KABANATA 6
Pagkatapos kong magbihis bumaba ako kaagad para kumain. Hindi naman matigil ang pang-aasar saakin ni Kuya. Hanggang sa pumasok ako sa kwarto ay inaasar niya parin ako. Napatingin ako sa bintana ng kwarto ko. Kung matagal na siyang andoon kanina ay tyak na nakita niya ang ginawa ko.
Malaki ang bintana ng kwarto ko para itong pintuan na sliding. May maliit kasing veranda sa labas nito. Tambayan ko tuwing walang magawa. Dito ako madalas mag basa ng mga pocket book ko. Dahan dahan ako lumapit rito at ibinukas ang kurtina. Nakita ko siya kaagad dahil sa pagtayo niya.
Itinaas niya ang cellphone niya at sinenyasan na icheck ko yung cellphone ko. Tumakbo naman ako para kunin iyon.
Unknown Number:
Lucas to. Sagutin mo.
Ilang sandal pa ay tumawag na siya.
"Why?" tanong ko
"Kinuha ko kay Hanna ang number mo"
"Okay"
"Busy ka o matutulog na? papatayin ko naba?" bakas sa tono ng boses niyang nalungkot siya. Lumabas ako sa Veranda at tinitigan ko siya. NakaBoxers lang shet! Sarap este sakit sa mata!
"Hindi pa" sagot ko. Mula sa malayo ay nakita ko siyang nangiti.
Nagtagal ng isang oras ang pag uusap namin. Hanggang sa magpaalam na akong matutulog na. Sa halip na patayin ko ang tawag ay sinabihan niya akong huwag na. Nagrequest pa ito ng Video call ng malaman niyang matutulog na ako. Ang sabi niya'y hayaan ko lang itong nakabukas papanuorin niya akong natutulog.
Pumayag naman ako sa gusto niya pumikit ako at bahagyang tinabunan ng unan ang kalahati ng aking muka. Nakarecord ang tawag naming dalawa ngayon. Kung sakaling makakatulog man ako ay mapapanuod ko bukas kung anong ginagawa o sinasabe niya. Kanina lang ay masama ang loob ko. Pero dahil sa ginawa niya ay napawi ito. Ito ang gusto ko sakaniya hindi niya hinahayaang hindi kame mag kayos tuwing maghihiwalay kame. Gumagawa siya ng paraan para maging maayos kame kahit wala pang kame talaga!
Kinabukasan nauna pa akong nagising sa alarm clock ko. Naligo muna ako habang nakacharge ang cellphone ko. Hindi parin namamatay ang tawag kaya nakita ko siyang natutulog parin. Pagkatapos kong maligo nagbihis ako kaagad at hinarap ang cellphone ko.
Matagal ko siyang tinitigan bago siya nagising. Nakangiti kaagad ito saaking habang pupungas pungas ang mata. Humikab pa ito bago inayos ang camera niya.
"Goodmorning baby" para akong nauutot bigla sa sinabe niya ERRR BABY!
"G-goodmorning" bati ko sakaniya
"Gagayak lang ako. Eat your breakfast papatayin kona magkakasama narin naman tayo mamaya" sabi nito at kumindat saakin
"Ang aga-aga nag lalandi ka" natatawa kong sabi sakaniya
"Maglalandi ako kahit anong oras sayo lang naman e" sabi niya tsaka ngumuso
"Muka kang suso sege na bababa na ako"
"Gwapong suso!" sabi niya saakin bago ko pinatay ang tawag
Ngingiti ngiti akong lumabas sa kwarto. Nagulat naman ako dahil ang muka kaagad ng pinsan ko ang bumungad saakin.
"Manunuod ba kayo ni Hanna mamaya?" tanong niya saakin at inagaw ang bag ko
"Depende may practice ako mamaya e mas maaga" sagot ko sabay kaming naglakad pababa sa dining area
"Hindi mo susuportahan si Lucas?" PALUSOT.COM
"Maglalaro ba siya kasama rin siya sa practice mamaya" sagot ko
"Kaya pala nagpapalit siya kay Jomar sa first five" nilapag niya sa bakanteng upuan ang bag namin. Maya maya pa'y dumating narin sila Lola at kumain na kame.
"Kailan ang sayaw niyo Les?" tanong sakin ni Lola habang kumakain
"Next week La sa lunes po" sagot ko habang kumakain
"Hanggang kailan ka gagabihing umuwi kung ganon?"
"Baka hanggang sa biyernes La kasi sa sabado at lingo ay maaga ang practice namin" sagot ko
"Si Lucas ho ang maghahatid sakaniya La parehas silang nasa Dance troop" singit ni kuya
"Lucas iyon bang anak ni Albert?" tanong naman ni Lolo
"Opo Lo" sagot ko
"Sabihin mo gusto ko siyang makausap mamaya Alessia" si Lolo
"Sege po" napatingin naman ako kay kuya dahil bigla itong nagsign of the cross
Hindi ko nalang siya pinansin at binilisan ko ng kumain. Nang makasakay kame sa kotse tinext ko kaagad si Lucas. Ayokong si Kuya pa ang mag sabi sakaniya baka mamaya ay takutin niya pa ito.
Ako:
Gusto ka raw makausap ni Lolo mamaya pag hinatid mo ako pauwi.
Ilang saglit lang ay nag reply ito kaagad.
Lucas:
Okay. Andito ako sa gate hinihintay ka kasama ko si Hanna.
Napadungaw naman ako kaagad sa labas ng bintana ng huminti ang kotse. Agad akong lumabas at nagpunta sa gate. Hindi ko pinansin si kuya na nagrereklamo dahil iniwan ko. lumapit ako kaagad kay Hanna. Pero hinila nanaman ni Lucas ang bag ko at hinatak ako papalapit sakaniya.
"Sakin ka dapat unang lalapit" bulong nito
"Kanina pa mali kagabi pa tayo mag kausap ayokong mag saw aka sakin" sagot ko naman sakaniya akmang lalapit ulit kay hanna pero hinigpitan niya ang hawak sa bag ko. Nang makarating si Kuya sa pwesto namin umalis kaagad sila ni Hanna.
Sumunod naman kame ni Lucas. Sukbit niya ngayon ang bag ko habang hawak ang kamay ko. Hindi pa kame pero ganito na siya saakin. Sa tingin ko ay masasanay ako sakaniya at kapag nagbago siya malulungkot ako ng sobra. Nang makarating kame sa labas ng room ay inabot niya saakin ang Bag.
"Pasok na" nginuso niya ang pintuan
"Sabihan mo ang mga babae mo na tigilan ako" bilin ko sakaniya bago pumasok sa loob ng room. Naabutan ko naman si Hanna doon na ngingisi ngising nakaharap sa Cellphone.
Lucas:
Ikaw lang ang babae ko.
BINABASA MO ANG
My Sweetest Memoir (COMPLETED)
RomanceAng pagmamahal ni Alessia Adriana Adolfo para kay Lucas Gallien ay higit pa sa inaasahan nito. Kaya nang malaman niya ang sakit na wala siyang kasiguraduhan kung gagaling pa siya ay iniwan niya ito. Para kay Alessia hindi niya kakayaning masaktan si...