Nine

129 37 4
                                        

"Thank you for a delectable dinner, Mr. & Mrs. Catalin." ngiting sabi ni Mr. Park habang pinunasan ang dulo ng kanyang labi.

"Naku, walang anuman hijo. Salamat din po sa paghatid sa aking anak pauwi. Madami pa namang bitbit ang aking unica hija." pagpapasalamat ng mama ni Amanda kay Mr. Park.

Nagtama ang mata nila Amanda at Mr. Park at agad na umiwas ang dalaga sa mapanudyong tingin ng boss niya.

Katapat lamang nya ito ng upuan habang si Reagan ang katapat ng ina sa hapag. Ang ama naman ay nasa kabisera ng hapag.

"Oo nga. Hindi ko na masundo at hatid ang anak ko gawa ng karamdaman ko at baka bigla akong atakihin sa daan." malungkot na sambit ng ama. Nakita ni Amanda kung paano hawakan ng ama ang kamay ng boss nya at ngiting nagpasalamat.

"No worries, Sir. Ako na po ang bahala kay Amanda." Mr. Park said with conviction that sent shivers down Amanda's spine.

Amanda could feel herself blushing when she heard it from her boss. Although wala namang meaning iyon, she can't help not to feel giddy thinking about it.

"Salamat. O sya, ako'y papanik na muna sa kwarto at magpapahinga. Ihatid mo na sila sa labas, Mandy." sabi ng itay nya at tumayo na. Humarap ito sa kanilang mga bisita. "Mag-iingat kayo sa byahe nyo pauwi, mga bossing. Masyado kayong gwapo katulad ko para madisgrasya sa daan." natatawang sabi ng tatay nya bago sya alalayan ng asawa paakyat.

Reagan and Mr. Park chuckled and nodded in agreement.

"Ako na magdadrive pauwi, bro." masayang sabi ni Reagan sabay lahad ng kamay at binigay ni Mr. Park ang susi ng sasakyan. "Thankie, beautiful lady for a sumptuous dinner." He winked at her and went out to the car.

Nakapamulsang tiningnan ni Mr. Park si Amanda habang hinahatid sya nito sa gate ng bahay.

"So, Miss Catalin." Amanda looked up to him when he mentioned her name. Hindi nya mapagkakaila na matangkad ang binata. Hanggang balikat lamang sya nito.

Sapat para ilapat nya ang noo kung yayakapin sya nito.

Amanda blinked and shook her head.

"Daydreaming, again? Seriously?" Amanda scolded herself in silence.

"Yes po, Sir." Amanda answered in response.

"Goodnight." Walang ano-ano, bigla na lang yumuko ito at tinitigan sya ng mariin sa mata.

Nanlalaking mata ang sinalubong ni Amanda dito ng nakaramdam sya ng halik sa pisnge.

Amanda blinked as she watched Mr. Park went out their gate. He made sure to wink at her before he stepped into his car.

Naiwang nakatulala si Amanda sa gate nila ng ilang minuto bago nya inilock ang gate.

Wala siyang nasabi sa nangyare ng araw na yun.

Dire-diretso syang pumasok ng bahay, dinouble lock ang pintuan at lutang na chineck ang mga appliances bago pumanik sa kanyang kwarto.

Maaga natutulog ang kanyang mga magulang. Kaya kampanteng nahiga si Amanda sa kanyang kama.

Hindi pa rin sya makapaniwala sa nangyaring iyon sa kanila.

Boss nya ito.

Isa syang ordinaryong empleyado.

Mali ang magbigay ng malisya pero sino ang nasa matinong wisyo na hahalik sa pisnge ng empleyado nya kung hindi nya ito kamag-anak, magulang, kapatid, kaibigan o nobya?

Iling na napahilamos ng mukha si Amanda at nagpasyang maghalfbath na para makapagpahinga.

Pumunta agad siya sa kama at pilit kinalma ang puso.

Masyadong mababaw kung kikiligin agad sya at baka isipin nung tao na easy to get sya.

Naisip nalang nya na manood muna ng isang episode ng paborito nyang kdrama recently.

Ang Pinocchio.

This is a story of two young people in love are on their way to becoming news reporters, but along the way a terrible past is revealed that will threaten their love.

Habang pinapatuyo ang buhok, hindi maiwasang kiligin ni Amanda ng makita ang crush nyang si Lee Jong Suk.

Gwapong-gwapo ito sa suot na coat and tie habang hinahanda ang sarili sa kanyang trabaho bilang reporter.

Choi Dalpo ang pangalan nito sa seryeng iyon.

Hindi nya namalayang mag-aalas onse na pala ng gabi at naalala niyang Lunes na pala kinabukasan.

Minabuti nyang isara ang laptop at nilagay sa kanyang study table.

Pinatay nya ang ilaw at siniguradong tutunog ang alarm clock nya sa cellphone upang hindi sya malate.

5:15 AM
5:20 AM
5:25 AM
5:30 AM

Ganyan ang laman ng alarm clock nya sa cellphone araw araw.

Kulang na lang ay ilagay niya kada limang minuto ang alarm hanggang sa magising siya sa  umaga.

Hiling nya lang na tumalab na this time ang alarm clock nya at hindi mahuli sa trabaho.

I Found My Oppa! ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon