KABANATA 4

5 6 0
                                    


KABANATA 3

PUMASOK kame sa canteen at bumili nang meryenda bago naupo sa lamesa kung nasaan sila Lucas at Kuya Chris.

"Kamusta ang unang klase may nagpahiwatig naba kaagad?" natatawang tanong saakin ni Kuya

"Wala hindi ako kuma-usap ng lalaki puro babae lang" sagot ko naman

"Napaka ganda ng pinsan mong to Christian hindi maiiwasang maligawan yan" pangaasar ng kaibigan ni Kuya

"Alam ko namang napangaralan yan ni Tita kaya hindi papatol kaagad yan diba insan" inakbayan naman ako ni Kuya

Tahimik lang akong kumain kapag kinakausap nila ako ay sumasagot ako. Maski si Hanna ay tahimik lang rin. Ngayon lang siya natahmik na akala mo ay nahihiya na ewan. Hinayaan ko nalang siya dahil wala rin naman akong balak mag salita.

Hinatid kame ni Lucas sa classroom dahil nakisuyo si Kuya sakaniya. Nasa kanan ko siya habang si Hanna naman ay nasa kaliwa ko. Bawat madaanan naming mga babae ay napapahinto tuwin nakikita siya. Ang iba naman ay tumitili, sa totoo lang ay gusto kong takpan ang muka niya.

Ayokong may ibang babaeng tumitingin at kinikilig sakaniya.

Sino ba naman kasing babae ang hindi maakit sa kaniya?

Halos kahawig niya ang sikat na artistang si Ryan Agoncillo. Gaya nito ay may kahabaan rin ang buhok niya na laging nakapusod. Matangkad at malaki ang katawan niya, dahil narin siguro sa pag Sali nito sa iba't ibang sports kaya nakapag build up siya ng muscles.

Ang mga mapupungay niyang mata na may maitim at mahabang pilikmata. Ang mapupula niyang labi na lubang nakakaakit dahil mukang masarap itong halikan ay nakadagdag rin.

Nang makarating kame sa tapat ng classroom. Naunang pumasok si Hanna habang ako naman ay hinila niya ang dulo ng bag ko at sinenyasan na mag usap kame.

"Anong club ang sinalihan mo?" tanong niya saakin

"D-dance club mag aaudition ako sa SIHS- Dance crew" sagot ko tatango tango naman siya

"Senior mo ko mag kita tayo sa auditon kung ganon" Dancer rin siya? WOW!

Hinayaan niya muna akong makapasok sa loob ng room bago siya umalis.

Mula sa loob ay tinanaw ko siyang naglakad paalis. Agad kong pinuntahan si Hanna para tanungin ngunit may mga babaeng nakapalibot rito.

"Hoy repeater sino yung babaeng kasama mo bakit kinakausap siya ni Lucas sa labas" salita ng isang babae.

Dahil medyo matangkad ako kumpara sakanila ay nakita ko kaagad kung sino ang babaeng nagsalita. Hawak hawak niya ang tie ng uniperme ni Hanna habang ang iba naman ay masamang nakatingin rito.

"K-kaibigan namin si A-alessia" bakas kay Hanna na natatakot ito

Hanggang dito ba naman ay hindi nawawala ang mga bully. Ang nakakainis pa ay dahil lang sa lalake!

Agad akong hinawa ang mga babaeng nakapalibot kay Hanna. Tinitigan ko ito at tinaasan ng kilay.

Kung mataray ka, mas mataray ako Bitch!

Hinawi ko ang kamay niyang nakahawak sa Tie ni Hanna at hinawak ko si Hanna sa balikat.

"Bakit may problema ka" mataray na tanong ko sakaniya

Tiningnan naman niya ako na parang napipikon nab ago sumagot.

"Sasabihin ko sayo sakin lang si Lucas kaya lubayan mo siya!" bahagya niya akong itinulak kaya napaatras ako

"Girl kayo ba?" pinipilit kong kalmahin ang sarili ko dahil ayokong madala sa Guidance ng unang araw palang

"Hindi pero soon! Magiging kame!" sigaw niya saakin

"Libreng mangarap huwag kang mag-alala" sagot ko

Maya maya pa'y dumating na ang susunod na subject teacher kaya umalis na sila sa harap. Hinawakan ko naman si Hanna na hanggang ngayon ay nanginginig parin. Naikwento saakin ni Hanna na nabully siya noong unang pasok niya sa First year kaya naghinto siya dahil na trauma siya. Hindi ko hahayaang maulit iyon ngayon dahil parang kapatid kona siya.

"G-ganun rin ang dahilan kung b-bakit ako na-bully noon" bulong niya saakin

"Hayaan mo hindi kita iiwan ipagtatangol kita palagi" sagot ko sakaniya

Dalawang subject teacher pa ang pumasok saamin bago nagkaroon ng Lunch break. Gaya ng kaninang break ay sumabay parin kame kila Kuya. Pinauna nga lang ako ni Hanna sa canteen. Naabutan ko roon ang ibang kaibigan ni kuya at si Lucas. Hindi siya nagtanong tungkol kay Hanna sa halip ay inaya niya akong bumili ng pag kain.

"Anong gusto mo?" tanong niya saakin

"Etong Afritada tsaka kalahating kanin lang" sagot ko

"Ate isang serving ng Afritada isa't kalahating kanin tsaka isa rin diyan sa Chapseuy" aniya sa tinder

"Yung akin?" tanong ko dahil iginilid niya ang tray na ibinigay sakaniya

"Sayo to kumain ka ng marami napaka payat mo" bulong niya saakin

Nahampas ko naman ang balikat niya tumawa lang ito. Pinagtitinginan kame ng mga babaeng asa loob ng Canteen habang naglalakad kame pabalik sa lamesa. Naabutan ko naman roon si Kuya at Hanna na bagong dating lang. Pag upo namin ay nag paalam naman si Kuya na kukuha ng pagkain nila ni Hanna.

"Anong meron sainyo ng pinsan ko?" bulong Ko kay Hanna

"W-wala" sagot niya "M-magkaibigan lang kame" dagdag pa nito

Nang makabalik si Kuya ay hindi ko na muling inusisa si Hanna. Akmang tatayo ako para bumili nang soft drink pero pinigilan ako ni Lucas. Napatingin nama kaagad saamin ang mga kaibigan nila kuya na kasama namin. Habang si Kuya naman ay busy sa pag hihimay ng ulam ni Hanna.

"Anong gusto mo softdrinks o juice?" tanong niya saakin at siya na ang tumayo

"S-softdrinks yung m-mountain jew" sagot ko sakaniya

Tumango lang siya at tsaka nagpunta sa gawi ng mga softdrinks.

"Kayo ba ni Lucas, Les?" tanong saakin ni Rico kaibigan nila Lucas

"H-hindi bakit?" tanong ko

"Pero nililigawan ka niya?" tanong ulit nito

"H-hindi rin" sagot ko natanaw ko si Lucas na pabalik na sa lamesa

"E bakit parang ang sweet niyo?" tanong niya ulit sakin

"Rico" tawag ni Kuya sa kaibigan nila. Natatawa naman itong nagtaas ng kamay. 


My Sweetest Memoir (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon