KABANATA 13

4 5 0
                                    


KABANATA 13

Hindi ko alam kung ilang oras kaming nakatulog. Nagising nalang ako na madilim na. Nakayakap parin siya saakin napatitig naman ako sa sugat niya sa gilid ng labi niya. Saka ko lang napansin na may pasa rin siya sa mata niya. Hindi ko napansin yun kanina. Dahan dahan akong bumangon pero nagising siya at hinigit niya ako.

"Hi" bulong niya saakin

"San mo nakuha yan?" diniinan ko naman ang pisil sa pasa niya

"A-aray!" napaatras naman siya at bumusangot

"Nakipag away ka?" akmang tatayo ako pero niyakap niya parin ako ng mahigpit

"Binastos ka nung kalaban naming team kanina diko napigil nagpangabot kame sa labas ng gym" paliwanag niya saakin

Hinila ko naman siya pa-upo sumunod naman siya saakin. Tumayo ako at nanguha ng ointment sa banyo. Naupo ako sa harap niya at madiin ito nilagyan ng gamot.

"A-aray!" palahaw niya tuwing didiinan ko ang mga sugat niya sa muka

"Hayaan mo lang sila salita lang yon"

"Hindi pupwede yo-Aray naman" angal niya ng diinan ko ulit

"Basta ayokong napapaaway ka dahil sakin" nilapag ko sa bes side table ang ointment at hinalikan siya sa labi.

Hinigit naman niya ako palapit sakaniya at hinalikan. Gumagapang na ang kamay niya sa loob ng damit ko ng biglang may tumawag sa cellphone niya. Huminto ako at tiningnan kung sino yon. Nang makitang si Kuya yon kaagad kong sinagot. Niloud speaker ko para marinig niya iyon.

"Lucas shit! Sa bintana kana dumaan papasok na dyan si Lolo!"

"Shit! Magdamit kana!" inabot ko naman sakaniya ang damit niyang nasa sahig.

"Tawagan kita mamaya" sabi niya saakin bago tumalon sa bintana.

Kinalma ko naman ang sarili ko at inayos ang kama. Maya maya pa'y may kumatok na sa pintuan ng kwarto ko. Bumangon naman ako para ibukas ang pinto.

"Andyan raw ang nobyo mo sabi ni Bidang" si Lolo bitbit ang Remington 1100 shotgun niya.

"W-wala Lo alam ko namang bawal mag papasok ng l-lalake sa kwarto ko" kinakabahan kong sagot.

Pinagpapawisan ako nang malagkit ng hawiin ako ni Lolo at pumasok sa loob ng kwarto ko. Tiningnan naman ako ni Manang Bidang na parang nangiinsulto. Kasunod siya ni Lolo na pumasok sa kwarto ko. Pumasok si Lolo sa banyo ko at binuksan ang walk in closet, sumilip rin sila sa ilalim ng kama. Binuksan pa nila ang bintana at sumilip roon.

Mabuti nalang ay nakaalis na kaagad si Lucas. Nakita ko siyang lumabas sa kwarto niya at kumaway saakin. Nangiti naman ako, masama kong tiningnan ang katulong namin at binusangutan si Lolo.

"Lo ayon si Lucas oh nasa kanila" tinuro ko si Lucas kumaway naman siya ulit saamin

Kumaway narin ako sakaniya at ganon rin si Lolo. Tiningnan naman niya si Manang ng masama.

"Mabuti naman at alam mo ang patakaran ko" si Lolo

"Pasensya na apo ito talagang si Bidang! Igagaya kapa niya sa anak ni Josefa na nabuntis dahil umuuwi sa bahay ng nobyo niya!" dagdag pa ni Lolo

Ngumiti nalang ako sakaniya at sumama na bumama sa sala. Nagulat naman si Lola nang makita ang hawak ni Lolo. Ako naman na ang nagpaliwanag kay Lola. Natatawa nalang siyang pinagsabihan si Lolo dahil pinapagalitan nito si Manang Bidang.

Nang pumasok si Kuya ay nagsimula na kaming kumain. Tinanong pa siya ni Lolo kung saan siya galing. Idinahilan nalang niya na nakila Lucas siya. Kinindatan naman ako ni Kuya dahilan para matawa rin ako.

Nang gabing iyon nag-usap ulit kame ni Lucas sa Videocall. Napag-usapan namin ang tungkol kay Aira at sa mga naging ex niya. Bahagya akong nainsecure sa sarili ko nung malaman na mahigit isang taon rin sila ng ex niyang iyon. Isa pa'y malapit ito sa magulang niya.

"Ex na yon. Nakalipas na." aniya saakin nang makitang nalungkot ako

Saakin kasi ay siya palang ang una kong naging boyfriend. Maraming nanliligaw saakin non sa dati kong school pero hindi ko pinapansin.

"Ikaw lang ang gusto ko." sabi pa niya

Natulog kaming maayos ng gabing iyon. Naniniwala naman ako sa sinasabe niya saakin. Panatag ang kalooban kong hindi niya na babalikan ang mga iyon. Kung balikan man niya ay wala rin akong magagawa.

Kinabukasan hinintay niya parin ako sa gate ng school. Sabay sabay kaming pumasok sa gym. Hinatid niya muna ako sa bleachers namin bago pumunta sakanila. Kinuha niya ang schedule ng laro nila. Pang-umaga naman kame at 2nd game. Kalaban namin mamaya ang seniors sa ibang strand.

Nang makuha ni Lucas ang sched niya bumalik siya sa bleachers namin at tumabi saakin. Inabutan niya ako ng Gatorade at nilagyan ng jacket ang hita ko. Kahit pa hindi ako kasama sa maglalaro kailangan ko paring magsuot ng uniporme. Ang varsity jacket ko ay nakasuot saakin kaya wala akong pantabing sa hita ko.

Inaasar naman ako nila Jelie nang maabutan si Lucas na katabi ko. Binulungan pa ako at itinuro si aira na masama ang tingis saakin. Hindi ko nalang ito pinansin baka mamaya pa'y magkagulo dahil pumatol ako sa makire.

Nang magsimula ang first game kinukulit na ako ni Lucas na magpunta kame ng canteen. Tatanggi sana ako kaso lang nakatanggap rin ako ng text galing kay Hanna na nasa canteen sila ni Kuya. Nagpaalam ako sa coach namin pumayag naman ito kaya nagpunta na kame ng canteen. Naabutan namin sila sa mahabang lamesa na kumakain kasama ang mga barkada nito.

"Bili lang ako upo kana diyan" paalam niya saakin

Naupo naman ako sa tabi ni Hanna at hinintay siya.

"Akala ko ba icocover niyo ang intrams?" tanong ko kay Hanna

"May kaniya kaniya kaming laro. Sa volleyball ako mamaya pa naman ang laro niyo" sagot niya saakin

"Saamin ka nakaasign?" tanong ko sakaniya

Tumango tango siya saakin atnagpatuloy sa pagkain. Napalingon naman ako sa gawi ni Lucas ng makitang may nangharang sakaniya.

"Si Aira oh!" tinuro ni Rico ang humarang kay Lucas

Tatayo na sana ako pero hinila ako ni Hanna at umiiling ito.

"Ma-upo ka diyan babalik yon dito" si Kuya ang nagsalita

"O-oo nga naman L-les" si Rico nang tingnan siya ng masama ni Kuya

"Paghinawakan siya nung babae pupuntahan ko siya ron" dumiin naman ang hawak saakin ni Hanna. Masama akong tumingin sa gawi ni Lucas. Kinakausap pa siya ni Aira habang humahagikgik ang impakta!

My Sweetest Memoir (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon