KABANATA 5
"Bakit ko nga ulit ako nandito Hanna?" tanong k okay Hanna na ngayon ay tutok na tutok sa laro
"Para suportahan ang pinsan mo at ang kapatid ko" hagikgik niya
"May practice kame ng sayaw mamayang alas singko Hanna kailangan ko pang mag palit" wika ko sakaniya pero parang hindi niya ako pinakikingan.
Hanggang sa magkaron ng break at naglakad papalapit saakin si Lucas. Inabot ko sakaniya ang Towel at akmang aalis na pero hinarangan niya ako. Kunot noo niyang ibinalik saakin ang Towel at lumapit pa saakin.
"Gusto mong punasan kita?" tanong ko sakaniya tumango tango naman siya at pumikit
"May kamay ka naman" hinagis ko sakaniya pabalik ang Towel at nagsimulang naglakad palabas ng Gym.
Hindi pa ako nakakalayo nang biglang may humila sa bag ko. Para akong naging batang paslit na nauntog sa dibdib ng kung sinong nanghila sa Bag ko. Inis naman ako tumalikod para tingnan kung sino yon. Ang nakangusong si Lucas ang bumungad saakin.
"Tapos na?" tanong ko sakaniya dahil bitbit niya lahat ng gamit niya
Umiling siya at inakbayan ako.
"Mananalo sila kahit wala ako may practice pa tayo ng sayaw" nakaakbay siya saakin habang naglalakad kame papunta sa Gym extention.
Nang makarating kame roon ay nauna akong nagpunta sa Locker para magpalit ng leggings at T-shirt. Nasa labas naman siya at hinihintay akong matapos. Nang makalabas ako siya naman ang pumasok para magbihis.
Iilan palang kameng andito kaya nagsariling stretching muna ako. Nang mag audition ako ay kaagad akong nakuha. Hindi ko alam kung dahil ba magaling ako o dahil sa Senior sa dance troop nato si Kuya at Lucas. Dahil huling taon na nila ngayon ay nagrecruit sila ng maraming newbie. At isa ako sa nakapasa, sa dati kong school ay isa ako sa nagtuturo pero dahil bago ako rito kailangang sumunod ako.
Nakaupo ako sa rubber mat na dala ko nang may babaeng lumapit saakin. Matangkad ito at maganda ang hubog ng katawan. Huminto ako saaking ginagawa nang akmang magsasalita siya.
"Ikaw ba si Alessia?" tanong niya saakin kunot noo naman akong tumango
Nginitian niya lang ako at naupo rin sa harap ko.
"Ano mo si Lucas Gallien?" tanong niya saakin
Hays kailan ba ako titigilan ng mga babaeng to. Tiningnan ko siya na parang nauumay at tumalikod.
"Hindi kame. Kaibigan ko lang siya. Lubayan niyo ako" mataray kong sagot
Halos mag iisang buwan na ako sa paaralang ito pero hindi nauubos ang mga babaeng lumalapit saakin para magtanong kung ano ko si Lucas. Gusto kong sabihin sakanila na KAME NALANG para tigilan nila ako. Pero alam kong mali iyn, oo gusto ko si Lucas pero ayokong gumawa ng kwento. Ni hindi nga ito personal na nanliligaw saakin sweet lang siya pero alam kong walang ibig sabihin iyon.
"Sana nga dahil kung kayo man tumigil kana dahil side chick ka lang niya ako ang tunay na Girlfriend" sabi nito bago umalis
Ilang saglit pa ay dumating si Lucas at inabutan ako ng Towel. Hindi ko siya pinansin at lumipat ako ng pwesto. Sinundan niya ulit ako at tumabi saakin. Pero lumipat ako ulit ng pwesto hanggang sa humalo na ako sa mga first year na kasama ko.
Nang dumating ang ibang trainor ay nagsimula na kame. Magkakaroon ng welcome party ang freshman sa susunod na lingo kaya naghahanda kame ng isang intermition.
Dalawang oras ang itinagal ng practice namin. Madilim na nang lumabas kame ng campus. Dahil kasama ko naman si Lucas ay hindi na ako hinintay ni kuya. Paglabas ng gate ay tumawag si Lucas ng Trcycle. Nauna akong sumakay, wala akong imik ng tumabi siya saakin.
Ilang beses niyang sinusundot ang pisngi ko ngunit hindi ko siya pinapansin. Hanggang sa makarating kame sa bahay. Nang akmang papasok na ako sa gate ay hinila niyang ulit ang bag ko. Iniharap niya ako sakaniya at nakabusangot na tinitigan ako.
"Bakit ka nanaman galit?" tanong niya saakin
"Ano ba! Gusto ko ng mag pahinga! " saway ko sakaniya nang hindi niya pakawalan ang laylayan ng bag ko
"Bat ka nga galit?" tanong niya ulit saakin
"Hindi ako galit pagod ako bitaw na!" naiirita ko siyang tiningnan
Tanginang lalaking to napaka landi! May jowa na nga hinaharot pako!
"Hindi galit ka" pilit kong inalis ang kamay niya sa bag ko ngunit mahigpit ang hawak nito
"Hindi mo gugustuhin pag nagalit ako" sagot ko sakaniya
"Wala akong Girlfriend" binitawan niya ang bag ko at hinawakan ako sa kamay
"Wala naman akong pake e!" sabi ko sakaniya
"Meron dahil nililigawan kita" shuta? Tro ba? So ligaw nayon? Gusto kong sabihin sakaniya yun pero binusangutan ko nalang siya.
"Ligaw my Ass!" binawi ko ang kamay ko sakaniya "Nanliligaw? Pero may lalapit saakin
"Sabe na e! hahaha" bigla siyang humagalpak ng tawa sa harap ko.
"Bwisit!" papasok na sana ako pero bigla niya akong hinila at niyakap.
"Hindi ako nagsisinungaling wala akong girlfriend." Bulong niya saakin "Magkakagirlfriend lang ako kapag sinagot mo ako Al" napahawak ako sa dibdib ko at mabilis na kumawala sa yakap niya.
Walang lingon lingon na pumasok ako sa bahay at tumakbo sa kwarto.
Jusko! Yung puso ko! halos talunin ko ang kama ko at takpan ng unan ang muka ko.
"SHUTAAAA IS THIS FOR REAL!" sigaw ko sa ilalim ng unan ko
Sa sobrang kilig ang naramdaman ko hindi ko namalayang nasipa ko pala ang alarm clock ko. Nagulat nalang ako ng biglang bumalibag ang pintuan ko at nilabas nito ang pinsan kong nakatapis ng tuwalya na may bitbit pang baseball bat.
"PUTA ANO YON!?" sigaw niya saakin at napatingin sa alarm clock na nasa sahig
"N-nasipa ko b-bakit?" tanong ko sakaniya
"Akala ko inakyat kana ni Lucas" hinila niya ang pinto at sinarado ito
"Kung aakyatin man ako ni Lucas wala kaming ingay na gagawin" wala sa sarili kong sagot
"Narinig ko yon!" sigaw naman ni Kuya mula sa labas
Natatawa akong bumangon sa kama at pinulot ang alarm clock. Sumilip ako sa bintana halos magtago ako sa nakita ko. Alam kong magkapitbahay lang kame ni Lucas ang hindi ko inaasahan ay magkatapat rin ang kwarto namin. May kalayuan naman siya saakin pero tyak na tanaw mula roon ang ginawa ko kanina.
"Kahihiyan to" napabuntong hininga nalang ako at sinarado ang bintana.
BINABASA MO ANG
My Sweetest Memoir (COMPLETED)
RomanceAng pagmamahal ni Alessia Adriana Adolfo para kay Lucas Gallien ay higit pa sa inaasahan nito. Kaya nang malaman niya ang sakit na wala siyang kasiguraduhan kung gagaling pa siya ay iniwan niya ito. Para kay Alessia hindi niya kakayaning masaktan si...