KABANATA 25
Hindi parin ako makapaniwala sa ginawa saakin nang pinsan ko!
Nakatulala ako ngayon habang nakahiga sa kama. Nasa paanan ko naman si Bambi. Nang pumasok ako sa guest room nila kanina nakasunod siya saakin. Siguro'y naramdaman niya ang frustration ko habang kasama si Lucas.
"Bambi saan mo gusto? Dito o sa America?"
Kumahol naman siya ng dalawang beses at sumampa saakin. Hinagod ko ang balahibo niya. Nawawala lahat ng iniisip ko tuwing katabi ko si Bambi. Pakiramdam ko nga inaabsorb niya lahat ng negative energy sa katawan ko.
Simula nang pumasok ako rito sa kwarto kanina ay hindi niya pa ako kinakatok. Mas okay narin yung ganon. Dahil hindi ko matiis na makita siya.
"Bambi kung sasabihin ko ba sakaniya ang dahilan kung bakit ako umalis non. Tingin mo mapapatawad niya ba ako?"
Kumahol ulit siya ng dalawang beses at dinilaan ako sa muka. Siguro ay sumasangayon siya sa sinabe ko. Pero kung sasabihin ko naman sakaniya anong mapapala ko? Sa nagdaang taon ni wala akong alam tungkol sa naging buhay niya.
Ni hindi ko sigurado kung mahal niya pa ako?
Pero kung iisipin ay hindi naman niya gagawin yung kanina kung wala na? Pero baka binibigyan ko lang ng malisya ang ga yon?
Napabuntong hininga ako dahil sa iniisip ko. Kinuha ko mula sa una ang cellphone ko at tiningnan ang oras. Tumataginting na alas otso ang nakita ko. Naiiling akong tumayo mula sa pagkakahiga.
"Kaya pala nagugutom nako. Bambi tara na"
Lumabas ako nang kwarto at bumaba. Nag-iisip ako kung kakatukin ko si Lucas mula sa kabilang kwarto nang madatnan ko ito sa sala. May kasama siyang babae. At mukang pinapagalitan niya ito.
Dali dali akong tumakbo sa likod ng malaking vase para hindi nila makita.
Gusto kong malaman kung ano ang pinag-uusapan nila. Mukang malapit siya sa babaeng kasama niya ngayon. Baka Girlfriend niya? Pero bakit ganon? Hindi ko alam na mahilig pala siya sa babaeng basagulera?
Tinitigan ko ang babaeng nasa harap niya ngayon.
Maganda ito maputi at katamtaman lang ang katawan. Nakasando ito nang itim dahil ginagamot siya ni Lucas sa braso at muka niya. Tingin ko ay napaaway ang babaeng to kung saan.
"Hindi porket wala akong pakiramdam ay panggigigilan mo na yang sugat ko Gallien" sigaw nito nang idampi ni Lucas ang bulak sa sugat nang babae
"Huwag kang mag-reklamo Shanika." Si Lucas na mukang seryosong seryoso sa ginagawa niya
"Kung bakit ba naman kasi tatanga tanga si Wuta!"
"Ano ba kasing nangyare kay Zack?"
"Sinabihan ko na siyang lubayan niya ako! Pero sinundan niya ako paglabas kanina. Nang makita siya nila Jiro nasa loob na siya ng Hotel."
"Tapos anong nangyare?"
"Hindi namin alam na may sniper sila. Alam kong minamanmanan ako. Siguro nalaman nila ang ugnayan namin ng kaibigan mong si Zack Wuta! Kaya siya ang pinuntirya!"
"Tigilan mona kasi ang bagay nayan Shan. Kahit minsan ay sumuway ka naman sa ama mo."
"Tingin mo naman ay mas pagpipilian ako. Ako lang ang nag-iisang anak niya. At kagaya niya ako. Walang ibang makakagawa nang mga bagay na nagagawa ko"
"Pero high school ka palang! For pete sake! Napaka bata mo pa!"
"Walang edad-edad sa Am—Sino ka!" deretcho itong nakatingin saakin.
Nagulat naman ako kaya napa-upo ako sa sahig. Agad itong sumugod saakin at nilapitan ako. Napapikit naman ako nang umamba siya. Hinihintay ko ang malakas na sampal pero wala akong naramdaman.
"Dumilat ka. Hindi ako nananakit." Aniya kaya nagmulat ako nang mata
Nakahawak siya ngayon sa vase na katabi ko. Inayos niya ito ng tayo bago ako binalingan. Nalunok ko ang sariling laway ko nang magtagpo ang mata namin. Inilahad niya saakin ang kamay niya. Nagdadalawang isip pa ako kung kukunin ko ba ito.
"Nangangawit ako." Walang emosyon niyang sabi kaya kinuha koi to kaagad.
"T-Thank you" sabi ko nang makatayo na ako
Bumalik siya sa inuupuan niya kita. Babalik na sana ako sa itaas nang tawagin ako ni Lucas. Wala naman akong nagawa kundi ang maupo sa tabi nila. Habang pinapanuod ko ang paggagamot ni Lucas sa sugat niya, pakiramdam ko'y ako ang nasasaktan.
Malalim ang suugat sa tingin ko'y galing ito sa matalim na bagay. Hindi na sila nag-usap nang tumabi ako. Wala narin naman na akong balak magtanong.
Kung ano man ang ugnayan nila ay dapat wala na akong pake-elam.
Nang tumayo si Lucas dala dala ang mga gamit niya tiningnan ako nung babae. Nahihiya naman akong napayuko. Sa totoo lang nakakaintiminade ang tingin niya. Walang kaemosyon emosyon.
Kaya hindi ko alam kung anong iniisip niya saakin.
"Ilang taon kana" aniya habang nakatingin saakin
"2-23"
"Mas matanda ka pa saakin. Pero kung umasta ka parang mas bat aka. 17 palang ako"
Nagulat naman ako sa sinabe niya. Hindi ko inaasahan na mas bata pala ito saakin. Masyadong mature ang itsura niya. Kahit nang sabihin ni Lucas na high school palang siya medyo hindi ako naniwala.
"Shanika Kenturah. Ikaw si Alessia Adriana hindi ba"
"O-Oo. Pano mo nalaman ang pangalan ko?" taking tanong ko
"Christian Adolfo says Lucas is with Alessia Adriana. I assumed na ikaw yon" kilala niya si Kuya? Tumango tango na lang ako sakaniya. Tinaas naman niya ang kilay niya.
"Aren't you curious about our relationship? I mean Lucas?" gusto ko sanang magtaray kaso baka lang girlfriend niya talaga ito. Ayokong mapahiya.
"A-Ah I d-don't meddle with his personal life"
"Kahit sabihin kong dito ako matutulog ngayon? Sa kwarto niya to be exact." E ANO NAMAN GIRL?! Sapakin ko to e!
"Actually, it doesn't matter naman. Kahit magsex pa kayo. Hindi kona concern yon. If you'll excuse me may gagawin pa ako." Pagpapaalam ko sakaniya at pumunta sa kusina.
Sa kabilang pinto nalang ako dadaan. Badtrip! Kumuha ako nang kung anong makakain sa ref nila at pumanhik saa itaas. Inilock ko ang pinto nang kwarto ko at hinarangan pa ito ng upuan.
BINABASA MO ANG
My Sweetest Memoir (COMPLETED)
RomansaAng pagmamahal ni Alessia Adriana Adolfo para kay Lucas Gallien ay higit pa sa inaasahan nito. Kaya nang malaman niya ang sakit na wala siyang kasiguraduhan kung gagaling pa siya ay iniwan niya ito. Para kay Alessia hindi niya kakayaning masaktan si...