KABANATA 8
NAPAATRAS ako sa gulat dahil sa paghalik niyang iyon. Tumingin naman ako sa paligid upang tingnan baka may nakakita saamin. Laking pasasalamat ko nalang nang makitang nakatalikod saamin ang mga kaibigan nila. Sa malayo ay natanawan ko si Kuya na nakaalalay kay Hanna. Bumalik ang tingin ko sakaniya, nakataas ang kilay nito saakin habang inaayos ang pagkain.
"Kumain na tayo malapit ng mag time" inabot niya saakin ang plastik na kutsara at tinidor
Habang kumakain kaming dalawa ay nakatitig siya saakin. Pasimple ko naman siyang tinitingnan tuwing lilingon ito sa iba. Pagkatapos kumain siya parin ang nagligpit nito at itinapot sa malapit na basurahan. Kinalkal niya ang bag niya tsaka ako inabutan ng Mountain Jew.
"May practice mamaya susunduin kita sa room niyo" sabi niya saakin bago niya kame ihatid sa room. Pagkapasok ay hinagilap ng mata ko sila Joana ngunit wala ang mga ito. Masyado siyang obsessed kay Lucas kawawalng nilalang.
"Okay ka naba?" tanong k okay Hanna habang naghihintay kame ng subject teacher
"Ayos na buti nalang andon ka" nginitian niya ako at nagthumbs up
"Kasalanan ko naman nadamay kalang" mapait akong ngumiti sakaniya
Tinapik naman niya ang balikat ko at umiling.
"Gaga! Masyado lang silang baliw" natatawa niyang sambit.
Nagkwentuhan pa kame habang hindi pa dumarating ang teacher. Sabi niya ay simula paman noon ganoon na karami ang nagkakagusto kay Lucas. Dahil bukod sa Varsity player siya ng school ay kasama rin siya sa Dance troop ng school. Kaya naman hindi na ako nagtaka kung bakit marami ang nakakakilala rito.
Pagkatapos ng klase namin sinundo nga ako ni Lucas at sabay kaming nagpunta sa extention ng Gym. Gaya ng dati ay hihintayin niya akong makapagbihis kasunod siya naman. Nang magdatingan ang ilan sa kagroup namin nagsimula na kaming magpractice.
Tatlong sayaw ang inihanda namin. Ang una ay para sa mga Freshmens na gaya ko, ang ikalawa ay mga seniors ang sasayaw. Pinag-iisipan pa nila kung sino ang mag du-duo sa huling performance. Nagpipilian pa ang mga seniors nang bigla akong lapitan ni Lucas.
"Nakapagperform kanaba dati ng may partner?" tanong niya saakin
"Oo" napalingon ako sa ibang seniors ng sumenyas siya rito
Lumapit sila saamin at tinipon ang lahat ng kagroupo namin. Sinenyasan naman ako ni Lucas na babalik na siya roon. Humalo naman ako sa mga babaeng kagroupo namin. Noong una ay nahihiya akong kausapin sila. Pero sila rin mismo ang lumapit saakin at nakipagkaibigan. Tinapik ko ang balikat ni Yanna at tumabi sakaniya.
"Tingin mo magpapa-audition pa sila para sa duo?" tanong niya saakin sabay turo sa mga seniors
"Magagahol ng oras kapag ginawa nila iyon"
"Kunsabagay sa tingin ko nga ay may napili na sila"
Tumingin naman ako sa harap namin nang kunin nila ang atensyon namin. Nakita ko naman si Lucas na kinakausap ng adviser na naghahawak saamin. Tumatango tango lang ito sa mga sinasabe ng baklang teacher na kausap niya. Nang matapos silang mag-usap ay naabutan niya pang nakatingin ako sakaniya.
Kinindatan naman niya ako at nagFinger heart. Inirapan ko lang siya dahil sa pagka-irita. Pati ba naman bakla! Habulin siya! Tinuon ko ang atensyon k okay Kuya Robby na nagsasalita sa harap namin. ipinapaliwanag nito ang magiging set-up namin sa Lunes. At kung anong oras ang ensayo namin sa sabado at lingo.
Napansin kong lumapit siya kay Kuya Robby dahilan para mapatitig sila saakin. Umayos naman ako ng upo at bahagyang napayuko.
Ano naman kayang binulong ng kumag nayon!
"Right guys bago ako magdismiss! Ang magpartner sa Duo at si Alessia at Lucas. Kita-kita nalang tayo sa Sabado para sa practice! Pack up na! ingat sa pag-uwi!" pagkatalikod ni Kuya Robby nilapitan ako ni Lucas bitbit ang gamit ko.
"Kaya pala tinanong moko" sabi ko sakaniya kinindatan lang niya ako. Kasabay naming umuwi ang ilan sa mga kagroupo namin pero humiwalay kame ng Tricycle.
"Mas okay nang ako ang partner mo kaysa ipares ka sabi" bulong niya saakin
"Seloso" natatawang sabi ko sakaniya. Masama niya akong tinitigan nahinto naman ako sa pagtawa ng ilapit niyang muli ang muka niya saakin. Natakip na ako ng labi inadvance natawa naman siya at bumalik sa ayos.
"Takot ka naman pala e" pang-aasar niya saakin
"Nakakarami kana e!" hinampas ko siya sa pagitan ng pagtawa niya
"Isa panga lang yon! Dagdagan koba?" tanong niya saakin at lumapit "Pero pag naulit payon baka mabuntis na kita" bulong niya saakin
Nasa taenga ko ngayon ang labi niya. Kaunting galaw kolang tyak na mahahalikan niya ako. May kung ano naman saakin na parang ayos lang! Nagtatalo ang mga demonyo ngayon sa isip ko dahil sa sobrang lapit niya saakin!
"Hindi naman ako nagmamadali. Take your time to grow" dagdag niya at hinalikan ako sa pisngi
Natauhan nalang ako nang bumaba siya at tinapik ako. Nasa tapat na kame ng bahay ngyon. Gusto siyang kausapin ni Lolo sa hindi ko alam na dahilan. Sabay kaming pumasok sa bahay bitbit niya parin ang gamit ko. Habang ako naman ay hindi mapakali. Naabutan namin sa sala sila lola kasama si Hanna at Kuya. Halatang nagkakatuwaan ang mga ito ng dumating kame.
"Magpalit ka muna sa taas Les bas aka ng pawis. Iho mag usap tayo." Si Lolo sinundan ko naman sila ng tingin ni Lucas nang lumabas pa ang dalawa. Umakyat ako kaagad sa kwarto at namili ng damit.
Pumasok ako ng banyo at naghalf bath bago bumama. Pagkababa ko ay naabutan ko silang nasa hapag na. Naupo ako sa bakanteng upuan sa tabi ni Lucas. Nagsimula na kaming kumain pag karating ko.
Si Lola ayos lang sakaniya kung magkakaroon kame ng boyfriend o girlfriend basta ang mahalaga sakaniya ay hindi ito makasagabal saamin. Si lolo naman ay masyadong conservative at tradisyonal. Ayaw niyang magkaroon pa kame ng romantic relationship habang nag-aaral pa kame. At gusto nito nang kung may manliligaw man sa mga apo niyang babae ay mauuna silang ligawan nito.
Pati rin sa pananamit ay ayaw niyang nagsusuot kame ng maiiksi. Kaya nasanay akong kapag andito ako kung hindi dress o palda ang suot ko ay may kahabaan na short. Noong una pati ang pakikipaglaro ko kay Hanna sa labas ayaw niya ngunit ng kalaunan ay pumayag narin siya dahil hindi naman kame lumalayo.
Si lolo rin yung tipong ayaw niyang hindi kame sumasabay sa pagkain. Strikto siya pag dating sa amin na mga apo niya. Minsan narin niya kaming napapagalitan pero iyon naman ay dahil may kasalanan kame. Pagkatapos naming kumain saglit pang nag-usap usap nagpaalam narin sila Lucas saamin. Hinatid naman namin sila ni Kuya sa gate. Nag-uusap si Kuya at Hanna ng hilahin niya ako at yakapin.
"Tinakot ako ng Lolo mo" hinalikan niya ako sa ulo ko "Pero ayos lang pumayag naman siyang ligawan kita" hinigpitan niya ang yakap saakin bago nagpaalam.
BINABASA MO ANG
My Sweetest Memoir (COMPLETED)
RomanceAng pagmamahal ni Alessia Adriana Adolfo para kay Lucas Gallien ay higit pa sa inaasahan nito. Kaya nang malaman niya ang sakit na wala siyang kasiguraduhan kung gagaling pa siya ay iniwan niya ito. Para kay Alessia hindi niya kakayaning masaktan si...