Capítulo Veintiseis

23 0 0
                                    

A/N: All chapters will be published by the end of the month. Enjoy readinggg hngg! 👉👈


Niccolaio's POV


"Bye papi! Baby Mami! Ingat sa byaheeee!"


Napailing nalang ako sa pinagsasabi ng mga unggoy na to. Tinawag pang Mami si Taine tsk.


"sige na umuwi na kayo, deretso uwi ah. Baka kung saan na naman kayo magpunta. Puro kayo kalokohan eh." pagtataboy ko sa mga ito. "at wag niyo ngang tawaging 'mami' si Taine. Sa ganda ng girlfriend ko, napakaimposibleng maging anak niya kayo."


Agad naman akong sinamaan ng tingin ng mga unggoy.


"Grabe yon paps para mo ng niyurakan ang puso namin don paps!" madamdaming sabi ni Lews


"Nagkagerlpren ka lang paps di mo na kami lab wag gayon paps! Kami pamilya mo paps, mga anak mo kami paps." kunwari ay iyak ni Zach


"Pumili ka Papi! Kami o si Tia?" Pinandilatan pa ako netong si Thirdy


"Si Taine." mabilis na sagot ko at tinalikuran na sila para sumakay sa sasakyan.


Pagkasakay ko sa driver's seat biglang suminghap si Taine kaya napatingin ako dito.


"Why love?"


"ala, kinick ka nila sa gc niyo." nanlalaki ang mata na sabi ni Taine.


Naglalaro kasi ito gamit ang cellphone ko.


Napailing na lang ako. Bahala sila, iaadd din naman ako ng mga yon. Puro lang talaga kalokohan mga unggoy na yon.


"Its okay, iaadd din naman ako ng mga yon. Nagtatampo lang." i smirked


"Bakit? nagkamisunderstanding kayo?" kuryosong tanong ni Taine


"Nagdradrama lang mga yon, nagpapalambing." natatawang sabi ko


Napatawa na lang din si Taine. Alam naming pareho na inaatake lang ng kabaliwan ang mga unggoy na yon.


Habang nagdadrive ay nagkwekwento si Taine tungkol sa mga batang nakasama niya kanina. She looks happy to have some time with them, gusto na nga daw nito agad bumalik kaso syempre gabi na din at kailangan na matulog ng mga bata at ng mga elders. Still, we had fun.


Pagkadating kena Taine ay hindi na rin ako nagtagal, nagpaalam lang ako kena Tita at Tito at dumeretso na din ng uwi. I decided to stay kena Mommy.


"Hi mom." i kissed her cheek


"Oh anak, kumain kana ba?" agad na tanong nito


"yes mom. Dito muna ako matutulog." paalam ko


"Nasa entertainment room ang mga kapatid mo, go and join them."


Umakyat naman na ako sa 2nd floor kung nasaan ang guest rooms, library, private office at entertainment room namin.


"oh you're here. Si ate Tia?" bungad ni Guils pagkapasok ko


"Wala man lang hello kuya? kamusta ka kuya ganon."


"edi hello kuya? kamusta ka kuya? Maayos ba ang tulog mo lagi kuya? Masarap ba ang ulam mo everyday kuya?" sarkastikong anas nito


Di ko na lang ito pinansin at umupo na sa tabi ni Niccolo na tahimik lang na kumakain.


"Anong papanoorin natin?" I asked Niccolo


Playful DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon