WAKAS
"Uuwi si Alessia diyan bukas ata tapos mageenroll sa SINHS" si Christian
Alas singko palang ng umaga ay tinawagan niya na ako para ipamalitang dito na magaaral ang pinsan niya. Alam niyang gusto ko si Alessia maski si Hanna ay alam iyon. Pero dahil mas matanda ako kay Ales ay hindi ako umaamin rito.
"Hindi ko gusto ang pinsan mo Adolfo" sagot ko sakaniya
"Ganoon ba? Ang alam ko kasi ay patay na patay ka roon!" natatawang sagot niya
Sa sobrang inis ko ay pinatay ko ang tawag niya. Hindi naman na siya tumawag ulit. Bumangon na ako sa kama at pinuntahan si Hanna. Ilang katok ko palang sa pinto niya ay nagising agad ito.
"Uuwi raw rito yung bestfriend mo. Pupunta tayong SINHS bukas mag-eenroll ka" wika ko sakaniya sabay talikod.
Narinig ko siyang bumulong bulong pero hindi ko nalang pinansin. Kinabukasan sinadya ko talagang agahan ang pagpunta. Nagmamaktol panga ang kambal ko dahil dito. Nawawalan na ako ng pag-asang makita si Ales noon. Inilibot kona ang mata ko sa buong paligid ngunit wala parin siya.
Hanggang sa makita siya ni Hanna. Para akong naestatwa nang makita siya. Ang laki ng pinagbago niya. Samantalang noon ay sipunin pa ito. Inaya niya kaming pumunta sakanila pero nagdahilan ako at si Hanna lang ang pinasama ko.
Nung una ay nagsisisi pa ako dahil gusto ko naman talaga siyang makita. Pero dahil ginapangan ako ng kaba ay hindi ako tumuloy. Kinabukasan may laro kame ng basketball. Kauuwi lang rin ni Christian ng sabihan niya akong pupunta si Ales sa bahay.
Agad agad akong bumangon at tumambay sa garden. Nang pumasok siya ay wala akong imik. Sinamahan ko siya hangga't hindi pa nagigising si Hanna. Nainis panga ako nang bumangon ito.
Madali akong naligo at kinuha ang uniform ko sa laro. Halos ibuhos ko ang pabango sa buong katawan ko. Pagbaba ko siya agad ang hinanap ko. Gusto ko pang pagalitan si Hanna dahil hindi niya ito inayang kumain.
Kaya ako na mismo ang naglagay ng pagkain sa plato niya. Pigil na pigil ko ang ngiti ko para lang hindi niya mapansin. Nang mailapag ko ito sa harap niya ay natigilan siya.
'Tch! Napaka payat nanga ayaw pang kumain ng marami!'
"Sabe sayo pupunta e!" bungad saakin ni Christian pagdating ko sa Gym
"Napaka payat ni Les hindi ba kumakain ng maayos yon?" tanong ko
Natawa naman siya saakin at sinabihan akong busugin ko araw araw. Nagdaan ang bakasyon unang araw palang ng klase ay naririnig kona ang usap-usapan ng ibang section. Naging matunog kaagad ang pangalan ni Ales sa buong school.
Sa tingin ko naman ay hindi niya napansin iyon. Binibiro ni Christian sa isang kaibigan namin si Ales. Hindi ko alam kung para asarin ako o ano. Gusto niya yata magsabay pa kame ng monthsary!
Palagi siyang naikukwento saakin ng kambal ko. Tiwala naman ako kay Christian dahil kaibigan ko siya. Sa groupo namin ako lang yata ang nagkaroon ng maraming babae. Kilala ako sa buong SINHS pati sa SECS dahil maski bata talaga ay pinapatos ko kapag gusto ako. Kaya nga hindi ko maintindihan si Christian at binubugaw pa saakin ang pinsan niya.
Narealise ko lang na gusto kona talaga si Ales nang makita itong pinagtutulungan ng mga kaklase niya. Kilala ko si Ales dahil palaging ikinukwento saakin ng pinsan niya kung gaano ito kasiga sa school nila sa maynila. Pero dito ay hinahayaa niyang apihin siya.
Hindi lang iyon dahil nakaaway niya pa si Aira. Ex ko ito at mahigit isang taon rin kame. Napaka laki ng galit ko noon kay Aira nang makita sa sahig si Ales. Nagpapaliwanag ito saakin na hindi niya kinalmot si Ales pero nagtetengang kawali ako.
BINABASA MO ANG
My Sweetest Memoir (COMPLETED)
RomanceAng pagmamahal ni Alessia Adriana Adolfo para kay Lucas Gallien ay higit pa sa inaasahan nito. Kaya nang malaman niya ang sakit na wala siyang kasiguraduhan kung gagaling pa siya ay iniwan niya ito. Para kay Alessia hindi niya kakayaning masaktan si...