KABANATA 26

4 5 0
                                    


KABANATA 26

Pagkatapos kong kumain naghalf bath muna ako bago nahiga. Sabay kaming kumain ni Bambi kanina buti nalang may nailagay si Kuya na dog food sa maleta ko. Nakahiga ako ngayon at nakatulala sa T.v.

Nanunuod ako ng Adventure time. Palabas ito sa Cartoon network kung saan ang bida ay isang batang lalake at nagsasalitang aso. Simula bata ako sinusubaybayan kona ang palabas na ito. Maski sa Ospital ay pinapanuod ko ito.

Kung minsan naman ay nagbabasa ako ng libro. Mahilig ako sa pocket books. Gaya ng mga gawa nila Martha Cecilia, Serendipity, Camilla at kung sino sino writer na under ng publishing company nila Mommy.

Nahilig rin ako sa pagbabasa sa wattpad. Naging takas ko naman sa reyaledad ito nang panahong ibinalita saakin ni Kieko na may anak naraw si Lucas. Sa mga kwento na gawa ni Jonaxx kahit ilang taong magkalayo ang bida ay nagiging sila parin sa huli.

Nabigyan ako ng pag-asa dahil don. Pero ngayon naisip kong baka hindi kame ganon ni Lucas. Baka magaya kame ni Lucas sa kwento ni Marem at Achilles. Baka kahit andito ako ay hindi niya rin ako piliin?

Kung ganoon ang mangyayare saaming dalawa hindi ko matitiis na magkatuluyan ang magiging anak namin! Hindi ko matatanggap na buti pa yung anak ko magiging Gallien at ako ay hindi!

Napakagat nalang ako sa labi ko nang marealise ang nasa isip ko.

"Hays Lucas" buntong hininga ko at umiling iling. Kinuha ko ang bote nang tubig sa bed side ko. Umiinom na ako nang tubig nang magulat ako sa nasa harap ko.

"S-Shit!"

Naibuga ko ang tubig na iniinom ko nang magulat! Seryosong muka ni Lucas ang bumungad saakin habang may dalang tray ng pagkain. Nasamid pa ako dahil sa nangyare. Taranta naman siyang inilapag ang pagkain sa lamesa at inaluhan ako.

"H-Hey okay k-ka lang?" nagaalalang tanong niya saakin

"A-Ano bang ginagawa m-mo rito?"

"Obviously, naghatid ako ng pagkain mo" tinuro niya ang tray ng pagkain

"Kumain na ako." Tipid na sagot ko at inalis ang pagkakahawak niya saakin

"Hindi pa. Dahil umalis ka naman kanina. Kumain kana." Aniya at tumayo. Inabot niya saakin ang tray.

"Busog na ako." Umiling ako at nahiga

"Personal Doctor ako ni Shanika. Nakilala ko siya dahil inerekomenda ako ng family doctor nila. Boyfriend niya si Zack Wuta. Isa sa mga kaibigan ko."

Nagtalukbong pa ako ng kumot para lang maisip niyang hindi ako interesado sa sinasabe niya. Wala akong pakeelam kung ano ang ugnayan nila ng babaeng iyon! Kahit ba magsama pa sila sa iisang kwarto!

Alam kong may needs ang mga lalake! Nakatikim na siya dati! Imposibleng hindi niya ginagawa iyon sa mga babaeng nakikilala niya sa nagdaang taon!

"Kumain kana. May vitamins kang iinumin. Ilalagay ko nalang ito rito. Please"

Naramdaman ko ang yabag niya at ang pagsarado ng pinto. Nang magsarado ito ay agad akong bumangon para sundan siya. Nakalagay na ang upuan na iniharang ko kanina sa dati nitong lugar.

Napabuntong hininga akong bumalik sa kama at tinitigan ang pagkaing nasa tray. Nakita ko namang may Note ito. Kinuha ko agad ito at binasa.

I know you. I was just teasing you kanina. Don't worry. Lucas Gallien is not my type of man. Eatwell. I made this for you. I won't say sorry even if my word hurt you kanina. It will hurt my ego too.

Ps.This dish is Chicken Tikka Masala. Hope you'll likeit.

-Shanika Kenturah

Napatingin naman ako sa isang mangkok nang kanin at nang niluto niya sa tray. May tubig narin itong kasama at ice cream.

Gusto ko sanang isnobbin ang niluto niya. Pero mukang masarap ito. Mahilig ako sa masarsang pagkain.

"Hindi ko naman ikamamatay kung titikman ko." kinuha ko ang kutsara at tumikhim.

"Ang sarap! Hindi naman ako papanget kung kakain ko to"

Kinuha ko ang tinidor at naupo ako sa lapag. Nilantakan ko ang pagkaing nasa tray na may malaking ngiti sa muka. Hindi ko inaasahan na masarap siyang magluto! Kunsabagay hindi ko rin naman inaasahan na ipagluto niya ako.

Pagkatapos kong kumain napagpasyahankong ibaba nalang ang pinagkainan ko. Siguro naman ay tulog na sila. Tama nga ang hinala ko. Wala nang tao sa baba nang magising ako.

Hinugasahan ko ang pinagkainan ko at kumuha ng tubig sa ref. Habang umiinom ako napatingin ako sa kabilang side ng kitchen nila. May isang shelf roon ng alak. May lamesa at high chair rin.

Muntik ko nang maibagsak ang basong pinag-iinuman ko nang makita si Shanika na naka-upo roon. Tinungga niya ang laman ng baso niya habang nakatingin saakin. Nagmamadali naman akong uminom at tinalikuran siya.

"Come here" aniya saakin

Huminga ako ng malalim at humarap sakaniya. Naglakad ako papunta sakaniya at kinuha ang basong inabot niya saakin. Umiinom rin naman ako ng alak ang kaso nga lang yung mild lang ang tama.

"Nabusog ka?" tanong niya saakin

"O-Oo salamat" tumango lang siya at nagsalin ulit ng alak sa baso niya

Sinubukan ko namang inumin ang alak na ibinigay niya saakin. Halos masamid naman ako dahil napaka tapang nito. Naubo pa ako at tumalikod sakaniya. Narinig ko naman siyang natawa at tinapik ang likod ko.

"Kung hindi ka umiinom ay ayos lang" aniya

"U-Umiinom naman k-kaso ay wine l-lang" inuubo pa ako ng sagutin ko siya. Nakangiti naman itong tumango saakin.

"Lumabas si Lucas para sunduin si Zack. Kung magpapahinga kana ay ayos lang rin"

"Sasamahan kita. Hindi rin naman ako makatulog."

"Ilang beses kanang naikwento saakin ni Lucas. Nagkabalikan naba kayo?"

Umiling ako at tinaasan niya ako ng kilay.

"Buti pumayag kang makasama siya ngayon"

"Wala naman akong choice."

"Tumatanda na si Lucas. Magbalikan na kayo. Gusto kong pumunta sa kasal niyo."

"Hindi tayo sigurado kung ako pa ang mahal niya" sagot ko sakaniya

"Hindi nagbago, Kung iyan ang gusto mong malaman" napalingon ako kaagad sa pintuan.

My Sweetest Memoir (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon