Two

547 61 12
                                        

Si Amanda Catalin ay isang 25-year old na babae na madalas tawagin sa opisina nila na Matandang Dalaga.

Hindi pa naman sya ganun ka-tanda pero sa departamento nila, lamang ang pamilyado o di kaya ay may mga nobyo at asawa na.

Habang sya, patuloy na hinihintay ang kanyang 'Oppa' na tila ba nag-eexist lamang sa mundo nya.

Tanging ang mga bestfriend niya lang ang nakakaintindi sa kanya although patuloy pa din silang inaasar sya at pinapangaralan sa paghihintay at pagbabalik sa realidad.

Sa group chat nila (GC kung tawagin ng mga millenials), si Jess Del Mundo o Jessica sa gabi (Baklita Friend) ay minsan ng sinubukan manligaw noong kabataan nila pero mukhang minalas at pinili nalang magpakababae dahil mas naattract daw siya sa mga nadepinang abs ng mga kabaro nya.

Samantalang, ang (Krung krung na Friend) nilang si Leni Salcedo naman ay nasa matagal ng relasyon. Ang boyfriend nya ay isang foreign national. Ang dinig nya pa ay taga-Great Britain naman ito. Mahigit tatlong taon na silang dalawa at tila ba ay going strong pa kahit madalas ay Long Distance Relationship sila.

Ang kanilang kaibigan na bersyon nila ng Jane the Virgin na si Olivia Antonio ay tubong Ilokana. Ilang beses na nila pinaplano na umuwi sa probinsya nila para magbakasyon pero hindi sila makahanap ng pagkakataong makapagleave ng sabay-sabay. Palaging naantala gawa ng mga iba't ibang dahilan. Mas bata ng isang taon si Olivia sa kanilang apat pero mas mature pa itong kausap kumpara sa dalawa nyang kasama.

Sila Jess at Leni ay matagal ng magkaibigan bago sila pumasok ni Olivia sa grupo nila. Silang dalawa ay sa Human Resource Department na ng dalawang taon at na-assign naman si Amanda sa isang branch nila sa Quezon City. Si Olivia naman, bagamat mas bata sa kanila, ay isang sekretarya ng isa sa mga boss nila sa Resorts Hotel na malapit sa kanyang tinitirahan.

Napabuntung-hininga nalang si Amanda ng makita na naman ang bulto ng folders sa harapan nya.

Napailing nalang sya ng makita ang paa nya. Kamuntikan na kasi syang matalisod kanina paakyat ng floor nila. Kamalas-malasan, late na nga sya, out of order pa ang elevator. Napaakyat tuloy sya ng dalawang palapag sa Fire exit makarating lang sa kinaroroonan nila.

Ayun. Mukhang magkakakalyo pa ata sya.

"Kung bakit pa kasi need ko pa magheels." nagpakawala na naman ng buntung-hininga si Amanda habang inaayos sa harapan nya ang isang folder na gagawin nya ngayong araw.

Inabala nya ang sarili sa pag eencode ng mga updates na nasa folder na iyon.

Hindi nya namalayan na oras na pala ng lunch at konti nalang ang tao sa opisina nila.

Binaling nya ang ulo nya sa kaliwa upang masahihin ang kanyang leeg. Ginawa din nya ito sa kabilang direksyon. Inulit pa nya ng tatlong beses habang nakapikit na nag-inat.

Saktong nakanganga sya galing sa paghikab habang nag-iinat ng dumilat sya at nakita ang isang supot na may lamang container at drinks na mula sa isang sikat na fastfood na paborito nya.

Weirdo man isiping may nagpapadala sa kanya ng pagkain ng walang pangalan ay hindi niya na naisip iyon dahil nanaig ang gutom niya at pagcrave sa mga nakahain sa harapan niya.

Kuminang ang kanyang mata sa galak at ito pa naman ang kinecrave nya ngayon: Spaghetti, Fries at Coke Float.

Napataas naman ang kanyang mga mata para tingnan kung sino sa mga katabi nyang cubicle ang nagbigay noon pero parehong walang tao sa magkabilang pwestong katabi nya.

Dali-dali nyang binuksan iyon at napataas ang kilay ng makita ang isang Smiley na post-it.

To: Ms. Catalin

Happy eating! 😊 Don't skip meals.

💐From: Your Oppa

Hindi maiwasan ni Amanda ang mapangiti at agad sinimulang kumain. Nagulat pa sya ng pagkabukas ng plastic ay may malilit pang notes.

Eat this first before the pasta.

Yan ang nakalagay sa ibabaw ng lid na one-piece Chicken Joy at rice.

Sarap na sarap na nilantakan ni Amanda iyon dahil napaka juicy ng manok na yon. Sinawsaw niya sa gravy ang piraso ng manok na iyon at sumubo ng rice. Sunod niyang sumipsip ng coke at tinapos ng wala panglimang minuto ang laman ng container na iyon at sinunod naman ang fries. Bumukas siya ng isang sachet ng catsup at nilagay sa sinira nyang lagayan ng fries nya.

Naisip nyang ipagmamayang hapon nalang ang pasta dahil ramdam nyang busog na sya. Pero naalala nya na bawal nga palang tumagal ang pasta na may sauce dahil mapapanis ito. Nagpasya syang palipasin ang limang minuto upang madigest ang nakain nyang fries at manok. Inabala nya ang sarili sa paglalabas ng toothbrush nya, toothpaste at mouthwash. Sunod nyang nilagay sa table nya ang mug nya pati ang lipstick, tissue, powder at pabango.

Ganyan na ang ritwal nya tuwing matatapos syang kumain sa opisina. Hindi kumpleto ang araw nya ng hindi sya nagmamouthwash at nag reapply ng lipstick. Hindi sya komportable sa make up kahit pa mahilig sya sa Koreanovelas at lahat sila ay makikinis ang mukha.

Para sa kanya, kung maganda ka talaga, kahit walang make up, natural na maganda ka na.

Tiningnan nya ang wall clock nila at 12:30pm palang naman. Sinimulan nya uli ang spaghetti at mabilis na inayos at tinapon ang mga pinagkainan nya sa basurahan nila sa labas ng opisina.

Binalikan nya ang mga gamit na nasa ibabaw ng lamesa nya at tumungo sa restroom para gawin ang ritual nya.

Eksakto ala-una ng hapon ay nakabalik na sya sa post nya at tinuloy na ang natitirang trabaho nya para sa araw na iyon.

Pagpatak ng alas-singko, nasa lobby na si Amanda. Hawak nya ang shoulder bag nyang Celine ang tatak at tinapat ang hintuturo nya sa biometrics.

"Impunto talaga si Madame!" Rinig nyang bati ng Guard na matatapos na sa Morning Duty nya.

Napatawa si Amanda at binati si Mang Rogelio.

"Mahirap na magpagabi, Manong! Baka biglang umulan at dumami pa ako." natatawang sagot ni Amanda. "Una na po ako, Manong... Ingat po kayo!"

Tinanguan sya ni Mang Rogelio at dumiretso na si Amanda sa terminal ng jeep sa kabilang kanto.

I Found My Oppa! ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon