SIMULA

11 11 0
                                    


SIMULA

Nang matapos ko ang kanta nagpalakpakan ang lahat. Bumalik sa pagkaka-upo sila Hanna. Nagaalala naman akong tiningnan ni kuya. Alam kong namumutla na ako ngayon. Nagpaalam ako sakanilang magbabanyo lang.

Nang makarating ako roon ay naglagay ako kaagad ng lipstick sa labi ko. Kinapalan ko iyon at nag pahid rin ng make up. Nagmumuka na akong maputla na kahit ang make up ay wala ng talab saakin. Akmang aayusin ko ang buhok ko ng biglang malagas ito.

"B-bakit ngayon pa" pumasok ako sa isang cubicle at niflash ang buhok na nalagas saakin.

Nang maramdaman kong may pumasok ng banyo ay inayos ko kaagad ang sarili ko. Nang makita kong si Aira iyon ay hindi ko pinansin. Hindi ko na ginalaw ang buhok dahil baka may malagas ulit. Kaso lang ay biglang hinablot ni Aira ito.

Napaatras ako nang makita ang kumpol na buhok ko sa kamay niya. Maski siya ay nagulat sa nangyare. Natigilan naman ako ng isarado niya ang pintuan ng Cr.

"A-anong nangyare?" tanong niya saakin

"P-please w-wag mong s-sasabihin sakanila" halos lumuhod ako sa harap niya

"B-bakit nalagas t-to?" hinawakan niya ako sa balikat at sinubukang itayo.

Hindi ko naman inaasahang iaangat niya ang dress na suot ko. nakita niya ang mga pasa ko sa binti at hita. Napaatras siya at umiiling hindi ko napigil ang sarili ko sa pag-iyak.

"G-gusto kong u-umalis rito ng w-walang nakakaalam" nilapitan ko siya at hinawakan sa kamay

"I-ingatan mo si L-lucas ipapaubayan ko s-siya sayo"

"Pwede mo n-namang sabihin sakaniya" aniya saakin

"H-hindi sigurado kung gagaling ako"

Matapos ang pag-uusap namin ni Aira nayon ay dumaan ako sa likod. Tinext ko si Kuya at nagpaalam ng uuwi sa bahay. Bukas pa ang alis ko pero mas pinili ko ng umuwi ngayon.

Hindi na ako nagpaalam kay Hanna maski siya ay walang alam sa pag alis ko ngayong gabi. Pag dating ko sa bahay ay naghihintay na kaagad saakin si Mang Elmer na maghahatid saakin sa manila. Nilapitan ko muna sila lola at lolo, yumakap ako ng mahigpit at pinigilan ang aking sarili sa pag iyak. Ayokong malungkot sila at isipin ang kalagayan ko ngayon. Makakasama para sakanilang mamoblema.

"Iha mag iingat ka roon mag pagaling ka ha bumalik ka rito kapag maayos na ang lagay mo" sabi saakin ni Lola habang hawak ang kamay ko

"Hindi namin gagalawin ang silid mo, ikaw lang ang nag mamay-ari non kaya magpagaling ka" si Lolo

"Babalik ako asahan niyo, Mag-iingat rin kayo rito Lo Bye!" kumaway ako sakanila bago tuluyang makalabas ng Village.

Ipinilig ko ang aking ulo sa bintana ng kotse. Babalik ako San Isidro at babawiin ko kung ano man ang saakin. Pinanuod ko ang paglabas namin sa probinsya. Pinahid ko ang ilang takas na luha saaking mata.

Ilang oras pa ang naging byahe namin patungong manila. Doon ay hinihintay ako ni Mommy sa Airport. Siya ang kasama kong pupunta sa ibang bansa at mag aalaga saakin. Si daddy naman ang maiiwan rito upang asikasuhin ang negosyo.

"Magiging maayos rin ang lahat anak" wika saakin ni Mommy habang hinahaplos ang aking buhok.

Tinanguan ko lamang siya at ngumiti ng pilit. Ayokong nakikita nilang mahina ako dahil alam kong saakin lang din sila kumukuha ng lakas. Nagboarding na ang eroplanong papunta sa America, sumakay na kame ni Mommy naupo ako sa tabi ng bintana.

Sisiguraduhin kong gagaling ako at makakabalik rito. 

My Sweetest Memoir (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon