KABANATA 7

5 6 0
                                    


KABANATA 7

PAGPASOK ko palang ng room namin mainit na ang mata saakin ng mga kaklase kong babae. Hindi ko nalang sila pinansin naupo ako sa ngiting aso na si Hanna. Nang dumating ang subject teacher namin sa period saka lang nailihis ang atensyon niya sa cellphone. Nakinig naman ako sa teacher habang nagdidiscuss ito.

"Masama ang tingin nila sayo kanina pa" bulong sakin ni Hanna at itinuro ang groupo nila Joanna "Hayaan mo nalang" sagot ko sakaniya

"Kayo na ba ni Lucas?" tanong niya saakin. Sa totoo lang ay gusto ko si Lucas crush ko siya ang kaso nga lang ay wala pa sa isip ko ang pagboboyfriend. Gusto kong sabihin ito sakaniya pero dahil kapatid niya yon ay umiling nalang ako.

Natapos ang tatkong klase namin sa umagang iyon at Lunch na. Lalabas n asana kame ng room pero hinarang ako nila Joana. Ang ilang sa mga kasama niya ay nagmistulang look out sa labas ng Classroom. Tinaasan ko siya ng kilay nang bigla niya akong itulak.

"Paraanin niyo kame at payapa ang lahat" kalmadong sabi ko sakaniya.

Sa totoo lang ay ayokong dalhin dito ang bagay na iniwan ko sa maynila. Kilala ako roon bilang isa sa mga worst student at tambay sa detention room. Pero dahil kapatid ni Daddy ang may ari ng school palaging detention lang ang meron ako.

"Hindi ko naman alam na ganiyan pala kalandi ang mga estudyante sa Maynila" si Joanna aniya sa kasama niya "Masyadong Liberated kagaya ng mga taga ibang bansa" dagdag pa nito

"Paraanin niyo nalang kame Joana" hinawakan ako ni Hanna napasulyap ako sakaniya "Hindi tayo makikipag-away" pagpapahinahon ko sakaniya

"Bakit? Dahil ba hinihintay ka ni Lucas sa canteen?" humakbang siya papalapit saakin at hinila ang mahaba kong buhok "Ilang beses ko bang sasabihin saiyo na layuan mo siya!" sinabunutan niya ako at padarag na isinandal sa black board. Nabitawan ko naman si Hanna na ngayon ay nakasalampak habang nangingig.

"Ano ba!" pilit kong kinakalag ang pagkakahawak saakin ni Joana nang makawala ako ay agad naman akong dinamba ng mga kasama niyang babae hatak hatak nila ako at isinandal sa pader.

"Malandi!" sigaw niya saakin at sinampal ako hindi lang isa kundi nakakatatlong sampal na siya saakin ng may humila sakaniya at nasaldak siya sa mga upuan. Hindi kona nilingon kung sino yon agad kong dinaluhan si Hanna at pinakalma.

Lumabas ako ng room kasama si Hanna at nagpunta sa clinic. Mas inalala ko pa ang kalagayan niya kaysa sa namumula kong pisngi. Alam ko kung gaano ang traumang dinanas niya noon. Nang makarating kame sa clinic lumapit kaagad ang nurse saamin at dinala si Hanna sa isang bed.

"H-hindi ako m-makahinga" si Hanna habang pinapaypayan ko "Kumalma ka kasi okay Inhale" sabi ko sakaniya at sinunuod naman niya "Exhale" ganoon ang ginawa ko sakaniya habang hinihintay ang Doctor sa clinic. Nang kumalma na si Hanna ay inutusan nila akong tawagan si Lucas.

Ilang sandal pa ay sinagot niya ang tawag kaso lang ay maingay roon.

"A-asa cilinic k-kame inatake ng asthma si H-hanna" sabi ko sakaniya

"Okay, tatapusin lang namin ang usapin rito sa Guidance" aniya at pinatay ang tawag

Guidance? Bakit siya nasa Guidance? Nilingon ko ang natutulog na si Hanna at nagpaalam sa nurse. Paglabas ko ng clinic ay dumeretcho ako sa Guidance office. Nasa labas palang ako ay maingay na. Pagpasok ko sa loob ay nadatnan ko ang groupo nila Joanna na umiiyak habang sila Lucas naman ay tahimik. Nang makita ako ni Joanna ay tumayo siya at hinila ako sa buhok.

"A-aray!" alma ko at pilit na inaalis ang kamay niya

"Ikaw ang may kasalanan nito!" sigaw niya saakin

"Joanna!" sigaw ng counsellor na nasa loob. Agad siyang hinatak saakin ni Rico at hinila naman ako ni Kuya chris.

"Siya! Ang nagsimula nito Maam!" sigaw niya at dinuro duro ako

"Bakit ba kayo nag-aaway! Kanina ay si Mr. Gallien lang ang itinuturo mo ngayon pati si Miss Adolfo naman!" namumula ang Guidance counsellor habang nakatingin kay Joanna

"M-maam siya talaga n-nauna" mahinang sagot ni Joanna

"Kung siya ang nauna bakit sinasabe nitong si Lucas na nadatnan nilang pinagtutulungan niyo ang isa sa mga kaklase niyo?" tanong nito sakaniya

"M-maam siya talaga" pamimilit nito at biglang umiyak

"Papuntahin mo rito ang parents niyong tatlo bukas" turo niya kila Joanna at sa dalawa pa nitong kasama "Makakaalis na kayo" wika naman niya saakin. Lumapit ako kay Lucas akmang magsasalita ako ng hawakan niya ang namumula kong pisngi.

"Nanghingi ka ba ng cold compress sa nurse?" tanong niya saakin nang makalabas kame umiling lang ako "Si Hanna nasa clinic puntahan mo sasama muna ako kay Kuya" wika ko sakaniya at sumunod sa pinsan ko.

"Hindi ka sasama kay Lucas?" tanong nito saakin "Bibili lang akong pagkain ni Hanna dun ka muna sa oval sumama ka kay Legie" tinuro niya ang isa sa mga kaibigan niya. Tumango naman ako at sumunod rito.

Nang makarating kame sa Oval ay naupo akong kaagad sa bench at kinuha ang earphones ko.

Sa totoo lang ay naguguluhan rin ako sa nararamdaman ko. Gusto ko siya pero hindi minamadali ang pagpasok sa isang relasyon. Ayokong pasuking ang bagay na iyon lalo na't wala naman akong alam patungkol roon. Isa pa'y hindi pa kame pero nahaharass na ako ng mga babaeng may gusto sakaniya.

Bata pa ako at alam kong marami pa akong makikilalang lalaki diyan. Hindi lang naman si Lucas ang lalaking makakapagparamdam saakin ng ganito. At tsaka mas matanda siya saakin. Hindi naman lahat ng nababasa ko sa mga pocket books ay totoo.

Maaring sa mga kwentong nababasa ko kahit anim na taon o limang taon ang agwat ng lalaki sa babae ay nagkiclick sila. Ang kaso ay sa libro iyon at hindi sa reyelidad. Kung nagkatuluyan man si Rozen at Coreen noon kahit pa malayo ang agwat nila hindi ibig sabihin noon ay ganoon rin kame ni Lucas.

Pero bakit nga ba nagiisip ako ng ganto? Oo at nagpapahayag siya ng damdamin pero hindi ibig sabihin noon ay totoo na! Gwapo siya at kahit kaninong babae niya sabihin iyon ay tyak na mahuhulog sakaniya! Pero bakit ko ba inaalala yon? Ano naman?!

Alam kong maganda ako at gwapo siya tyak na bagay rin naman kaming dalawa. Kung hindi ko sasabihin ang tunay kong edad tyak na mapagkakamalang kaedad ko siya.

Bigla akong napailing sa mga naiisip ko. Baliw na ba ako? Tatawa tawa ako ng biglang may mangalabit saakin. Nilingon ko kung sino iyon at ang nakangusong si Lucas ang bumungad saakin. Tinanggal niya ang earphones sa magkabilang taenga ko at hinawakan ang aking pisngi.

"Nilayasan mo ako" parang bata nitong sabi "H-hindi a!" tanggi ko sakaniya

"Nilayasan mo ako" wika nito ulit at inilapit ang muka niya sa muka ko

"H-hindi n-nga!" halos hindi ako makagalaw nang bigla niya akong halikan!

"Sa susunod na ulitin mo pa iyon dudugo yang labi mo" bulong niya saakin

My Sweetest Memoir (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon