Capítulo Veintiuno

27 0 0
                                    

Niccolaio's POV


"Good morning Taine. I'm off to work."


I texted Taine habang palabas ako ng bahay. Today is already December 22. 3 days to go before Christmas.


Papunta akong resto ngayon dahil may a
reservation na nakanote ngayong araw. Si Taine naman ay maagang umalis, magkakasama silang lahat nina Tito dahil bibisita ang mga ito sa mga relatives na malapit.


Bago ko paandarin ang sasakyan, tiningnan ko muna kung nagreply na si Taine. Wala pang reply, nakarating na siguro ang mga ito.


Pagkadating ko sa resto ay nandon na ang mga empleyado kaya kumilos na kaming lahat. Our first reservation is for brunch. Good news nga dahil last reservation na namin to. Ibig sabihin pagkatapos ngayong araw, ang balik na namin ay sa 24 para sa Delivery and Pick Up na lang.


"Boss kayo na ba ni Miss Tia?" usisa ng isa sa mga kasama kong magluto si David.


"Ayiieee sana all boss." sabi ni Emman


"Pashare naman ng tips jan Boss. Ayaw akong pansinin nung crush ko eh." biro ng pinakabata samin na si Erwin.


"Wala na yun boy di ka nun gusto hanap ka na lang ng iba dami dami jan eh." pangaasar naman ni Vent, hanep sa dami ng chix to.


"Boss oh bad influence."


Patuloy lang silang nagasaran don hanggang sa nabalik ulit sakin ang usapan.


"Pero seryoso boss kayo na ni Miss Tia?"


"Hindi pa. Hindi rin naman ako nagmamadali."


"Sabagay, mas okay siguro na kilalanin niyo muna ang isa't isa bago kayo pumasok sa isang relasyon. Diba boss?" Sabi ni Emman


"yup. Kaya kailangan maging mahaba ang pasensya mo sa taong liligawan mo. At maging totoo ka sa ipapakita mong ugali mo. Di pwedeng mabait ka lang dahil nanliligaw ka palang tapos manggagago kana kapag kayo na. Ekis yon. Dapat consistent."


"Tama! Tsaka dapat isa lang ang liligawan hindi madami." biglang sabi ni Erwin at tiningnan si Vent.


"Oy oy oy. Wag kang judgerism totoy. Good boy to."


"Good boy sa trabaho, pero bad boy pagdating sa babae." pangaasar ko.


"Boss walang laglagan, secret natin yon." tawa tawang biro pa nito.


Nagpatuloy lang ang pagaasaran namin don lahat habang nagtratrabaho. Eto ang gusto ko pag matagal mo ng nakakasama ang mga empleyado mo. Pwede kayong magbiruan at magasaran habang nasa trabaho.


I always let them feel and know that they are my family, that they are part of my family. I want them to be comfortable and feel at ease while working. Hindi biro ang magtrabaho sa resto pero pag ang mga kasama mo ay mapagkakatiwalaan mo at tinuturing monh pamilya, yung hirap nalalampasan dahil sa saya.


3:45pm nung matapos ang last reservation ng customer. Naglinis na kami at nagusap usap kung anong oras magkikita kita para sa 24. Umuwi na din ang mga ito pagkatapos. Ako naman ay umakyat muna sa opisina ko para magpahinga.


I reached for my phone inside my pocket. Nakasilent kasi ito sa tuwing nasa trabaho ako kaya di ko alam kung may mga tumawag or nagtext ba.


8 New Messages from Taine👑


'Goodmorning chef. Ingat sa work. Make sure to eat your meals.'

Playful DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon