sa bahay.


Balewalang umalis na si Ate dahil kumuha lang naman ito ng tubig at nagpaalam na matutulog lang daw. Pero si Kuya Ali ay matiim padin ang titig sa pintong nilabasan ni Ate kahit kanina pa ito nakaakyat ng room. Bahagya pang nakakunot ang noo at parang malalim ang iniisip.


I snapped my fingers in front of Kuya's face to catch his attention. Agad naman itong lumingon na may nagtatakang muka.


"Bakit Lorraine, ano yon?"


"Lutang ka Kuya? anong meron? bakit titig na titig ka kay Ate?"


Napakurap kurap naman ito at umiling sakin. "wala yon. Kumain kana lang jan, balik na ako sa kwarto." At parang wala sa sarili naman itong naglakad paakyat.


I shrugged it off. Worried lang siguro si Kuya dahil sobrang dalas sumama ng pakiramdam ni Ate pero pumapasok pa din sa work.


Tinapos ko na lang ang pagkain at umakyat na para kunin sa studio ni Kuya yung gown tapos bumalik na din sa kwarto. Naglaro lang ako Sims4 dahil dito ako naadik nitong mga nakaraang araw. Ito lang yung pinaglalaanan ko ng allowed time ko na maexpose sa radiation. Nasa trabaho pa kasi si Nicco since quarter to 10am pa lang. I am currently building my dream house and of course I am dreaming to live there with Nicco.


Sino ba naman ang hihindi kung si Nicco yung makakasama? He's a total package for me. Gentlemen, mabait, maalaga, mapagmahal, mahaba ang pasensya, nasa kanya na nga ata lahat eh. Magaling magluto, marunong sa business, sa music, sa dancing, sa arts, photography, lahat lahat na.


Playful DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon